CHAPTER 44 - The True Reason Behind...

179 5 0
                                    

Rare's POV

"San ba punta natin? -_-" tanong ko sakanya habang nasa byahe kami. Sunday na ngayon at salamat naman kasi rest day? Kaso parang hindi dahil nga kinaladkad na ko ng mga damuhong lalaking ito. Kasi naman kaaga-aga palang hinatak na nila ako para sumakay dito sa van. Grabe buti at naka-toothbrush na ko at hilamos kaso naka-pajama at sleeveless pa ko at medyo gulo gulo pa yung buhok ko. Samantalang sila nakaayos ng bihis -_- tss as in tss.

"Nako boss mamaya malalaman mo din. Wag kasing excited. Haha" sagot naman ni libag, also known as ion. Sinamaan ko sya ng tingin. Bali dito ako sa may bandang gitnang upuan ng van nakaupo habang si Atom sa likod, si libag sa may harap ko at si Devilon ang nasa shotgun seat at si Fiber naman ang nagdadrive.

Makatulog nalang nga ulit. As if naman na hahayaan nila akong bumaba ng van. At dahil tinatamad na din naman akong magtanong ay inihilig ko na ang ulo ko sa sandalan ng inuupuan ko. Naka-crossed arms ako at hinila ang shades na suot ni Atom. Wala namang araw pa eh, kung maka-shades. -_-

Ipinikit ko na ang mga mata ko at nakatulog na ulit. Mamaya din naman eh malalaman ko kung san ba talaga kami pupunta.

Devilon's POV

Michael Clinton, 18 years of existence, the heir of Clinton Corporation and Clinton Techs and the brain of Intrepid Assassins. We're now heading to our rest house in Puerto Galera. The fact that we're also an ordinary human beings that needs a rest after a very stressful week. And with my suggestion yesterday to my co-assassins that it's better for us to have some time for fun, well they didn't think twice and immediately agreed with it. But we didn't asked Rare about it, because for sure she will just stay to their mansion and sleep for the whole day.

I noticed that she's now asleep, again. I stared at her for a while, like I used to, before when we were in elementary. Yeah. I've known her for so long. Then as far as I remember the day when she fought those bullies back then, I already started to have a crush on her. But now, I don't think crush nalang ito. The truth is, the former assassin Alfred Horan, entrusted her to me after nyang maglaho ng parang bula, until one day base sa mga sources ko ay napatay sya ng isang maimpluwensyang Mafia. Buti nga dati ay sya ang nakakuha kay Nika, na kundi dahil sakanya ay wala na talaga sya kaso mo may amnesia nga lang sya. Isang palabas lang din ang ginawa ko, I mean ay ang sabihin sakanya na may trayduran na naganap 7 years ago na magbebenefit sya sa pagsali samin. Pero the truth is, gusto ko lang syang mapalapit sakin. I want her to fall for me. I want her to notice me. I want her to choose me. I want her. I want her to be my everything. Kaya habang nasakin pa sya, I'll do anything just to make her fall for me. Bago pa man bumalik ang memories nya.

That day na muntikan na silang magkita ni Brayden ay hinila ko na agad sya. Di pa yun ang right time for them to see each other. Baka pag nagkita kasi sila, mawala sya sakin. Na baka pag nagkita sila, bumalik na agad yung mga alalaala nya na hindi ko man lang sya nagawang mahulog sakin. Selfish na ako kung selfish. It's just that, I don't want to loose her again. Two times of losing her is enough. Akala ko nga dati wala na talaga sya. I've cried every night and I know it sounds so gay kasi wala man lang akong nagawa para sakanya. Na dahil sa katorpehan ko dati ay nasasaktan ako ng ganito.

Ayoko syang mapasali pa sa kung anong related sa mundo nya dati, but I did take a risk when I asked her to join our team. Kasi kung di din dahil dun, di ko sya makakasama ng ganito, di ko sya malalapitan ng ganito, di ko sya makakausap ng ganito kalapit, di ko maipapakita how much I love her tulad ng dati. I just smile with the thought that we're going to be couples, soon. I'll make my move as soon as possible. Di ko na sasayangin ang mga panahong nakakasama ko sya.

Actually nagulat nga ko na sya pala ang target namin dati. Wala akong alam nun dahil di ako ang kumuha ng infos about sakanya kundi yung napatay kong mga co-assassins ko. That day na tinambangan namin sya ay gusto kong ang mga ka-co-assassins ko ang patayin ko, kaso napaisip ako na kapag ginawa ko yun ay di ko malalaman kung sino ang puno't dulo ng mga nangyaring yun, na kung sino ang tao sa likod nun. Kaya humanap ako ng tamang oras at tamang panahon, buti nalang nga at may tatlo akong kasamahan na naging kaibigan din ni Nika back when we were in elementary na dapat ay tutol din sa ipinagawa samin dati. And sila Fiber at Atom nga yun at Ion. But thanks to what happened before coz I've given the chance to show her how much I love her. Gusto ko pagbalik ng memories nya ay handa kaming tumulong sa magiging laban na naghihintay panigurado sakanya. Paulit ulit ako ano? Wala eh, sabi nila ganito daw talaga pag inlove. Paulit ulit at natututong kiligin kahit nakakamukang bading. Tss

Our Love Story (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon