Rare's POV
"Counter!! Counter!! Counter!!" mga hiyaw yan ng tao sa isang di familiar na lugar sakin. Malabo ang mga imahe ng muka nila. At ngayon ko lang napansin na nakasakay ako sa isang big bike. At ang mga tao sa paligid ko ay pawang ang atensyon nila ay nasakin. Kaso ilang saglit lang ay may isang imahe ng babaeng unti unting lumalapit sa harap ko. Ikinasa nya ang baril hanggang sa malapit na malapit na sya sakin at itinutok sakin iyon. Di ako makagalaw. Unti unti naman ding naging puti at maliwanag ang paligid. Pero nanatili pa ding ganun ang posisyon namin nung babae pero ngayon, wala na yung motor, mga tao, ingay at ang dilim. Sobrang liwanag ng paligid ngunit ang babaeng nasa harap ko ngayon ay parang isang anino lang. Nakatapat pa din sakin ang baril nya bago sya magsalita.
"Akin lang sya! Akin lang!" sabi nya. Sinong sya? Tangna di pa din ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Pinilit kong kumilos pero wala.
"Lahat ng sa'yo ay akin lang! Kaya dapat kanang mawala sa mundong ito..... Nika *smirk*" sabi nya sabay putok ng baril sa dibdib ko. Bakit ganito? Wala akong maramdamang sakit pero kinakapos ako ng hininga. Sh*t! Umaagos ang dugo mula sa dibdib ko. Pakiramdam ko unti unti akong nahuhulog, dahil unti unti ding napapalayo ang imahe ng babaeng bumaril sakin.
"Babalik ako.. At ang lahat ng kinuha mo mula sakin ay babawiin ko... Babalik ako M--" sabi ko tapos biglang parang lumilindol ang mundo ko. Bakit ko ba sinabi yon? Bakit parang pakiramdam ko ay isang malaking parte sya ng nakaraan ko? Sino ka ba? Bakit mo naman gustong kunin ang lahat ng sakin? At ano naman ang lahat ng iyon?
Unti unti naman akong napunta sa isang madilim na lugar na lumilindol at naririnig kong may tumatawag sakin. Nag-eecho ang boses nya sa buong paligid. Inilibot ko ang paningin ko para makita kung sino yun pero wala akong makita. Tanging sa pwesto ko lang ang may liwanag. Nalindol pa din at unti unting lumalakas yung boses ng lalaki na patuloy sa pagtawag sa pangalan ko. Naalala ko yung binanggit na pangalan nung babae. Pumikit ako para sakaling mawala ang hilo ko sa paglindol at yung pakiramdam ko na parang hinihigop ako kung san ay syang unti unting nagpabalik sakin sa katawan ko.
"Tangna boss!! Gising!! Binabangungot ka!! Boss!!! BOSS!! GISING!! AYAW MO MAGISING BOSS HA? ETO SAYO!!" malakas na sabi nung boses. Parang pamilyar sakin yun. Hanggang sa naramdaman ko nalang na may malamig na bagay na tumapon sakin. Idinilat ko ang mata ko bago sabihin ang isang pangalan.
"Nika..."
Nang makabalik na ko sa ulirat ay tinignan ko ang taong nakatayo sa may gilid ng kama ko. Binigyan ko lang sya ng isang masamang tingin na syang nagpabato sakanya sa kinatatayuan nya.
"N-naalala mo na B-boss? A-ano.... K-kas-si B-boss binabangungot ka.. Kanina ka pa sigaw dyan ng sigaw? Kaya pinilit kitang gisingin kaso di ka magising kaya a-ano boss... He-he binasa na kita ng tubig galing sa pitsel he-he.." sabi nya. Tumayo ako ng unti unti. Tangna basang basa ang kama ko. Tss lalapitan ko na sya ng kumaripas sya ng takbo. Gagong yun. Babatukan ko sana eh. Lokohin mo na ang lasing, wag lang ang bagong gising. Tss
Dahil nangyari na naman na ay kumuha nalang ako ng towel at tumawag ng maid para papalitan ang bed sheet ko at unan. Pesteng libag yan eh. Tss naalala ko din na first day of school namin ngayon takte nakakaexcite na ewan pala ang pakiramdam pag ganito. Agad akong naligo at ginawa ang morning rituals ko. Natapos naman ako agad maligo at lumabas na ko ng CR dito sa loob ng kwarto ko. Bali nakatapis lang ako ngayon at naghanap na ko ng damit sa may cabinet ko. Dito ko nalang inilagay ang mga damit ko, ayoko nga sa walk-in closet na nandito, masyadong malaki yun para sa iilang damit ko lang naman eh. Bali ang pwesto ng cabinet ko ay malapit lang din sa may pinto ng walk-in closet ko. So eto nga nakakuha na ko ng isang sleeveless na parang t-shirt pa din na walang manggas na color gray na may design na nebula sa gitna nun tapos isang skinny jeans na medyo faded ang kulay, well color red sya bali then yung red ko na sneakers na binili kahapon. Nailabas ko na ang lahat ng susuotin ko at magbibihis na. Syempre nakasuot na din ako ng undies nung bago palang ako lumabas ng banyo. Sports bra ang suot ko at panty-short. Tss ang mga orange na utak ayusan. -_- kaso bago pa man ako makapag bihis eh may isang lapastangan na bigla nalang nagbukas mg pinto ng kwarto ko. Tangna men. Nakaalis pa man din na yung towel na nakabalot sakin kanina. Tss nakatalikod bali ako mula sa pinto kasi nga magbibihis na dapat ako kaso ayun nga nangyari. Ramdam ko ang tingin sakin ng lapastangan na yun. Kinuha ko ang towel at saka ibinalot ulit sa katawan ko bago ko harapin kung sino man ito. Binigyan ko agad sila ng matatalim na tingin. 'Sila' as in 'sila' dahil buong grupo ko ang pumasok ng biglaan dito. Tss
![](https://img.wattpad.com/cover/2309407-288-k963390.jpg)
BINABASA MO ANG
Our Love Story (UNDER REVISION)
RomanceHi All, This story in under revision. Thanks for your patience. Regards, Author