CHAPTER 30 - Unexpected Visitor

137 6 0
                                    

Nika's POV

Matapos yung nangyari kahapon eh di muna pa din ako pumasok ngayon. Masama pa din kasi pakiramdam ko eh kaya stay muna ako dito sa condo. Nalaman ko din na malapit lang yung room nung nagdala sakin sa hospital na lalaki. Sa ngayon ayoko pa din magpakita dun basta ewan ko ba bakit may weird feelings akong nafefeel kapag naiisip kp yun. So yaan na nga. Andito ako ngayon sa kwarto ko at di ko pa din natatawagan si Ate Max. Nawala kasi sa isip ko dahil sa mga pinaggagagawa ko kay sunget eh. Napagtripan ko kasi yun kahapon. Kasi naman para ba naman may PMS. Kaya ayun konting biro ko eh naiinis hahaha tapos nun eh nag-insist sya na ihatid ako dito sa condo pero di ako pumayag kasi ayokong malaman nila kung nasan ako. Di lang dahil ayaw ko pero may rason ako. May ginawa din ako na kung ano para di nila ako mahanap gamit ang kung ano ano nilang device na panghanap. Habang nakahiga pa ko sa kama ko kasi tinatamad pa akong bumangon kasi kakagising gising ko lang din eh naisipan kong tawagan si Aiden. Maga-apologize lang ako sa mga araw na dinedma ko sya. Ewan ko ba kung bakit ako ganito na parang kailangan ko talagang mag-explain sa taong yun. Kinuha ko ang phone ko na nasa kabilang gilid lang nitong kama ko. Nang makuha ko yun ay hinanap ko agad anh contact ni Aiden.

Dialling Baby Aiden<3....

Ilang ring lang ay sumagot naman agad sya.

[My goodness baby!! Buti naman at tumawag kana!!! What's happening to you?!! Hindi ka nanaman pumasok ngayon tapos di ka din pumasok sa work. Baby alam mo namang nag-aalala na ko sa'yo. Asan kana ba kasi. May nangyari ba sayong masama? Kasi kung meron di ako magdadalawang isip na patayin ang may di magandang gumawa sa'yo. Baby I--] -Aiden. Di ko na sya pinatapos magsalita. Pero sa tono ng boses nya eh ramdam ko kung gano sya nagwoworry sakin. Sana nga sakanya nalang ako ma-inlove kaso di pwede. Kaya hangga't maaari eh iniiwasan ko ang mahulog sakanya. Di kasi talaga sya mahirap mahalin.

"Baby don't worry to much about me. I'm okay. Ohh by the way baby, I just want to say sorry for what I've said yesterday. May flu kasi ako. Sorry ulit sa pagdedma ko sayo nung nakaraang araw. Sorry baby sorry." yan nalang nasabi ko. Ayaw ko naman kasing i-open kung bakit ako nagkaganito. Na kung ano ang puno't dulo ng lahat.

[How am I not going to be worried about you?!!!! First, you ignored me last time and yesterday you just hanged up my call that fast. So how am I not going to be worried huh Nika Perez?!!! How?!! Then now you have that f*cking flu!!] medyo galit na nyang sabi. Ohh this man. Aishhh

"Can you just please don't shout Aiden!! Wala ito. Malayo 'to sa bituka kaya wag kana mag-alala. Ayos na ko okay??" sabi ko naman.

[Okay sorry baby. I'm just sh*t!! I'm just worried that I might loose you. I'm afraid okay? Please baby tell me where are you. I just want to see you most especially this time that you're sick. I want to be by your side when you're in that situation. Please baby tell me.. I need to see you.] sabi nya na talagang feel ko na malungkot ang tono ng boses nya. Ewan ko ba kung bakit ako ganito sa lalaking 'to. Di ko nalang namalayan ang mga pinagsasabi ko sakanya.

"I'm here at Lashtimiento Building room 905. I'll wait you here. Just contact me okay? Bye baby." ohh ayan. Ewan ba't ba kasi di ko mapigilan ang bunganga kong ito. Pshhh I really can't resist him. Pero naguguluhan na ko kasi may kakaiba ding feelings ang nafefeel ko kay Brayden. Aishhh nakakabaliw ang ganito!! Ilang saglit lang eh nakarinig na ko ng tunog ng doorbell dito sa condo ko. Ang bilis naman ata nun? Ano sya si Flash? Eh ang layo nito sa school kaya panong andito agad sya? Yan ang mga nasa isip ko habang ako ay tumayo na at bumaba na para pagbuksan kung sino yung taong nasa labas.

Nang makarating na ko sa may tapat ng pinto eh di ko na tinignan kung sino yun. Kasi nga baka si Aiden na 'to. Kaso pagbukas ko ng pinto nagulat ako sa nakita ko...

"Master...." yan lang ang mga katagang nasabi ng taong nasa harap ko ngayon. Pano nya nalaman na andito ako? Tingin ko di sya gagawa ng paraan para lang mahanap ako para sa wala. Nararamdaman ko sakanya na may mahalagang importante talaga syang sasabihin sakin.

--------

Ayan po maikling UD lang sa ngayon. Hahaha salamat sa mga nagbabasa nito at sa ilang nag-vote. ^_^

Sino nga ba ang unexpected visitor ng bida nating si Nika?

Ano kaya ang sinasabi nyang nararamdaman nyang mahalaga itong sasabihin sakanya kaya nagpunta sya kay Nika?

Abangan po iyan sa mga susunod na UD hahaaha once again SALAMAT po ng Madami!!!! Ciao!! ^_______^

Our Love Story (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon