CHAPTER 29.2 -Sick

154 5 0
                                    

Brayden's POV

Nang matapos ang tawag na yon ay agad agad naman akong nagpunta sa Osbourne Hospital. Sa pagkakaalam ko ang mga Osbourne ay kilala din sa Mafia world. Sila din kasi ang may pinakamalaking nagawa para sa mga Mafia dito sa Pinas pati na din sa ibang bansa. Kaya ako napatawag kanina sa megaphone-slash-aso na yun ay dahil na-curious ako kung bakit sya di pumasok ngayon. Matagal na din yung number nya na nasakin. Bakit? Di ko din alam. Yung ibang mga kaibigan nya din kanina ay nagtataka kung ba't di sya pumasok. Narinig ko lang din sa lakas ng usapan nila na pinalayas si aso sa bahay nila. Kaya lahat sila ngayon di alam kung nasan sya. Pero eto nga ako at swerte dahil alam ko na kung nasan sya. Wala muna akong balak sabihin yun sakanila. Di ko alam sa sarili ko pero gusto ko lang sa ngayon ay ako lang ang makakakita sakanya.

Andito na ko ngayon sa may parking lot ng hospital at ipinarada na ang kotse ko. Agad naman akong nagpunta dun sa may tanungan ng nurse kung san naka-room ang mga pasyente kaso kasamaang palad dahil walang Nika Perez daw ang naka-confine dito. Pano ko sya mahahanap? Sa dami ng kwarto ng hospital na 'to. Alangan namang isa isahin ko ito? Nang matapos na kong magtanong ay umupo na muna ako at mag-iisip isip kung pano malalaman kung nasan si Aso. Bakit ba kasi ganito ang epekto mo sakin megaphone? Bakit??!! Bakit?!! Ilang araw mo na ginugulo ang isip ko. Aishhhhh napasabunot nalang ako sa buhok ko at yumuko. Kailangan ko syang makita.

Nika's POV

Bago ko pa tuluyang naimulat ang mata ko ay nakarinig ako ng boses ng isang lalaki na malapit lang sakin kasi nararamdaman ko ang presensya nya kahit nakapikit ako. At ng tuluyan nya ng maibaba ang tawag ay nagsalita ulit sya.

"Sana ikaw nga. Sana ikaw nga si Nika. Para makasigurado ako, we'll wait mom para makita ka nya. Sana ikaw nga. Nika." teka pano nya nalaman ang pangalan ko? Di ko pa din magawang maimulat ang mata ko kasi di ko din alam. Atsaka nagtaka ako nung sinabi nyang sana ako? Ako ang alin?

*ring!!!! ring!!!!*

Bigla namang tumunog yung cellphone. Sinagot nya naman agad iyon.

"Yes Mom.... Yeah... I'll be there.... Opo..... Di ko po kasi alam ang name nya kaya hintayin nyo ako dyan sa baba Mom.... Okay okay po sige po... Bye po..." yan lang ang narinig ko sa mga sinabi nya. Di alam ang pangalan ko pero nabanggit nya kanina? Nang matapos ang pakikipag-usap nya dun sa Mom na sinasabi nya ay nakarinig naman ako ng yabag ng paa at ang presensyang kanina ko pa nararamdaman ay unti unti ng lumalayo. Hanggang sa nakarinig nalang ako ng tunog ng pagpihit ng doorknob at tuluyang pagsarado ng pinto.

Unti unti ko nang nagawang maimulat ang mata ko at napansing hindi ito ang kwarto ko? Kaya kanina nagtataka ako kung bakit nakakaamoy ako ng amoy gamot sa kwarto ko sa condo eh yun pala andito ako sa ospital. Hanggang sa unti unti ko ng maalala ang mga nangyari kanina na dapat ay sa baba ako ng building kakain kaso ayun biglang nagdilim ang paningin ko. Tapos eto na nga ako ngayon sa isang lugar na pinakaayaw kong puntahan. Di dahil takot ako sa kung ano anong aparato or injection na pwede nilang ilagay sakin or di kaya ay sa dugo. Nakipaglaban na nga ako ng maduguan kaya bakit ako matatakot dun diba? Ayoko dito kasi basta ayoko lang.

Nang maramdaman kong medyo mas maayos na kesa kanina ang pakiramdam ko ay tinanggal ko na ang dextrose na nakakabit sa kanang kamay ko at buti nalang at andito sa may maliit na table sa gilid nitong hospital bed ang cellphone at wallet ko. Hinubad ko na din yung damit pang dito sa hospital at inayos ko na ang sarili ko na parang di ako nanggaling dito. Kailangan kong makaalis dito bago makabalik yung lalaki kanina. Nakasuot pa din naman yung damit na sinuot ko kanina. Tinanggal ko na din yung parang tape sa may kanang kamay ko para di nila mahalatang isa ako sa pasyente dito. Nang naayos ko na ang sarili ko ay agad naman akong lumabas ng silid na ito at nagkunwaring may dinalaw lang ako dito. Bitbit ko na ang wallet ko at sa may hagdan ako dumaan. Baka kasi makasalubong ako nung lalaki kanina sa silid ko dito sa hospital at baka basta iba kutob ko dun sa mga taong yun. Medyo nanghihina pa din ako habang bumababa ng hagdan pero pinilit ko pa din ang pagbaba. Kailangan ko ng makaalis sa hospital na 'to. Ayoko dito. Nang makarating na din ako sa wakas dito sa pinakababa ng hospital ay dahan dahan kong binuksan ang pinto at sinilip ang paligid baka kasi may makahalata sakin pero buti naman at tingin ko ay madalang lang na napapadaan ang mga tao dito. Kasi dead end na ang pwesto nito eh. Lumabas na ko dito at natural na lakad lang ang ginawa ko hanggang sa tuluyan ko ng makita ang main entrance ng hospital na ito. Dare-darecho lang ako ng paglalakad at hanggang sa nakarinig ako ng familiar na boses.

Our Love Story (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon