CHAPTER 46 - Dahil sa KISS...

170 5 0
                                    

Rare's POV

Andito na ko sa kwarto ko ngayon sa rest house pa din nila Mikael. Nagbihis na din muna ako ng isang medyo loose na sando tapos maong shorts na medyo sira sira yung laylayan. Dahil nababagot ako dito sa loob ay tumayo na muna ko at syempre gamit pa rin ang saklay. Naisip kong magpupunta nalang muna ko sa mga tsanggian dito. Para naman makabili ng kung ano lang anik-anik.

Kinuha ko na ang sling bag ko na maliit na gawa sa abaca hehe cute talaga nito eh. Wala naman sila Devilon, may pinuntahan lang daw saglit sa may bayan. Di na ko pinasama kasi nga injured ako. Nang ayos na ang lahat ay lumabas na ko ng kwarto at dahan dahang bumaba. Ipinagbilin din kasi nila sa mga caretaker dito na wag akong paaalisin ng bahay eh. >3<

Mukang wala namang nakapansin sakin kaya nakalabas din ako agad. Dahil masyado din akong na-curious sa kung anong meron sa bayan dito eh mas maigi pa sigurong dun nalang ako mamili ng mga kung ano lang. *evil laugh* Tinignan ko yung laman ng bag ko at mas lalo kong napangiti. >:) nandito nga pala pinatago ni Devilon yung ibang mga susi ng kotse nya dito sa rest house. BWAHAHAHAHA

Agad na kong nagpunta sa garage dito na medyo may kalayuan sa mismong bahay. Wala din gaanong kasambahay dito kaya agad akong nakapasok dito. *Q*

Halos maglaway ako ng makita ko ang mga 5 kotse na nakahilera dito. Sh*t! mga vintage cars na itong mga 'to pero kung si Devilon lang din ang may ari nito, paniguradong di lang ordinaryong mga sasakyan 'to. Hehe at dahil favorite ko ang color red ay pinuntahan ko yung nasa gitnang color red na mercedes benz na for sure eh kakaiba talaga. Nakita ko din pwede umangat at bumaba yung bubong nito. Agad ko namang kinuha yung susi at hinanap ang may tatak na mercedes benz. Agad ko naman yun nakita kasi naman kakaiba kulay eh. Color gold ah. Pumunta na ko agad sa driver's seat at inilagay ko na yung susi and I started the engine and then biglang naging iba yung color at itsura ng loob nitong sasakyan. Naging mukang makabagong desensyo ang naging design nito. Sabi na nga ba at di ordinaryo 'to eh. Tapos medyo nagulat ako ng biglang parang ewan na nagsalita.

"Ma-gan-dang Hapon Binibining Rare." sabi nung nagsalita na parang robot. Napansin ko naman na para pala 'to dun sa isang movie na may nagsasalita na sasakyan din. Hihihi kaso nakakabuset kasi tagalog na tagalog naman. Pwede naman english diba para mas cool. Haha napangiti nalang ako at kinausap yung nagsalita. Para kong baliw nito.

"Pwede bang palitan ang itsura ng sasakyang ito?" tanong ko. Syempre aba baka mahuli pa ko nila Devilon. Ilang saglit lang din ay may lumabas na hologram tapos may mga itsura ng kotse ang nandon. Wooohhhh ashtig nemen. Habang ipinapakita sakin yung mga design ng iba't ibang sasakyan ay naramdaman kong may kung anong mainit akong nararamdaman sa may paa ko na may sugat. -_- kaso bakit parang di nasakit? Ilang saglit lang din ay nawala na yung init kaya ang ginawa ko ay dahil flexible naman ang aking sexyng katawan ay tinignan ko yung paa ko na may sugat. Nagulat nalang ako ng makita kong wala na yung sugat. AMAZINGGG!!! HAHAHAHA sulit na pag gagala ko nito mamaya pagkaalis ko dito.

"Panong nawala yung sugat ko sa paa babae? -_-" tanong ko dun sa robot na nagsasalita pa din. May sariling utak ata itong kotse na 'to eh. And that makes it so cool. Hahaha

"Nawari ng aking sistema na ang inyo pong paa Binibining Rare ay may natamong sugat. Awtomatiko na po kasi na aking ginagamot ang mga ganyan. Dahil binuo po ako ni Ginoong M.C. na kapag sya'y nasusugatan mula sa isang laban dati ay pag sasakay na sya ay agad na mararamdaman ito ng sistema ko at agad ko na po itong gagamutin. May napili na po ba kayong pamalit anyo para sa akin?" wow po. -_- parang akala mong tao talaga kausap ko. At nakakadugo ng ilong ang tagalog. Promise! Itinuro ko nalang yung isang kotse na may design na mukang pangarera na may color red sa palibot nito. Medyo makinang din ang pagka-red nito kaya astig hahaha. Agad namang napalitan ang anyo ng sasakyan na 'to kaya gumora na ako. Ang cool lang paandarin nito kasi di ako naboboring  hahaha may kausap ako eh. Lahat ng pwedeng itanong itinanong ko sakanya. Ultimo ano ang tawag sa mga bacteria na naninirahan sa ilalim ng dagat tas kung meron bang sirena or alien or may buhay pa ba talagang mga dinosaur tapos ano ang tawag sa buhok sa ilong, anong tawag sa iba't ibang klase ng clouds at anong itsura nun tapos madami pang out of this world na tanong hahaha. Sagot naman sya ng sagot tapos ang ipinangalan pala sakanya ni Devilon eh Nika.

Our Love Story (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon