CHAPTER 27.1 - Her Childish side

188 6 0
                                    

Nika's POV

Ilang araw na din ang nakakalipas ng mga eksenang gumugulo pa din sa isip ko. Lalo na yung ginawa ni Mr. Sunget nung nasa paradise ko kami. Ang weird nya eh hahahah bakit kamo? Kasi kahit anong pangungulit ko sakanya kung bat nya ginawa yun eh wala sasamaan lang ako ng tingin, kaya ayun di ko pa din tinantanan. Kung ano ano na nga kalokohan pinaggagagawa ko dun eh. Minsan kinakalabit ko tapos kunwari dedma hahaha. Isang bes naman eh uupo na sya pero hinila ko upuan nya, kaya sa sahig sya napaupo. Tapos isang bes yung bag nya nilagyan ko nung sticky, slimmy na laruang daga hahahaha para pa ngang tanga reaction nya nun. Tapos isang bes tinali ko yung bag nya sa upuan eh sobrang kakaiba yung knot na ginawa ko dun kaya no choice sya kundi gupitin yun. Tapos isang bes naman naglagay ako ng food coloring na red sa upuan nila kaya ayun nagmuka silang tinagusan tas tanong ko pa sakanila nun eh kung masakit puson nila hahaha. Tapos isang bes naman yung mga kasama naman nya pinagtripan ko. Lahat ng damit nilang pang laro sa basketball eh ginawan ko ng design. Eh kasali sila sa basketball team ng MSU. Kaya nung pag suot nila. Pfttt kita underwear nila. Buti nga yung ilan sakanila eh naka-boxer shorts hahahah mas laugh trip kay labanos kasi di sya naka-boxer shorts nun tapos ang brief nya pa eh may spongebob ang design hahahaha nasa likod pa kanyo yung design. And last na ginawa ko. Syempre sa lahat ng ginawa kong kalokohan sakanila eh dapat may remembrance kaya ayun ni-post ko nga sa bulletin board mga picture nila dun hahahaha karamihan eh mga babae at bakla ang kumuha ng mga picture. Kasi meron dun na half naked silang lahat kasi nga dun sa ginawa ko sa jersey nila that time eh nagpapalit sila ng damit. Pfttt ayun naglaro nalang tuloy sila nun ng nakapang-P.E uniform hahahaha Tapos ayun grabe kulang nalang eh patayin na ko nila ng araw na yun hahaaa

Bali Prelim exams na ngayon at ang masaklap nun eh lahat din ng subjects namin eh ngayon yung exam. Ang saya diba? Sabog utak namin after nito. Kaya nga nagpaalam ako kay ate Max na after exam, magdaday off muna ko ng atleast 2 days lang siguro. Pumayag naman sya kaya mamaya magsisimula na akong maglibang hahaha. Andito na din tropa eh pati si Aiden. Pero balita ko si Tomlinson lumipat  na daw kaya ayun sinundan naman ni Charm at Nick. Nagagawa nga naman ng love. Pero yun nga dahil galing England ang tropa eh di naman nila ako nakalimutan. May pasalubong syempre ako galing sakanila. Dami nga eh. Nung makalawa lang sila din dumating tapos kasabay na nila si Aiden. At yung mokong naman na yun eh may pasalubong din daw sakin pero after nalang daw ng exam nya ibibigay.

Andito na ko sa school at nakatungo nalang sa desk ko. Sila Chase kasi pati yung iba busy sa pagrereview. Bali di na ko nagrereview ngayon kasi nung nga nakaraang araw eh naaral naman namin lahat 'to kaya ayun okay na yun. Nakakatamad na din naman kasi. Maya maya lang dumating na yung si Ma'am Arca. Sya din yung pumuna nung sa style ng buhok ko dati eh.

"Pass your permits/promissory notes forward. And the exam will begin any minute from now. So close all your books, reviewers or even your kodigos. Write your answers on the blue booklet and don't write anything on the questionnaires. Get one and pass. You may start answering now." sabi ni prof. Grabe kung quiz 200 items na aba't eto naman 300 items? Daig pa ata nito pag board exams eh. Nag-start na kong mag-sagot. Tutal algeb lang 'to kaya ilang minutes lang tapos na ko sa pagsasagot. Sure naman ako sa lahat ng sagot ko kaya di ko na tinignan ulit.

Sinarado ko na yung booklet ko at nagpunta sa harapan para ipasa na kay Ma'am yung mga bitbit ko. Gulat naman ang reaction na binigay sakin ng mga classmates ko tapos may iba pa ngang nagbulong bulungan. Pshh

"Grabe ang bilis nya. Maybe she's cheating. Diba lagi kasing tulog yan sa lahat ng klase natin?" sabi ni classmate 1 tapos yung katabi nya naman eh tumango. Lumakad ako papunta sa pwesto nila. *smirk*

"Soo who's the one cheating? At wala kang pakialam babae kung matutulog ako pag sa klase. Matulog ka din kung gusto mo. Ma'am someone here is cheating. Look at her scarf." sabi ko kay babae tapos baling kay Ma'am. Lumapit si Ma'am at pag buklat nung scarf nitong bruha kong classmate eh ayun may nalagpak na papel na maliit. After ng eksenang yun eh lumabas na ko. Di ko na hinintay sila Chase. Naglakad na muna ko papunta sa Cafeteria. Unang exam palang nagutom na agad ako. Hahaha oh well lagi naman akong gutom hahaha

Our Love Story (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon