CHAPTER 39 - Miss me? *smirk*

192 6 0
                                    

Rare's POV

Matapos ang pagsali ko nga sa assassin kuno na yun ay nalaman ko ngang dati din palang assassin si libag. Kaso ayaw nya lang daw lumaban tulad ng nangyari dun sa pagbugbog sakanya ng alagad ni Aling Vi, baka kasi daw maghinala ako eh ang dali ko pa man din daw makaalam ng ganun.

Bali matapos din nun ay dinala na kami ni libag nung tinatawag nyang devilon sa isang napakalawak na lugar na parang may pang mga military ang pang training siguro. Tapos nun ay pinakain nya lang kami tapos nun ay isinabak na nya agad ako sa training. Grabe napapamura nalang ako kasi naman, grabe mas malala pa sa ginawa sakin ni Tay Naro ang ginawa nung Devilon na yun sakin. Pero ng matapos naman yun ay talagang masasabi kong feeling ko ay mas malakas na ko ngayon. Yun para bang invincible ako. Psh wag kayong basag trip eh sa ganun nafefeel ko talaga eh. Natalo ko kasi si Devilon nung naglaban kami pati na din si libag at ibang mga kasama nila. Bali may dalawa pa silang kasama na lalaki. Wow lang as in wow kasi ako lang ang nag-iisang babae. Tss hahahaha

Gusto nyo pa bang i-flashback ko ang mga ginawa sakin sa training? Tss saka nalang tinatamad ako mag-kwento ngayon eh hahaha

Bali ngayon ay andito na kami sa Maynila talaga. Matapos din kasi ang training ay dinala na kami ni Devilon dito at pinatira dun sa isang bahay na malapit lang din sakanila. At nako sa totoo lang, ang masasabi ko about kay Devilon ay, oo maitsura sya. Pano ko nasabi? Kasi nung tinetrain na nya ako ay tinanggal nya yung mask nya. Tapos ang tunay nya palang pangalan ay Michael Clinton. Ka-age lang din namin sya pala ni libag tapos sabi nya 2nd year college na daw sya sa pasukan at ipapasok nya din daw kami sa school na pinapasukan nya. Naayos na din daw nya ang mga dokumentong kakailanganin namin. At sinabi ko din sakanya nga pala na kapag may sapat na kong pera ay napagdesisyunan kong kunin si Anna sa mga magulang nya. Gusto ko kasi syang maipagamot.

To be exact guys, andito kami ngayon sa school na pinapasukan nya para daw makakuha na kami ng exam para nga 2nd year na din kami pag pasok. Bali ang datingan ko ngayon ay naka-eye glasses ako na nasasakop na halos ang buong muka ko tapos skinny jeans, tas yung t-shirt na walang manggas. Tss ang baduy ng may salamin pa pero kakailanganin ko daw ito. Bali yung buhok ko ay ganun pa din naman ang style tapos ang mala-alupihang peklat ko sa kanang pisngi ay andun pa din. Tss para namang may magbabago diba? Well, di ko nga pala nasasabi sa inyo na patapos na din ang summer, at sunod na dito ay pasukan.

Kasama ko ngayon si libag habang hinahanap namin ang admin office. Ewan ko ba pero parang familiar ang lugar na 'to. Nahanap naman agad namin ang admin office. Well madami na ding students ngayon dito para mag-enroll, kasi nga ilang linggo nalang mula ngayon ay pasukan na. Lumapit na kami ni libag dun sa may office at nagtanong dun sa taong nasa loob. Bali may nakaharang kasing salamin tapos may butas lang na bilog na ka-level ng bibig ko tapos ayun nagsalita na ako.

"Ahmm excuse me, san po kami kukuha ng entrance exam?" tanong ko dun sa babae. Si libag naman ang ngiti abot hanggang sa choco nyang batok. Kasi ganda ba naman ni ateng andito sa loob eh. Tingin ko nga ka-age lang namin sya, sabi naman samin ni Mike, short for michael ay mga studyante daw itong scholar dito sa school, nalimutan ko lang tawag. Basta yun. Tss

"Ah pasok po kayo. Kayo po ba sina... Ms. Rare Clinton at Darl Kulangkulang?" sabi ni ateng tapos tumayo sya at pinagbuksan kami ng pinto. Tumango nalang kami. Grabe sabi kasi ni Mike yan daw muna gamitin kong apilido tutal muka naman daw akong half breed. Gago yun eh, tingin ata sakin aso? Tss si libag naman hahaha yan daw talaga tunay nya talagang pangalan. Pucha gandang apilido nya eh, bagay sakanya hahahahaha

"Pasok nalang po kayo sa loob. Kanina pa po kayo hinihintay ni Sir Sanera." sabi nung babae. Pinapasok naman nya pa ulit kami sa isang room na nasa loob nitong office na malaki. Tingin ko lang mayayaman tao dito. Bakit kamo? Wala kita ko lang dun sa mga gamit at mga style ng pananamit at pagsasalita kanina ng mga nakakasalubong namin ni libag. Pag pasok naman namin ay tumambad samin ang isang napakalawak na kwarto na may mga bookshelf na punong puno ng libro tapos may sofa at coffee table sa right side nito tapos sa gitna ng kwartong ito ay isang malaking lamesa tapos may swivel chair. Tapos may dalawang malaking bintana na may kulay baby blue na kurtina. Bali kapag nakaupo ka sa swivel chair ay nasa magkabilang likod mo yung dalawang malaking bintana. Maaliwalas sa paningin ang buong paligid dahil sa kulay nitong blue tapos may pagka-wooden ang style ng mga gamit dito. Ngayon nasa harap na kami ng malaking table na kung san ay may isang lalaking nakaupo tapos may binabasang mga papeles. Well typical na mayayaman nga naman. Nang maramdaman nya sigurong nasa harap na nya kami ay ibinaba na nya ang binabasa nya at tumingin samin at ngumiti.

Our Love Story (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon