CHAPTER 29.1 - Sick

182 6 0
                                    

Nika's POV

Andito ako ngayon sa isang Ice Cream parlor na medyo malapit lang din sa school. Kahit basang basa ako ng ulan kailangan ko ito. Eto yung comfort food ko kumbaga. Kahit na tag-ulan pa yan basta kailangan ko lang nito. Ipinarada ko na muna ang baby red ko sa may parking lot nitong Ice Cream parlor na nasa harap lang mismo nito. Kokonti lang din tao dito ngayon kasi naman sino pa bang kakain ng ice cream ng ganitong naulan diba? Di kasi sapat yung natanggap kong comfort galing sa Sunget na yun. Pero inferness eh may comforting power sya. Nakaupo ako dito ngayon sa may isang table na pang 4 persons tapos yung pwesto nito eh nasa tabi ng malaking salamin nitong ice cream parlor. Bali hinihintay ko nalang ang order ko ngayon. Di ko pa din hinuhubad yung jacket ko kahit basang basa na yun eh. Paki ba nila? Di ko feel yung lamig eh kahit na naka-centralized ang buong lugar.

Nakatingin lang ako ngayon sa labas. Di ko pa rin lubos maisip na wala na ang mga taong mahal ko. Una si Lolo, sunod si Mama tapos si Bryan tapos ngayon si Nanay? Aishhhhh!!! Wala na ba akong karapatang maging masaya dahil sa mga taong mahal ko? Iba kasi yung saya pag sila yung dahilan eh. Mahal ko naman din ang mga kaibigan ko pero iba kasi pag sakanila eh. Parang ngayon ang pagkatao ko unti unting nagkakawatak watak. Pero may part sakin na parang may nawawala pa at kailangan kong mahanap yun. Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko eh dumating na din yung order ko.

"Ma'am here's your order. ^_^" sabi nitong babaeng maliit na nag-serve sakin. Ang cute nya lang at tingin ko mas bata sya sakin. Nakakawala din ng stress yung ngiti nya.

"Thank you." yan nalang nasabi ko ng malapag nya na sa mesa ang isang malaking bowl ng ice cream. Cookies and Cream with toppings na chocolate yung inorder ko kanina. Nang okay na eh umalis na yung bulilit na yun. Kain lang ako ng kain ng Ice cream hanggang sa di ko nalang namalayan na ubos na pala. Nakakabitin kaya tumayo ulit ako at umorder pa ng isa. Ang name pala nung Ice cream eh Monster Cookies and Cream Ice Cream. Monster kasi nga malaki yung pinaglalagyan. Maya maya lang eh dumating na ulit yung inorder ko. Mabilis ko naman na naubos yon kaya naisipan ko ng umalis. Kaso may pumigil sakin kaya napabalik ako sa pagkaka-upo.

"Ahhmmm Ma'am kasi po may prize po kapag nakaubos ng mahigit sa 10 minutes lang ng kahit ano sa monster ice cream namin at dahil nakadalawa po kayo and in less than ten minutes ay naubos nyo po iyon nanalo po kayo ng isang key chain at eto po Ma'am isang box ng cupcakes na red velvet. Sige po Ma'am Congratulations po and Salamat po sa pagpunta dito. Sige po Ma'am alis na po ako. Bye po. ^_^ Balik po ulit kayo dito. Hehe" sabi nung bulilit at inilapag sa table yung napanalunan ko. Di ko sya binigyan ng kahit isang ngiti. I'm not in the mood anyway. Kaya habang andito pa ko eh inubos ko na yung cupcakes na 12 pcs tapos inferness ang sarap nung nasa ibabaw nun. Kaya ayun naubos ko naman agad. Baka kasi masayang lang pag nabasa ng ulan. Eh ganitong naka-motor lang ako. Yung key chain naman na ang design eh isang ice cream na nasa cone tapos kulay baby pink yung ice cream tas yung cone eh kulay ng super light green. Ang cute eh kaya ayun inilagay ko sa susi ko bilang palawit.

Our Love Story (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon