CHAPTER 12 - Meet RED HEAD GUY

319 5 0
                                    

Nika's POV

December 20 na ngayon at Ilang araw nalang at Pasko na. Christmas Vacation na din namin eh. Ilang buwan na din ang nakakalipas ng mawala siya. Sa nakalipas din na buwan na yun nakakangiti pa din naman ako. Sadyang nung first week lang wala tahimik lang ako at nagmumukmok, umiiyak pag gabi.

Buti andyan ang tropa kasi nagawa kong makita pa din si Bryan sa huling pagkakataon. Andyan din sila para patawanin ako. Kung ano ano na nga pinaggagagawa ng mga yun eh and they didn't fail to put some smiles again on my lips that time.

Pano ko nakita si Bryan for the last time? eto

FLASHBACK

Andito na kami ngayon sa airport. San kami pupunta? at sino ang mga kasama ko?

Sa Davao kami pupunta at kasama ko ang buong tropa. Nang malaman din kasi nila ang nangyari nagulat sila kasi naging ka-close din nila si Bryan dati. They decided to go to Bryan's Burial. At dahil mayayaman nga sila ura-urada silang nagpa-book ng flight papuntang Davao. They texted me if I'm going to come with them, I didn't think twice, I want to see him. I want to say how much I missed, loved and hurt am I right now.

So here we are in the airport and waiting for our flight. I really don't know what to feel right now.

"Uy Nika are you okay? Kanina ka pa tulala dyan. Halika na aalis na tayo eh" Sabi ni Kenken. Nauna ng naglakad yung iba. Di ko namalayan na kanina pa pala ko nakatulala. Di ko kasi talaga alam ang magiging reaction ko kapag nakita ko na sya. Kung iiyak ba ko? or magpapakatatag, yun bang pipigilin ko nalang ba ang luha ko. Ang dami dami ko pang gustong sabihin sakanya kasi eh.

"Yeah. I'm fine. Tara na baka maiwan pa tayo ha-ha-ha" sabi ko sakanya na may fake pa na tawa. Thankful talaga ako na may mga kaibigan akong masasandalan, kaibigang di sumuko na patawanin ako sa oras na malungkot ako, mga kaibigang di nagsawang tulungan at bigyan ako ng suporta para palakasin ko ang loob ko lalo na kapag nakita ko na sya.

Nii-imagine ko palang na makita ko sya sa coffin my tears are traitor. They keep on falling. And I really hate it. I don't want to look so weak most especially when I'm in front of my friends.

"Tss. Don't fake a laugh Nika. I know how it is hard for you to accept the fact that he's already gone. Let that tears from falling coz I think it could ease the pain, not that much but atleast even a little. Tss tara na nga iiwan na tayo ng epleyn eh haha enough of this dramatic scene, ipunin mo nalang muna yan para mamaya" baliw talaga 'to kahit kelan. Panira ng moment eh. Ayun na eh lalabas na ng tuluyan ang mga luha ko eh. Kaso naudlot. But actually kahit ganun atleast kahit konti I felt relieved.

After a few hours the airplaine landed. And the pilot said that we're already in Davao.

And after a few hours again. We're here. In Drilon's Mansion. Madaming mga bulaklak sa labas palang. Marami ding tao. Maya maya lang nakita na namin si Tita Brianna. Lumapit sya samin at ayun, niyakap nya ko agad and she started to cry. Hindi ko na din namalayan na naiyak na ko. Andito na kasi kami sa may malapit na sa kung nasaan ang wala ng buhay na taong hinintay ko ng matagal na panahon. Yumakap na din ako kay Tita Brianna. Nakita ko sila Kenken na nauna ng sumilip kay Bryan. And kung di ako nagkakamali ng nakikita. Tears fell from their eyes.

"Before he died he told me to tell you how much he loves you. He told me to tell you how much he was stupid to do that to you. Nang mga oras bago sya mamatay, ikaw lang ng ikaw ang binabanggit nya. Kesyo pupuntahan kapa nya, mamahalin kapa nya, hihingi pa sya sayo ng tawad in person, magkakaroon pa kayo ng mga magagandang bagong memories, at hindi ka nya iiwan. Iyak sya ng iyak that time Nika. Para syang bata dahil sa kakaiyak nya, kung bakit ba daw di pwedeng i-extend ang buhay nya. Mahal na mahal ka ng anak ko Nika and I know how much you love him. Kaya kami bumalik dito sa Pinas dahil sabi ng doctor sakanya na may taning na ang buhay nya at ang mas maigi pang gawin nya ay mabuhay nalang ng normal. He regret everything he did to you Nika. Gustong gusto kana nyang puntahan ng makabalik kami dito pero eto nga ang nangyare. Bago sya tuluyang mawalan ng buhay, Nika sya ng Nika at sinasabing Sorry sa lahat at mahal na mahal ka nya. Hanggang ang huli nya nalang nasabi ay 'Nika Sorry, I-I l-love y-you. Sorry di na kita mapupuntahan. Nawala ang anak ko Nika na ikaw pa din ang mahal na mahal. At nagpapasalamat ako sayo na nakarating ka pa din dito. At sabi nya, maging masaya ka daw. Ayaw na nyang makita kang naiyak dahil sakanya ulit. Malulungkot daw sya sige ka. Muka daw talagang di kayo para sa isa't isa. Kaya wag mo daw itigil ang magmahal ng iba.." Nakahiwalay na si Tita sa pagkakayakap sakin ng sinabi nya yan. Naiiyak pa din sya. Lalo na ako. Di na ko nakapagsalita sa kakaiyak. Niyakap ulit ako ni Tita at hinahagod hagod ang likod ko. Sobrang sakit kasi talaga.

Our Love Story (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon