CHAPTER 20.3 -Milton-Sanera University

166 6 0
                                    

Nika's POV

Okay it's my third day na dito sa MSU. Madami dami na din akong kaibigan. Kaso yung tropa minsan ko lang makita. Tss Ang ikinagulat ko lang eh ang wiweird talaga ata ng tao dito? Kasi naman dami kagad nakakilala sakin. Feeling ko dahil sa eksena kahapon. pano ko nalaman? Secret na yun. Humanda ka sakin mamaya Aki Tomlinson gwap- pshhh delete! delete! panget pala. Oo na nga sige inaamin ko na, na gwapo ang panget na yun. Kaso impakto naman ugali badtrip!

So eto na ko ngayon at papuntang Cafeteria. Wala kong kasama ngayon, si bakla kasi absent ng 1 week dahil nagsimula na syang i-train ni Tita Silvia, ang mama nya para sa pamamalakad ng company nila. Mga mayayaman nga naman. So eto ako ngayon at naglalakad na nga patungo sa Cafeteria. Marami ding bumabati sakin pero mas madami ata ang mga taong nagsasabi ng kung anong mga di magagandang bagay about sakin. Di ko nalang sila pinansin, para sakin kasi dinidescribe lang sarili nila. Pshhh

Nang makarating ako sa Cafeteria pumila na ko para maka-order na ng malalamon. Tom jones na Tom jones na ko eh. Nakaka-drain ba naman ng utak yung English na yun tas College Algeb. Akala mong madali pero mali ako ng akala kasi naman iilang araw palang nagkaklase eh grabe na kagad mga lessons. Badtrip lang haha pero keri naman. Dinaig pa nga yung Major Subject ko eh. Tsk tsk tsk yung mga Prof talaga na nagfifeeling Major badtrip!

Dahil sa sobrang daldal ko di ko namalayan na ako na pala ang oorder. Kasi naman kayo eh ayan tuloy hahaha biro lang. So eto na nga, lahat ulit ng makita kong masarap inorder ko, kahit na di ko alam tawag dun sa iba, eh inorder ko pa din. Nagbayad na ko, sa iilang inorder ko nito naka 1,500 na kagad ako. Pshhh sayang naman kasi wala si bakla o kaya naman ang tropa para malibre ako. Nang matapos na kong magbayad at bitbit na itong tray na pinaglalagyan ng pagkains ko, with 's' kasi medyo madami din 'to eh naghanap na ko na mauupuan.

(,--)

(--.)

(-,-)

pusa naman wala kong mahanap. Halos mapuno ba naman na tong Cafeteria. Mga ganitong magla-lunch kasi halos sabay sabay ang lahat ng course ng break. Psh tom jones na talaga ako.

lakad...

lakad...

Ayun!!!! hahahaha may nakita akong isang vacant na table. Binilisan ko na ang lakad ko at tenenenenenen nakaupo na ko BWAHAHAAAHAHA malalantakan ko na din sa wakas ang mga pagkains ko.

*NOM NOM NOM NOM NOM*

*YUM YUM YUM YUM YUM*

sarap talaga oh. Lalo na siguro kung libre 'to, eh kaso hindi kaya medyo di pa din ako nasarapan ng konti lang naman. Hahaha. Dito kasi sa Cafeteria, yung usual na pangyayari na may mga grupo grupo sa isang table tas may pa reserve reserve pang nalalaman kaya di mo talaga alam kung san ka pwedeng pumwesto na. Nang sa kalagitnaan ng aking pagkain ay bigla may umupo sa may harap ko pero di ko nalang sya pinansin. Epalogs masyado eh.

"Di pa tayo tapos babae" sabi nya ako naman parang walang naririnig. Bahala ba sya sa buhay nya. Hahaha ilang saglit lang din at natapos na ko kaya tumayo na ko kaso hinila nya agad yung braso ko at kinaladkad ako papunta kung san. Mabilis naman syang nakagalaw at eto na nga kami sa may likod ng isa building dito sa MSU.

"G*go ka ba or g*go lang? -____-" tanong pero ilang saglit lang din ng biglang may mga babaeng lumabas tapos may mga dalang kung anong gamit panakit. Ano nanaman ba natakbo sa isip ng Aki na 'to?

"Be ready to see hell Nika Perez.."sabi nya tapos tumalikod na sya at naglakad palayo tapos ilang saglit lang din ng unti unti nang lumalapit sakin yung halos isang bulto ng babae. Ano ba 'tong mga 'to? Gangster? Inihanda ko naman na ang sarili ko kasi obvious naman kung ano ng mangyayari eh.

"Welcome to hell asshole!!!" agad na sumugod sakin yung mga babae pero agad ko naman silang naiwasan. Humanda talaga sakin ang demonyong Aki na yan pagtapos ko dito. Wala ng sinasanto. Pero ano pa naman nga ba ang aasahan mo sa isang Mafia Boss diba? Ultimo bata siguro papatulan ng abnormal na yan.

Agad ko naman din na silang sinugod. Tadyak, suntok, tulak, balibag, hampas. Yan ang mga ginawa ko sa kanila. Kulang pa yan tinatamad na lang ako sabihin kung ano pa yung iba. Ilang minuto din ang nakalipas ng matapos ko na silang kalabanin.

"Ackkkk!!" sigaw nung isa na balak pa sanang sumugod sakin pero agad kong sinipa sya sa dibdib kaya ayun halos sumuka na ng dugo.

Pinunasan ko naman yung pawis ko sa noo at dinampot na ang bag ko. Hahanapin ko pa ang abnormal para gantihan. Di naman akong tanga para hayaan nalang yun. Kung siguro ordinaryong studyante lang ako dito eh paniguradong dedo na ko kanina pa, pero hindi ako ordinaryo eh kaya malas nya.

Tinulungan ko na nga sya sa pagpapanggap nya tapos ganito. Aba buti naki-ride ako sakanya. Tangnang yun walang utang na loob kaso ano pa nga bang aasahan ko dun. Agad ko namang inayos ang buhok ko at damit ko bago tuluyang makaalis sa lugar na 'to.

Humanda ka sakin na Tomlinson ka! Mata lang ang walang latay sayo tss. Ang bakla kasi eh, duwag pala sya kasi sa iba pa ko balak na ipabugbog ng g*go buset eh arggghhh!! Pinakaayoko pa man din na naiistorbo yung pagkain ko kaya eto badtrip na ko bwisit eh -___-

-----

Guys sorry hahahaha pagpasensyahan nyo na ginawa ko at sa mga typos and wrong grammars. Hehehe pero in other words sana nagustuhan nyo naman kahit papano. Napapagtyagaan pa naman. Sana po subaybayan nyo pa po ang nga kasunod na chapters at kung ano pa ang mga roles ng mga bago nating characters sa buhay pag-ibig at buhay ni Nika sa Mafia/Gangster world nya. Bye!!! ^_^ enjoy reading! hihihi

Our Love Story (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon