Nika's POV
Andito na ako ngayon sa unit ko at medyo hilong hilo na din ako. Buti nga wala pa din akong amats habang nagmamaneho. Sumalampak naman nalang ako sa sofa dito sa living room ko.
Agad naman ding lumapit sakin si ginger at sumiksik agad sa may kilikili ko. Agad ko naman syang kinuha para iupo sa lap ko. Nagpakuha naman sya at ayun nga ni-hug ko sya ng sobrang higpit. Ilang saglit lang din nakaramdam na ko ng pagbigat ng mga talukap ng mata ko at tuluyan na kong nakatulog.
*
Unti unti ay minulat ko na ang mga mata ko at unti unti rin ay agad kong naramdaman na parang binibiyak ang ulo ko dahil sa sobrang sakit nito. Ngayon ko lang natandaan na dito na pala ako nakatulog sa sofa dala na din ng sobrang pagod at kalasingan kagabi or should I say eh kanina lang ding madaling araw. -_-
Medyo hinimas himas ko din yung batok ko kasi ang sakit din. Dahan dahan naman akong tumayo para pumunta sa kusina para makapaghanda ng maiinom para mawala ang hangover ko.
Pero bigla namang tumunog yung doorbell kaya naudlot ang pagpunta ko sa kusina. Kasi naman tuloy sa pagpindot kaya eto ako ngayon at pagbubuksan ng pinto ang kung sinong hudas ang nasa labas ngayon. Agad ko namang kinuha ang isang specialized dagger ko na nasa may vase na nasa may tabi lang ng pintuan ko. Bali kasi di ko nga pala nabanggit sa inyo na alinmang decorations dito sa unit ko eh may nakatagong sandata, tulad nalang nga nitong dagger na may kulay pa ng isang parang tangkay lang ng kung ano dun sa vase kaya di agad mo mahahalata na dagger na pala 'to.
Wala namang sabi sabi kong binuksan ang pinto at agad na tinutukan sa leeg ng dagger ang lalaking nasa harap ko ngayon.
"Anong kailangan mo?" wala kong sa mood na sagot. Kasi naman nasakit po kasi kaya ang ulo ko dahil sa hangover nga tapos may epal ngayon na nasa harap ko na di ko alam kung anong pinunta dito ngayon tss.
"Pwede please itago mo na muna ako dito!!! Ahhhhh!!! Andyan na sya!!! Ahhhhhh!!!" sigaw nya habang mukang natatae na. Ibinaba ko naman na yung dagger ko tapos tinaasan ko lang naman sya ng kilay tapos ayun aba lumuhod sa harap ko maya mo santo ako na dinadasalan. Umiling naman ako tapos sinarado na ulit ang pinto ng unit ko. Istorbo eh ganitong nasakit ang ulo ko.
Patuloy pa din ang dinig ko sa tunog ng doorbell. Shete naman eh. Nagkakanaw na ko ng kape eh tas may istorbo talaga tss. Iniwan ko naman muna yung kape ko sa may lamesa tapos pumunta ulit ako dun sa may pintuan ng unit ko. Binuksan ko ulit yung pinto tapos bumungad nalang sakin ang isang pugot na ulo ng lalaking kaharap ko kani-kanina lang.
Agad ko namang inihanda ang sarili ko sa posibleng mangyari. Alam kong andito na sila at alam kong alam nilang may naaalala na ko. Tulad ng lagi nyang galaw ay alam kong sya ang may pakana ng lahat ng 'to.
Ilang saglit lang din ng biglang naramdaman ko na ang presensya nila agad akong naghagis sakanila ng mga acupuncture na nakuha ko sa may hamba ng pintuan ko. Agad naman akong nakarinig ng mga pagdaing at ilang saglit lang din nang may mga iba pang sumugod na sakin.
Agad akong nakaiwas dun sa taong nagbalak na barilin ako at sa kaliwa ko naman ay nag-try na magpatama sakin ng isang samurai. Agad ko namang binigyan ng mga counterattacks ng lahat ng ginawa sakin.
Aga namang exercise nito. -_- ilang saglit lang din ng matapos ko ang mga walang kwentang buhay nila. Pero ilang saglit lang din ng maramdaman ko na ang presensya nya. At kanina palang ng buksan ko na yung pintuan ay alam kong may kakaiba na sa building na 'to. Wala kasi yung mga usual na taong nakikita ko pag umaga. Walang ingay. Walang kung anong presensya. Dun palang nagtaka na ko kaya naghanda na ako kanina pa lang.
Alam ko namang pain lang nila sakin kanina ang lalaking yun. Isa sya sa mga kapitbahay ko dito. At kaya ko di nagawang papasukin sya dahil alam ko ang background nya. Anong tingin nila sakin? Bale? -_- akala nya lang yun. Pero dahil kilalang kilala ko ang taong may pakana nga nito ay alam ko na ang lahat nga ng galaw nya.
Agad ko namang kinuha lahat ng importanteng gamit na kailangan ko at agad na naghanda para lisanin ang buong gusali na 'to. Agad kong pinindot yung isang gadget ko na naimbento ko kamakailan lang na syang magagamit ko pag may ganitong pag-atake. Isa itong gadget na magbibigay sakin ng panandaliang shield para sa mga bagay na tatama sakin or kahit malaglag ako sa building na 'to ay wala akong matatamong kahit na anong sugat.
Agad kong pinindot ang isang button dun at binasag ko na ang bintana dito sa unit ko. Unti unti ko naman nang naririnig ang pagsabog ng gusali.
Agad-agad akong tumalon at ayun saktong pagtalon ko din pala ay syang dating ng helicopter na nako-control ko gamit ang isang controller na hawak ko din ngayon. Agad akong umakyat para tuluyan ko ng maimaneho ng ayos 'tong helicopter at ng ayos na ay agad kong isinuot ang isang headset tapos nakita ko naman ang unti unting pagsabog ng bawat floor ng Lashtimiento building.
Third Person's POV
Nang tuluyan na ngang makaalis sa unit nya si Nika ay syang nagpangiwi sa taong may pakana nito.
"Walang kakupas kupas na Nika... Dapat pala noong una palang, tinapos na kita para wala ng sagabal sa lahat ng gusto kong mangyari sa laro ko tss. Pero dahil maganda ang role mo dito dahil ikaw ang susi para sa tagumpay ko ay papanatilihin kitang buhay pero sinisigurado kong mararanasan mo din ang mata lang ang walang latay. *evil laugh*" sabi nang isang tao na ngayon ay tinatanaw ang helicopter na pinagsasakyan ni Nika na unti unti ng nakakalayo mula sa building na pinanggalingan nito.
Nasa rooftop kasi ang taong ito sa isang building na katabi lang ng Lashtimiento Bldg. Ibinaba naman nya ang binocular na gamit at iniabot ito sa isa sa mga tauhan nyang kasama na nag-set ng bomba sa buong Lashtimiento Bldg.
"Boss andito po ngayon sa building na 'to ang mga ka-gangmates nyo. Ano po bang balak nyo pang gawin?" tanong ng isa sa mga tauhan nya. Humarap naman sya dito at ngumising demonyo.
"Ako ng bahala sakanila. And one more thing, I want all of you to do something para makuha si Nika in no time. At pag nakuha nyo na, lahat kayo ay may reward sakin." sabi nya at tuluyan ng inayos ang suot na damit at nauna na sa mga tauhan nya na makababa mula sa rooftop. Syempre ginamit nya yung elevator alangan namang tumalon sya diba? Hahaha dejoke
Nika's POV
Agad naman akong nag-landing dito sa isa sa mga pagmamay-ari kong bahay na may helipad. Nang makababa na ko ay agad naman akong sinalubong ng mga maids ko dito. Agad akong pumasok sa loob ng mansion ko at di na ko nagulat ng niyakap nya ako.
"You don't know how worried I am Nika. Akala ko natuluyan kana don anak." sabi nya at ngumiti nalang muna ako bago sumagot.
"You don't have to worry. Ako pa ba maiisahan nila? Di ko sila ka-level kaya wag kayong mag-alala sakin" sabi ko at ayun ilang saglit lang din ng may isang tao pang yumakap sakin.
"You crazy little monkey!! You should've told me para naresbakan kita doon tss. Para san pa at naging kuya mo ko kung di naman din kita maise-save mula sakanila? Ayos na din nga pala crazy li'l monkey yung pagterminate nila sayo bilang assassin haha so be ready para sa talagang nakalaan para sa'yo." pagdadrama nya naman habang yakap yakap pa din ako tapos bigla naman nalang nyang ginulo ang buhok ko.
"O.A. lang? Buhay na buhay pa ko oh at buong buo kaya wag O.A. kuya. Di bagay eh. I just need to rest but, Kuya, I want you to prepare everything. This would be the last time na mauunahan nanaman nila ako. Good to hear 'bout that na din Kuya. But I still gotta go to my room na. Bye muna Ma." sabi ko at dali daling tumakbo papunta sa kwarto ko dito.
Asan nga ba ako at sino sila?
Ako lang naman ang nag-iisang prinsesa nila.
dahil isa akong..
Osbourne...
-----------------------------------------
Ciao!!! Late UD hgahahahahha but anyway, thanks sa mga nagpapatuloy magbasa. Konting push nalang papunta sa ending nito hahahahah baka siguro after ng finals eh tapos na 'to (sana).
Sunod nito ay ang pagpapakilala ko sa inyo ng kung sino sila. Dating characters na din sila eh hahahahahha basta ayun keep supporting this story guys! Pag natapos po kasi ito balak kong i-edit muna lahat ng chapters nito tapos ibabalik ko din po agad. Konting push nalang din at 5k reads na itey salamat talaga sa inyong lahat hahahahahahah
Pa-VOTE AND SUPPORT NALANG GUYS!!! SOLOMOTT!!! HOHOHOHO :*
![](https://img.wattpad.com/cover/2309407-288-k963390.jpg)
BINABASA MO ANG
Our Love Story (UNDER REVISION)
RomanceHi All, This story in under revision. Thanks for your patience. Regards, Author