CHAPTER 21 - The ECs

194 6 0
                                    

Nika's POV

Ilang araw na din ang nakakalipas nang bwisitin ako ng Tomlinson na yun. Grabe ang dami nyang ni-try na pranks sakin pero syempre naiwasan ko naman lahat ng yun. Pwera sa isa. Pshh

Andito na ko sa campus. Dahil maaga pa naman eh maglilibot libot na muna ako. Di na din muna ako nagdala ng isa sa baby ko ngayon kasi naman isa sa mga prank na ginawa ng damuhong iyon eh ang galawin or babuyin ang isa sa baby ko. Jusmeeee! Mas mahalaga pa sa buhay nila ang isa sa mga baby ko tapos ganun. Pero syempre di ko pinalagpas ang ginawa nilang katarantaduhan, hinanting ko talaga ang bumutas ng gulong ng Baby red ko tapos nisprayan pa ng spray paint na black! Kaya ayun kesa makapatay ako ng di oras eh nagbyahe nalang ako. Di naman ka-hassle kasi maaga ako umalis ng bahay.

Lakad lang ako ng lakad hanggang sa makarating ako dito sa may medyo tagong lugar ng MSU. To describe what I see right now, well masasabi kong para 'tong isang garden na tingin ko eh di sinadyang gawin. In short it was made by nature. Tapos may ilog dito. Medyo mapuno sya. Kaya tago ito. Gulo ko no? Unexplainable naman kasi eh dahil ang ganda. Haha walang tao dito ngayon or should I say, wala talagang tao na napunta dito. Kaya tingin ko pwede kong pahingahan 'to. I mean hide out dito sa MSU. Nakakarelax kasi tas presko pa. Lumakad lang ako papunta dun sa isang napakalaking puno ng Acasia. Tingin ko matagal na din 'tong puno na 'to dito. Umupo ako sa ilalim nito. Tas tinignan ang buong paligid. Grabe nakakatuwang isipin na may mga University pa rin talaga na binibigyan ng respeto ang gawa ng kalikasan, lalo na ni God. I mean kasi kung sa iba, abay malamang 'tong kinauupuan ko ngayon eh semento na, wala na ang malaking puno na ito, natabunan na ng panambak yung ilog at paniguradong puro buildings na din dito. Pero eto nga oh ang saya lang talaga isipin na ganito nga.

Nakakawala din ng mga nakakastress na bagay pag andito ka. Kasi kung makikita mo ang paligid eh puro green na may parang mga highlights lang ng ibang colors na nagmumula sa iba't ibang bulaklak na andito. Hayyyyyy ang sarap kung ganito lang kasimple ang buhay ko, walang iniisip na kung ano, malayo sa mga bagay na nangyayari sakin ngayon at kung ano ano pa. Sumandal na muna ako sa malaking ugat nitong puno. Hanggang sa bumibigat na ang talukap ng mata ko at di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

ZzzzzzzzZzzzzzzzz.......

ZzzzzzzzZzzZZzzzzzzzz.........

*PAKKKK!*

-_______- ako

Nagising lang naman ako dahil sa isang sipa? Di ko alam basta masakit yung pagkakatama sakin eh. Distorbo naman. Medyo pupungas pungas pa ko kaya di pa ko makapag-react.

"Heyy you! Wake up!" sabi ng walangyang nangbulabog ng pagtulog ko. Di pa din ako nagsasalita. Ganito kasi ako pag nabulabog sa pagtulog. Tahimik lang muna.

"Yeah right. You better get up now Master. Wala ka bang klase?" sabi naman nung isa. Nakapikit pa din kasi ako. Pshhhh pero teka nga. Master daw?? At klase?!!!!! asdfgjkl!!!!!! Eggnog naman oh!!! Napatayo akong bigla dahil late na ko. Pero nagulat ako sa dalawang taong nasa harap ko ngayon. Kaya naman pala Master tawag eh. Anong ginagawa ng dalawang 'to dito? Pshhh ng makita ko ang I.D nila saka ko lang nalaman na dito na din sila napasok ah? Nawala na ang pagkagulat ko at lumapit sa kanila.

"Oh anong nakain nyong dalawa at dito nyo naisipang pumasok?" tanong ko sakanila. Bago sila sumagot papakilala ko muna sila sa inyo. Yung isa ay si Chase at yung isa ay si Carrier. Remember the ECs? from the previous chapter? Pero ang tunay na pangalan ni Chase ay, Jarickah Annie Milton-Sanera at si Carrier naman ay Jerickah Anniece Milton-Sanera. Bat sila magkaapilido? Well I dont think I dont need to state the obvious. Well twins sila kaso di Identical. Pero makikita mo naman sa features nila na magkapatid talaga sila. They've been my companion since I become a MC. Sila lang din at kasama si Liam sa mga nakakaalam ng tunay kong pagkatao. Sila Klein kasi at tropa di alam ang about sa pagiging MC ko. Tama na yung pagiging racer ko lang ang alam nila. Ayoko lang kasi silang madamay once na may maghiganti sakin. My friends and my family are my weakness kaya mahirap na baka madamay pa sila. Enough of that li'l introduction about this two.

Our Love Story (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon