Panpan's POV
Hehe POV ko po ito. Syempre parang TP POV lang yan hahaha. So eto na guys back to the story. Habang nasa bar pa din si Brayden at ang iba naman ay busy sa kasalang magaganap any minute from now at si Nika naman ay andun pa din at walang malay. Habang nasa ganoong sitwasyon ay may isang matandang lalaki ang namamangka sa ilog kung san ay dun sya sa mga tabing ilog nangangalakal ba. Nang mapalapit sya sa may tabing ilog ay may napansin syang tao na nakahiga, at halos mukang wala ng buhay. Medyo maliwanag na din sa buong paligid kaya nagawa nyang maaninag ang muka ng taong iyon, isa itong babae na may malaking sugat sa ulo at puno ng dugo naman ang kaliwang balikat nya. Agad nyang dinaong sa isang tabi ang maliit nyang bangka at nilapitan ang babae. Agad nya itong binitbit papunta sa bangka upang magamot ang mga natamong sugat nito. Bali nilapatan nya muna 'to ng paunang lunas kaya medyo na na umaagos ang mga dugo sa kanyang katawan.
Sa isang banda. Ilang minuto lang ang nakakalipas at nagsimula na ang kasalan ngunit wala pa din ang magkasintahang sina Brayden at Nika na syang ipinagtaka ng lahat. Ngunit kahit na ganoon ay kailangan magpatuloy ang mga seremonyas dahil nga nakahanda na ang lahat. Ang assumption nalang nila Max at Klein ay baka malelate lang yung dalawa. Habang nasa ganoong kasiyahan naman ang iba ay syang paghinanakit naman ni Brayden. Masyado pa din syang nasasaktan sa nabalitaan tungkol sa kanyang nobya. Sinabi nya sa sarili na kahit ano o magkano ay babayaran nya mahanap lang si Nika. Umalis na din sya sa bar at bumalik sa hotel kung san sila nag-check in. Natulog nalang sya na umiiyak at patuloy na nasasaktan sa nangyari. Ito kasi ang unang beses na makaramdam sya ng ganitong kasakit na pakiramdam.
Sa kabilang banda naman ay si Nika na halos nag fi-50/50 dahil na din siguro sa napakadaming dugo na nawala sakanya. Buti nalang at agad syang nakita ng matanda kaya naisip nitong dalin agad sya sa pinakamalapit na hospital sa barrio nila. Nakarating sila dun at naasikaso agad ang ating bida. Matapos ang halos agaw buhay na sitwasyon na nanhyari kay Nika, ilang minuto lang din ay nai-deklara na ng doctor na magiging maayos si Nika dahil buti nalang sakto namang pagdating ng mga inorder nilang dugo sa blood bank. Kaya naagapan agad ang tuluyang pagka-ubos ng dugo ni Nika. Nang makalabas na ang doctor ay agad nitong nakita ang matanda na nakaupo sa waiting area.
"Kaano ano ninyo ho ang biktima? Kayo ho ba ang kanyang ama? Mabuti nalang ho at naagapan ang tuluyang pagka-ubos ng kanyang dugo na halos ikamatay nya na ngunit sadyang mabait ang maykapal at binuhay pa rin sya." sabi nung doctor dun sa matanda. Nagdalawang isip sya kung ano ang kanyang sasabihin. Ang totoo nyan ay byudo na sya at wala din silang naging anak ng asawa nya kaya nung makita nya si Nika ay nakaramdam sya ng saya dahil pwede nyang ituring na anak ito kaso baka may maghanap sa dalaga kaya eto at naguguluhan ang isip nya kung ano ang isasagot sa doctor. Di na nya namalayan ang kanyang mga sinabi.
"Ay opo ginoo sya po ay aking anak. Sya ay napagdiskitahan ng mga tao sa may eskenita malapit saamin kaya naging ganyan ang kanyang lagay. Mabuti nalang at nakita ko agad sya. Pero mawalang galang na ginoo kamusta na po ba ang kalagayan ng a-aking a-anak?" medyo nautal pa na sabi ng matanda sa huli nyang isinaad. Ngumiti ng bahagya ang doctor bago ito magsalita.
"Mabuti nalang at nakaligtas sya. Ngunit sa kasamaang palad ay sa natamo nyang malaking sugat sa kanyang ulo na mukang nanggaling sa isang matinding pagkakabagok o pagkakapukpok sakanya ng kung anong matigas na bagay ay magdudulot sakanya ng amnesia. Para maalam kayo tungkol dito ay ito ay isang kundisyon kung san ay may mga memorya ang taong may amnesia na di nya matatandaan agad agad, dahil may posibilidad na bumalik ito ngunit may posibilidad na di na rin ito manumbalik. Pero isa lamang po itong selective amnesia. Muli ho ay humihingi na ko ng despensa sa nangyari sa inyong anak. Wag din ho kayong mag-alala dahil wala na kayong babayaran dito sa hospital dahil kaming mga doctor dito ay boluntaryong tumutulong at walang hinihinging kapalit. Kami ay masaya na hong makitang nakaligtas kami ng isang pasyente tulad ng inyong anak. Ako po ay mauuna na. May mga bagong pasyente na din po ang dumating. Paalam. Maaari nyo na pong puntahan ang anak ninyo sya ngayon ay nagpapahinga nalang muna." pewsss haba ng explanation ni doc hahaha ayun nga umalis na si doc at pumasok ang matanda sa kwarto kung nasaan ang dalaga. Sya ngayon ay nagpapahinga nalang at sa di malamang dahilan ay masaya ang matanda sa nalaman na dahil sa amnesia at maaari na nyang angkinin bilang anak ang dalagitang ngayon ay payapang natutulog.
Her POV
"I-I Lo-ove Y-ou Brayden..." yan ang sinabi ko sa panaginip ko. Brayden? Sino iyon? At bakit ako duguan nito? Isang bangungot ata lang ito kaya pinilit ko ng gisingin ang sarili ko. Unti unti kong minulat ang mata ko na parang ang bigat-bigat at naaninag ko na may isang lalaki na nakatayo sa gilid ng hinihigaan ko. Nakita ko naman syang tumayo at lumapit sakin at hinawakan ang kamay ko. Unti unti na ding nagliwanag ang paningin ko at nakita ko ang isang matandang lalaki.
"Anak mabuti naman at gising kana. Salamat sa inyo poong maykapal at dininig nyo ang aking panalangin. Ano na ang iyong nararamdaman anak? May masakit ba sa'yo?" sabi nya at tinignan ko lang sya. Bakit nya akong tinatawag na anak? Sino ba sya?
"Sino ka? Bakit anak ang tawag mo sakin? Nasan ako?" Sunod sunod ko naman na tanong sa matandang lalaking nasa harap ko. Naramdaman ko naman ang sakit na nagmumula sa ulo, kaliwang balikat at tagiliran ko nung pinilit kong makaupo. Tapos naramdaman ko din na may masakit din sa may bandang kanang pisngi ko at ng hawakan ko ito ay may naramdaman akong parang isang tela ang nakalagay dito. Inalalayan naman ako nung matanda na makaupo bago sya nagsalita.
"Ako ang iyong ama. Kung hindi mo man maalala, ikaw ay napagdiskitahan ng mga adik sa ating lugar mabuti na lamang at dumating ako. Hayaan mong pagkagaling na pagkagaling mo ay may ituturo ako sayo. Basta anak magpahinga kana muna sa ngayon." sabi nya naman. Kung ganun ang nangyari bakit di ko maalala? Bakit di ko maalalang sya ang tatay ko? Bakit ganito? Wala akong maalala kahit pangalan ko?
"Anong pangalan ko?" yan nalang ang naitanong ko sakanya. Napalunok naman sya at parang nag-iisip.
"Rare ang pangalan m-mo anak.Tama tama Rare nga." medyo nautal na sabi nya. Kakaibang pangalan. Rare nga naman.
"Ganoon po ba? Eh ano pong pangalan nyo?" tanong ko naman sakanya. Di ko pa kasi naman alam kung anong itatawag sakanya.
"Naro anak. Basta sa ngayon magpagaling ka anak at may ituturo ako sayo ng sa gayon ay maprotektahan mo ang sarili mo." sabi nya tapos hinalikan ako sa aking noo.
Natulog nalang akong muli at nanaginip ng isang kahindik hindik na pangyayari. Nakita ko ang sarili kong marunong akong makipaglaban at walang nakakatalo sakin. Pero yung mga taong natatalo at nakakasaluha ko sa panaginip ko ay malalabo ang imahe. Alam kong ako talaga iyon pero yun lang ang natatandaan ko. Nalaman ko din kanina base sa narinig ko sa doctor ay may amnesia ako. Nang bago kasi ako tuluyang makatulog ay may narinig akong lalaking pumasok sa aking silid tapos ipinaliwanag nyag maigi kay tatay kung ano na ang kalagayan ko na daw.
At ngayon nga ay may kaunti akong naaalala pero yun lang. Dahil may part sa puso at isip ko na parang ayaw ng alalahanin pa ang ibang mga nawawalang memorya ko. Tama na ang ganito dahil tingin ko na kahit ganito lang kami ng aking tatay ay mukang masaya ang buhay ko.
---------
UD ageyn hahaaha guys pa-vote naman lalo na sa silent readers. Hahaa sana nagustuhan nyo yung UD. ^_^
Kawawa si Nika Girl. Nagka-amnesia pa nga. Mas kawawa si Brayden dahil di pa rin mag-sink in sa utak nya ang nangyari sa labidabs nya. Okay enough of this stupid stuffs hahaha Sana po patuloy kayong magbasa kasi nasa Climax na tayo ng story. Salamat ulit!! Ciao!! ^___^
BINABASA MO ANG
Our Love Story (UNDER REVISION)
RomansaHi All, This story in under revision. Thanks for your patience. Regards, Author