CHAPTER 20.1 - Milton-Sanera University

229 6 0
                                    

Nika's POV

@Milton-Sanera University

Ilang weeks na din ang nakakalipas ng muling pagbabalik ko para maging isa sa mga MC. Ang totoo nyan di naman talaga alam ng mga tao sa Hell kung ano talaga ang itsura ko. Being one of the MC let you have the power and respect from different gangs and Mafias, kaya marami ang gustong makuha ang title ko na yun. Ilang weeks na din ang nakakalipas ng mag-outing kaming lahat ng staff ng shop sa batangas haha. Kaya masasabi ko namang di naging boring ang bakasyon ko. At di ko pa din pinauuwi dito si Nanay. Pabor naman daw sa kanya.

Eto ako ngayon at papasok na. Dala ko si Baby Red. Pshh you know, first day of school namin kasi ngayon. Inferness medyo nakakatamad. Tulad din naman ako ng ibang students na tinatamad din lalo na't ganitong first day of school diba? Kaya buti nalang yung sched ko ayos lang. 10am kasi ang first class ko. Atsaka ayun haha full scholar ako kaya wala na kong pinoroblema sa tuition fee dito. Kasi naman po bago pa ko siguro makagraduate dito eh lalos na ipon ko. Ano pa nga bang aasahan ko? Eh exclusive school 'to. Haha

Masaya ako masyado no? Puro tawa eh hahaha walang basagan ng trip. Para kasing naeexcite ako na ewan. Sumakay na ko sa Baby ko at sinuot na ang helmet ko. Bali kasi wala kaming uniform dun kaya eto ako, yung usual na suot ko. Denim pants na black, white blouse at black jacket na leather tapos nag sneakers nalang ako yung high-cut. Nag-sign of the cross muna ako bago tuluyang makaalis.

Medyo traffic ngayon kasi nga ang dami din kayang Universities na ang may pasok ngayon. Kaya ako eto singit lang ng singit sa mga sasakyan.

After ng ilang minutes nakarating na din agad ako dito sa may malapit na sa gate ng school. Nang makalapit na ko ay huminto ako saglit para ipakita ang I.D. ko at tumuloy na sa may parking lot.

Nang makahanap ako ng pwedeng maparadahan ng Baby ko ay nakita ko ang isang grupo ng mga lalaki at may mga kasama din silang mga babae na tingin ko mga rich kids. Di ko nalang sila inintindi at nagtuloy sa pagmamaneho. Nang mai-park ko na si Baby Red ay bumaba na agad ako at tinanggal ang helmet ko at inayos ko ang buhok ko na hanggang bewang na. Sinuklay ko nalang iyon gamit ang kamay ko. Tinamad na kong kunin yung suklay sa loob ng bag ko.

Actually naka bag pack lang ako. Well you know how I hate being so girly. Hinubad ko na din ang jacket ko at inilagay ito sa compartment ng baby ko. Nagsimula na kong maglakad papunta sa first class ko, English. Pshhh ayoko nyang subject na yan. Ewan ko ba kung bakit. Haha so eto na nga ako at tinatahak na ang daan patungo sa room ko. Pshhh nasa 4th floor pa man din yun. Nakakatamad talaga. May elevator dito kaso tingin ko punuan yun. Kitams naman kasi na karamihan dito eh ayaw nang mahirapan sa pag akyat kasi nga may elevator naman.

2nd Floor

3rd floor

*inhale* *exhale* hahaha dito muna nga ako sa 3rd floor. Tutal maaga pa naman eh. Dito palang kasi tanaw mo na ang ibang bahagi nitong MSU. Tapos buti nalang at di ganon kainit pa at mahangin pa kaya nakakarelax dito promise haha. I stayed here for more than a minute. Bali ang pwesto ko kasi nakapatong ang mga braso ko sa isang metal na ano nitong anong tawag dito? ay basta yun na yun mga hanggang dibdib ko kasi yun kaya ayun.

May papikit pikit pa ko para mas ma feel ko yung simoy ng hangin dito. Grabe ang ginhawa talaga sa pakiramdam. I was on the state of relaxing when somebody interupt it. Badtrip! Kasi naman eh nasagi nya ko ng malakas. Harutan kasi ng harutan. Nakakairita. Masyadong mga KSP.

"Ahmmm Girl so sorry! You gals stop it na okay? tignan nyo nakasagi tuloy ang beauty ko! " sabi nitong bading na 'to. Yeah tama kayo ng basa. Bading po sya, halata naman kasi sa boses nya. Nakatalikod pa din ako at maya maya hinarap ko na sya. Medyo familiar muka nya sakin. Psh yaan na nga ayoko mapagod utak ko kakaisip lang kung san ko ba nakita ang baklitang ito.

Our Love Story (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon