CHAPTER 52 - Anong konek?

147 5 0
                                    

Aiden's POV

After ng klase ko ng around 7pm na din ay I decided to go to a park. Where I usually go talaga. Kapag napunta kasi ako dito ay talagang namimiss ko ang pagkabata ko. Like diba most of us want to go back from being a child, playing without worries that you might get hurt, teasing someone and then at the end of the day you still end up playing together. It's just some of the memories I have when I was on that stage of my life. Pero dahil gabi na ay iilan-ilan nalang din ang mga bata dito. At karamihan sakanila ay mga batang pulubi. Minsan nga iniisip ko, kung siguro di nauso ang mga gadgets na halos lahat ng bata ngayon ay meron eh talagang in a personal way ka magkakaroon or makakabuo ng friendship sa ibang bata. How I miss those days that I have befriended someone personally. Kaso wala na akong balita sakanya. He's someone I really can rely on that time. He's there for me when I am crying. In short he's obviously my childhood bestfriend. Kung sana dito pa din sila sa Pinas nakatira edi siguro sya pa din ang bestfriend ko. Kasi simula dati ng huling nagtiwala ako ay naloko lang pala ako. Kaya simula ng araw na yon ay talagang wala na kong pinagkatiwalaan bukod sa sarili ko.

Matapos ang ilang minutes ng pag-stay ko dito ay naisipan ko na ding umuwi na. Kaso may narinig ako. May narinig ako na talagang nagpakilabot sa buong sistema ko. Kung san lakas at talino ay angat ako doon, pero sa isang bagay na meron sya ay wala akong panama. Walang panama lahat ng nalalaman ko. Dahil once na mag-salita na sya ay talagang di ko maiwasang matakot. It's just that, I'm really not afraid to die but, syempre wag muna sa mga panahong di ko pa naaayos at naeenjoy ang lahat. Most especially ang pagkakaroon ng ordinaryong buhay kasama ang future housewife ko at mga magiging anak namin.

Kaya mula sa pagkakaupo ay agad na kong tumayo upang lisanin ang park. Dahil alam kong dumating na siya, si Surcease Docketer. Ang taong halos kinatatakutan ng lahat ng mga nasa organisasyon or kahit di miyembro ng organisasyon namin.

Kaso may di ako inaasahang tao na makakabangga na mukang nagmamadali din. At kahit gabi na ay alam kong hindi kung anong ordinaryong mantsa ang nasa damit nya. Kaso bago ko pa man sya harapin ay mabilis na syang nakasakay sa motor nya. Ang bawat tingin, lakad, galaw at bilis nya ay katulad na katulad nya. Pero napailing naman ako sa isiping iyon at iniling ang ulo ko. Pero kasi ewan ko but, I really can't explain this feeling inside me, telling that she's something.

Iba ang kutob ko talaga sa babaeng yun kahit nung nakabangga ko din sya nung nagmamadali ako before. Unti unti na din nawala yung sinasakyan nyang motor kaya ako naman nagtuloy nalang kung nasan nakaparada ang sasakyan ko. Kaso nakita ko sya. Nanindig ang mga balahibo ko. Pero pinilit kong ikalma ang sarili ko at inisip nalang na ordinaryong tao lang din sya.

But something caught my attention habang naglalakad ako. Isang bagay na pamilyar sakin. Agad ko naman yun kinuha at nagulat ako sa nakita ko. Alam kong sya lang kasi ang nag-iisang tao na may-ari ng gamit na 'to dahil sya lang mismo ang may gawa at nag-desenyo nito. Isa itong bagay na alam kong wala na pero eto nga ngayon at hawak hawak ko. Alam ko kasing suot-suot nya lagi ito. Di kaya tama ang hinala ko na sya yung babaeng yon? Dapat ko 'tong di baliwalain dahil sya nalang ang taong huli kong mamahalin. Nakapag-imbestiga na kasi ako at nalaman kong hindi sya ang taong nasa likod ng pagpatay sa pamilya at babaeng minamahal ko. Alam kong wala syang kasalanan at alam kong sya din ang babaeng MC. Kaya nga tumiwalag na ko sa mga kagaguhang pinaplano ng mga against sakanya dati eh. Kaya nga ko naghahabol sakanya nun. Gusto kong maibalik ang dati naming pinagsamahan. Kaso dahil sa trahedyang yun eh mukang magiging malabo ng mangyari yon, dati. Pero tingin ko ngayon, nagkaroon ako ng pag-asang buhay pa sya.

Kailangan kong malaman kung sino kang babae ka. Hindi ako titigil hangga't di ko nalalaman kung sino ka talaga. Agad na din akong nakasakay sa sasakyan ko at dahil nga sa malalim ang iniisip ko ay nawala na ang takot ko kanina. Dahil mas na-occupy ang utak ko sa nakita kong, kwintas na may desenyong comet na nakapaloob sa isang yinyang  na may naka nakaukit dun na alibata na letra. Natignan ko kasi ng maigi kanina yun eh.

Our Love Story (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon