CHAPTER 50 - Hunt them One by One..

109 5 0
                                    

Nika's POV

"It's good to see you again... Counter.. Or let me just call you... Nika.. *smirk*" nagtiim bagang ako. This sh*t!! Arghhhh!!!

*Sliingggg!!!!*

Puta natamaan tuloy ako. -_- Argghhh!!! Nagulat ako dahil di ko akalaing makikilala at malalaman nya kung sino ako.

"Kilala ba kita? -_-" tanong ko naman sakanya. Kunwari lang ha di ko sya kilala pero san kayo eh kilalang kilala ko sya. Ayoko ngang sabihin o ipahalata na may naalala na ako ano. Masisira ang mga plano ko pag ganun.

"Wag mo nga akong pinagloloko Nika!" sigaw nya sakin sabay sugod na agad ko naman ding naiwasan. Inferness lang ha. Improving na sya haha. Napangisi naman ako dahil tingin ko, isa sya dun sa mga taong sumisira sa H.A., at alam kong sya yung taong nasa likod ng pagpatay sana sakin. Pero ano bang motibo nya bat nya nagagawa 'to? -_-

"Ay halata na ba? Haha" nakakaloko ko namang saad. Iwas lang ako ng iwas sa mga ginagawa nyang pagpapatama sakin ng katana. Lalo naman syang nagtiim bagang. Halata mo sa itsura nya na naiinis na sya. Mainis ba sya. Ako ganti lang haha.

"You Moron!! This time masisiguro kong magkikita na kayo ng panginoon mo!!" sigaw nya at medyo mas bumilis na yung pag-atake nya sakin. Ako naman iwas lang ng iwas. Nakaka-boring talaga kalaban nito. Walang thrill eh.

"Onalang Bevs or should I call you Master Tigress?" tama po kayo ng nabasa. Si Bevs ang walangyang kaharap ko ngayon. Ang totoo nyan, lumipat din pala yan ng MSU kaso hindi ko sya nakikita dahil sa sobrang taliwas ng sched namin last year. Nalaman ko lang din yan kay Mike. Napasok nya kasi yung secured site ng MSU. Kaso ang di ko lang lubos na maisip ay kung bakit nya ginagawa ang lahat ng 'to? Para san diba? Atsaka pano ko nalaman na si Bevs nga ito kahit na naka-half mask sya? Simple lang. I have memorized all her features before eh at yung boses nya na mala-yero ang dating. I was deceived back then. I thought I've already found a very trustworthy friend.

"P-pano mo nalaman na ako 'to?" tanong nya sakin na nagpatigil naman sakanya. Ngumiti naman ako bago mag-salita.

"Ba't ko sasabihin? Haha bakit ba ginagawa mo ang lahat ng 'to ha Bevs?!! Akala ko kaibigan kita pero mali pala. P*tangina mo po eh!" I hissed. Di ko na napigilan ang emotion ko. Siguro nakabalik na sya sa ulirat kaya umatake nanaman sya sakin but this time ay nahawakan ko ang katana nya gamit ang dalawa kong kamay. Pero syempre di naman ako shunga para hayaang madali ang kamay ko nun ano. Masakit kaya yun at baka maputol pa daliri ko. Bali ang style ng pagkakapigil ko eh nasa pagitan ng mga palad ko.

"Bakit ko nagagawa 'to?!! Dahil trip ko lang HA-HA-HA dahil inagaw mo na ang lahat ng dapat sakin eh! Yung kinatatayuan mo dati! Yung atensyon nila Ken sayo, yung bininigay nila sayo na pag-aalala! Yung dapat ako ang nasa katayuan mo!" sigaw nya habang patuloy sa pagpwersa ng pagtama sakin ng tuluyan ng katana nya. P*ta dahil lang ba dun kaya sya ganyan? -_- ang babaw po.

"Edi palit tayo pwesto para ikaw yung ipapapatay ko diba?! Atsaka teka kababaw babaw naman ng dahilan mo! Wag mo nga akong pinaglololoko Beverly!"

sigaw ko sakanya tapos buong pwersa ko namang pinutol ang part ng katana nya na hawak ko. Nagulat naman sya sa ginawa ko pero agad din naman syang nakabawi.

"Di totoo yan! Dahil ng sa MSU na kayo pumasok ay di nyo na ako naalala! Yan ba ang mahalaga ha Nika?! Yan ba?!! Kaya nga naisip kong ipapatay ka kaso ang mga tatanga tangang assassins na hinired ko ay walang silbi! Ako din ang nagpapatay sa Lola mo. HA-HA-HA ohhh let me rephrase that, AKO ang pumatay sakanya. AKO ang kaharap nya bago nya salubungin si Lord. Natawa pa nga ko sa naging reaksyon nya kasi pinakita ko sakanya ang muka ko non. Ako rin ang nagtulak at ang amo ng mga sinasabi mong tropa na sila Farrah. Ako lahat Nika! At ganti ko ang lahat ng yan ng mapatay mo ang taong pinakamamahal ko. Ang taong kabiyak ko. Si Ealy. Buhay ang kinuha mo sakin kaya buhay lang din ang kinuha ko sayo." pag-amin nya sa gitna ng mga pag-atake nya sakin. So that explains everything. Kelan lang din naging Master si Tigress. She's good in using katanas and sya ang may pinakamadaming underlings sa mga Masters. Di ko naman sya nakakausap dati kapag nasa H.A. kami or di kaya nung naglaban kami eh di ko naman sya narinig magsalita. That time eh ibang mask pa ang gamit nya. Yung sakop pa ang buong muka nya kaya wala talaga akong idea about sa totoo nyang itsura pero ngayon nga ay alam ko na. Medyo parang nalungkot ako na nasaktan dahil sa panloloko nyang ginawa sakin. Ang sakit pala talaga na ma-betray ng taong sobrang lapit sayo. Pero ayoko namang ipakita sakanya ang emotion ko na yun.

"Kinuha ko lang din ang dapat na kuhain ko sakanya. Nauna sya. Di na patas ngayon dahil dalawa na ang nalagas sakin! Eh ikaw?!! Yung demonyong Ealy lang na yon!!" sabi ko naman. San na nga ba hahantong ang laban namin na 'to? Umiyak na ngayon si Bevs pero atake parin sya ng atake pero ngayon ay naagaw ko na yung katana na putol na ang dulo na hawak nya at pumaikot ako sabay ng pagsaksak ko noon sa dibdib nya. Napaubo naman sya ng dugo at binitawan ko na din ang katana na yun na nakatarak na sa dibdib nya. Unti unti naman syang bumagsak at ako 'tong tangang sinaksak sya eh agad ko din syang sinalo.

"I-Ito ang gusto kong mangyari *cough cough*"sabi nya tapos umubo na sya ng napakaraming dugo.

"Tanga naman kasi eh. Mano ba naman iniwasan yun!" sermon ko pa. Alam ko namang kaya nyang iwasan yun kaso di nya ginawa.

"Nakikita ko na sya Nika. Nakikita ko na ang Ealy ko. Sorry Nika. Sorry. Totoong tinuring kitang kaibigan. Di sinasadya ni Ealy na mapatay ang Mama mo dati. May barilan na naganap ng gabing yon at saktong dadaan kayo kaya natamaan ang Mama mo. Bye Nika.." sabi nya na hinang-hina. Napaiyak na ko dahil sa nalaman ko. Tapos nyang sabihin yon ay tuluyan nang binawian ng buhay si Bevs. Niyakap ko sya tapos iyak ako ng iyak. This was all wrong! Maaaring wala na si Bevs pero may problema pa ko na alam kong mas malala dito.

Alam kong may iba pang tao ang nasa likod ng mga 'to. Alam kong di lang si Bevs ang involve dito. Dahil di naman ganun kashunga ang isang Master na basta basta nalang aamin tungkol sa mga bagay na sa una palang ay sikreto na. Kaya humanda sila 'cause I'll hunt them one...by....one....

------

Ohhh ayan guyth! Hohoho alam na kung ano at sino talaga ang nasa likod ng mga yun. Pero di lang si Bevs ang may pakana ng lahat at yan ang aabangan niyo sa mga susunod na UD! ^_^

Thank you nga pala sa mga nagpapatuloy na nagbabasa hehehe.Sana ipakalat nyo po ito para madami ang makabasa. Salamat ulit! CIAO!! :)

Our Love Story (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon