CHAPTER 37 - Rare

184 6 0
                                    

Rare's/Nika's POV

Ngayon ang araw na madi-discharge na ko dito sa hospital at sa loob ng ilang araw na pananatili ko dito ay naikwento sakin ni Tay Naro na wala na nga raw si Nanay at kaming dalawa nalang daw ang magkasama sa buhay. Di na raw ako nagpatuloy sa pag-aaral kaso yung pakiramdam na iba ang itinatakbo ng utak mo sa sinasabi nung tao sayo. Ewan ko ba pero parang may part kasi sakin na parang ang dami kong alam na ewan. Ngayon medyo magaling galing na din yung mga natamo kong sugat. Nasabi din sakin ni Tay Naro na may ituturo sya sakin pag gumaling na ko.

*Creeeeeeeeeccckkkkkk*

(a/n: wag kayo tunog yan ng pagbukas ng pinto hahaha makalawang na at yung pinagkakapitan eh. Haha tawa kayo dali)

Hindi na ako nagulat ng marinig kong nagbukas ang pintuan at tama nga ang hinala kong si Tay Naro ang pumasok. Nakaayos na naman lahat ng mga gamit ko na dinala nya dito sa hospital. Bali nakaupo kasi ako ngayon dito sa hospital bed at hinihintay nga si Tay Naro. Minsan nga di ko din maintindihan kung bakit ba may mga ganito kong nafefeel na katulad ng pagpasok ni Tay Naro at basta ewan ko ang gulo. Biglang sumakit ang ulo ko kaya agad namang lumapit si Tay Naro.

"Anak ayos ka lang ba? May masakit ba sa iyo?" nag-aalalang tanong nya pero sa isang di naghyhysterical na way. Tumango naman ako tapos inalalayan ako ni Tay Naro na tumayo. Bali may parang pang support yung kaliwang braso ko na tela. Di ko matandaan ang tawag sa ganito eh basta yun. Binitbit naman na ni Tay Naro ang mga gamit ko.

Nakalabas na kami ng hospital at sumakay kami ng tricycle ni Tay Naro patungo daw sa bahay namin. Ilang minuto lang din ang nakalipas at nakarating na kami. Bali tumigil kami dun sa isang lugar na may eskenita at ayun inalalayan ulit ako ni Tay Naro na makababa ng tricycle tapos sya na din ang nagdala ng mga gamit ko. Iginaya nya ako papasok dun sa eskenita. Naramdaman ko naman ang mga tingin ng mga taong nadadaanan namin. Napansin ko ding ang mga bahay dito ay mga parang tagpi-tagping mga lona o kahoy o yero lang. Ilang minuto lang din ay nakarating na kami sa isang barong-barong na bahay.

"Pasok anak. Maupo kana muna dyan. Nako pagpasensyahan mo na ang ating mumunting tirahan. Ipaghahain na din kita dahil tingin ko'y gutom kana." nakangiting sabi naman sakin ni Tay Naro. Ngumiti nalang ako sakanya bilang pag-sang ayon sa kanyang sinabi. Ilang saglit lang at may ihinain na sya. May kanin at tuyo tapos may sawsawang kamatis na may halong pulang itlog. Dahil na din siguro sa gutom kaya natakam ako sa nakita ko. Kaso dahil isang braso ko lang ang maayos ay pinag himay ako ni Tay Naro nung tuyo. Masaya kong makita na kahit ganito pala ang buhay namin ay masaya naman ang Tay Naro ko. Bali ang nagsisilbing ilaw lang namin ay isang hasag. Kaya kahit papano naman ay maliwanag ang buong bahay.

Natapos naman namin ang tanghalian ng ayos. Nagkwento lang din sakin si Tatay ng tungkol sa mga naging buhay nila ni Inay. Kaso may isang bagay syang nabanggit sakin pero sinabi nyang wala lang daw iyon. Ang sabi nya kasi ay dati syang may pinaglilingkuran, sila daw dalawa ng Inay kaso dahil nga tutol ang magulang ni Inay sa kanilang pagmamahalan kaya nag-decide silang magpakalayo-layo sa mga taong humahadlang sakanila. Hanggang sa isang araw nga ay nagkasakit ng malubha ang inay at namatay sya tapos sinabi din ni Tay Naro na bata palang ako ng mawala ang Inay. Pero matapos nyang magkwento ay tinanong ko kung sino at ano ang ginagawa nila sa pinaglilingkuran nila kaso sabi nya wala lang daw iyon.

Natapos ang araw na ito na puro kwento lang ang ginawa ni Tay Naro. Madaldal din pala sya. Di lang halata.

Brayden's POV

Ilang araw na ang nakakalipas. Ilang araw ng paghahanap, pag-iyak, pasakit ang nangyari sakin. Ang bading man tignan ay wala akong pakialam. Ilang araw na naming hinahanap si Nika pero wala pa ring balita. Nasabi ko na din sa gang at kela Klein ang nangyari. Nasuntok pa nga ako ni Klein dahil di ko daw agad sinabi. Iyak lang ng iyak yung iba, ano pa ako? Sino nga ba ang mas nasasaktan saming lahat? Sino? Diba ako? Andito ulit ako sa bar ng may lumapit sakin.

Our Love Story (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon