Nika's POV
Hahaha grabe di pa din ako maka-get over sa nangyari kanina. Kasi naman hahahaha ilang beses ko man tignan yung picture sa bagong cellphone ko ng magtotropa na yun nila Mr. Sunget eh wala laugh trip pa din ako. WEIRD FACES hahaha. Nung High School ako ganito din ako. Kaso minsan lang pag nasumpungan. Sabi nga naman nila Ang mga BABAE daw parang ADOBO, di kumpleto kung walang TOYO. HAHAHA para tuloy gusto ko pa gumawa ng madaming pranks sa mga unggoy na yun.>:] sarap nilang pagtripan eh. Hahaha alam kong gaganti mga yun kaya handa naman ako hahaha kala ba nila matatakot nila ako? Psh hahhaha
Andito na ko ngayon sa MorNoEve. Grabe nakakalungkot kasi ako lang magpeperform ngayon, wala kasi nga mga tropa eh. Daya bat ba kasi ang malas ko dun sa mga bunutan na yun? Edi sana kasama ako sa England. Huhuhuhu So back to reality. Andito na ko sa sariling station ko at may nagpa-request na ng specialty ko. So far, So good eh wala ng kabulastugan na pinaggagagawa yung mga ibang member ng Mafia, I mean yung mga illegal transactions nila. Eto na ko at ginagawa na ang specialty ko, dahil para naman maiba eh gumawa muna ako ng isa sa specialty kong chocolate with almonds shake ko tapos isasalin ko yun dun sa isang baso na may nilalaman na ingredients na pang halo-halo. Kaso walang ube at ice cream kasi yung chocolate shake nalang ang magsisilbing magbibigay ng kulay dun. Marami na din ang nagrerequest sakin nun dahil kakaiba daw. Natuwa naman ako. Pero ang malimit talaga na na-order sakin nun eh isang tingin ko eh mga nasa 40's yung age nung manong. Lagi syang andito sa shop tuwing weekdays kaso mga bandang hapon nga lang sya napunta. Eto na nga at natapos na ang di ko pa alam maitatawag dito eh. Saka nalang ako iisip hahaha
After ko dun, ako na mismo ang nag-serve dun kay manong na suki ako at sa iba pa. After ng pagse-serve ko din bumalik na ko sa station ko at nag-ayos na para sa pagkanta ko mamaya lang konte. Loner talaga ako ngayon huhuhu wala din kasing marunong sa mga kasama ko ngayon na tumugtog daw pero tingin ko nahihiya lang sila kaya ayaw akong samahan tumugtog. Nang ready na ko ay dumarecho na ko sa mini stage sa likod lang ng counter. Inayos ko na ang gitara at yung upuan na gagamitin ko pati na din yung mic. All is set. Ako nalang kulang. Nang matapos kong ayusin eh umupo na ko. Well naka-uniform pa din naman ako ng pang dito sa shop, tinamad na ko magpalit pa eh.
"Goodevening na po sa inyong lahat. *smile* As you can see mag-isa lang ako ngayon dito. Obvious naman eh hahaha. Kaya for tonight all-in-one ako. Sana magustuhan nyo po ang kakantahin ko."
panimula ko. Tapos yung mga tao nakatingin na sakin. Nagsimula na kong mag-strum.
[Ako'y sa'yo at ika'y akin lamang ©lyricmode.com]
Ikaw na ang may sabi na ako’y mahal mo rin
At sinabi mong ang pag-ibig mo'y 'di magbabago
Ngunit bakit sa tuwing ako'y lumalapit ika'y lumalayo
Puso'y laging nasasaktan pag may kasama kang iba
'Di ba nila alam tayo'y nagsumpaan
Na ako'y sa iyo at ika'y akin lamang
Kahit anong mangyari ang pag-ibig ko'y sa 'yo pa rin
At kahit ano pa ang sabihin nila'y ikaw pa rin ang mahal
Maghihintay ako kahit kailan
Kahit na umabot pang ako'y nasa langit na
At kung 'di ka makita makikiusap ka'y Bathala
Na ika'y hanapin at sabihin, Ipaalala sa iyo ang nakalimutang sumpaan
Na ako'y sa iyo at ika'y akin lamang
BINABASA MO ANG
Our Love Story (UNDER REVISION)
RomanceHi All, This story in under revision. Thanks for your patience. Regards, Author