CHAPTER 43 - She's in the Mood

220 6 0
                                    

Rare's POV

"Sa buhay natin, may mga bagay na mawawala, pero may dadating naman na bago, na mas better sa kung anong nasatin dati..."

Rare's picture on the right side hihihih >>>>

******

It is a rainy day today. So I decided na mag-commute nalang. Ayoko naman sumabay sakanila. Gusto kong mapag-isa. Pagkauwi ko kaninang madaling araw galing sa Batangas ay agad akong nagpunta sa kwarto ko. Wala akong kinausap sakanila na nakita kong naghihintay pala sakin. Nilagay ko naman sa side table ko ang jar kung nasan ang abo ni Anna. Mamaya nalang siguro pag uwi ko, saka ko na lang sya dadalin sa libingan nya. Nakadungaw lang ako sa bintana nitong bus, patuloy pa rin ang pag-ulan at tila ba'y sumasabay ito sa nararamdaman ko pa din hanggang ngayon. After a few minutes ay nakarating na din ako sa tapat ng gate ng MSU. Buti nalang at naambon nalang ngayon, di na ko nagdala ng payong kanina eh. Pero naka-hood naman ako, yung water proof. Naglakad na ko papasok ng MSU. Binati ako nung guard pero dare darecho lang ako.

Habang naglalakad ako ay may naramdaman naman akong nasunod sakin. -_- pero di ko nalang sya inintindi. Kaso bago ako makarating sa building kung nasan ang room ko para sa MK1 ay may pumalibot sakin na mga lalake. Nang hahakbang na ko para lagpasan sila ay biglang may humila ng bag ko. May iilang estudyante na din ang nandito na nakakakita samin at tila talaga ay walang pakialam. Ano pa nga bang aasahan mo sa mga brats na 'to? Tingin ko nga mas gusto pa nilang makakita ng mga nabubully eh. Tss hinila ko naman agad yung bag ko at inayos ulit ang pagkakasukbit nito sa balikat ko. Unti unti namang lumapit sakin ang mga gago.

"Mukang nakatsamba kalang kahapon bata. *smirk* pero ngayon sisiguraduhin naming di na mauulit yon. Haha babae kalang!! at kayang kaya ka namin. At isa pa mga gangsters kami." sabi ng nasa harap ko ngayon na kamuka ni diegong kabayo. Kala ko kapag elite school eh talagang lahat ng napasok eh gwapo at magaganda pero bakit ang isang 'to eh naligaw ata? -_- binigyan ko lang sya ng isang bored na look. Wala ako sa mood na makipaglaro at gangster ba kamo sila? Tss humakbang na ulit ako pero bago pa man ako makahakbang ulit ay naramdaman kong may hahampas sakin na kung anong bagay mula sa likod ko, napaikot ako at ng makita yung bagay na yun ay nagtaka ko kung bakit parang ang bagal naman tumama sakin nun? It wasn't the first time it happened. Ewan ko ba pero parang may kakaiba talaga. Dahil nga mabagal iyon ay agad ko itong nahawakan, isa itong baseball bat. Pagkahawak ko dun ay hinatak ko agad ito kaya napaabante sakin yung may hawak nun pero agad akong pumunta sa likod nya at agad syang sinipa. Matapos yun ay saka ko lang napansin na may mga dala pala silang deadly weapons, di ko akalaing pwede pala yan dito sa MSU. -_- aga aga ko namang mageexercise tss. Nang matumba na nga yung sinipa ko ay agad namang sumugod din ang iba pa nitong kasama. May sumugod mula sa kanan ko at isang dagger naman ang gamit nya, tumambling naman agad ako patalikod kaya nakaiwas ako. Ang bagal nyang kumilos. -__-  May isa namang tumulak sakin at napadapa ako, naramdaman kong may hahampas nanaman sakin kaya agad akong umikot at nakatihaya na saka ko sinipa yung lalaking may hawak na panghampas sakin, ang bagal nya kaya agad akong napatayo at nakuha ko agad ang hawak nyang panghampas na ang itsura ay may bola yung stick kaso may patusok-tusok at ayun sunod-sunod na silang sumugod at iwas, sipa, suntok, ang ginawa ko. Kapag naman gagamit sila ng pang karatedo ay ginamitan ko naman ito ng counter attack. At ilang minuto din ang nakalipas at nakahandusay na sila sa sahig. Medyo hiningal din ako dun kasi ang dami din pala nila. Nasa gitna ako ng mga nakahandusay na mga bully na ito at nakatungo. Wala naman akong natamong galos kaya agad kong pinagpagan ang damit ko. Pag-angat naman ng ulo ko ay nakita kong ang dami nang tao. Agad akong humakbang at kapag may hahara sa daan ko na isa sa mga nakahandusay ay sinisipa ko. Kinuha ko iyong bag ko na inihagis ko sa malayo kanina para mas madali akong makakilos, agad na kong lumayo sa lugar na iyon at nagdarecho na sa room namin. Kaso nakasarado na ito at naririnig ko na mula dito sa labas na nagdidiscuss na yung prof. Sinipa ko ulit yun at ang lakas pala ng impact ng sipa ko dun, pero parang di naman. Kaso kita mo sa pinto na medyo nag-crack yung part na pinagsipaan ko. Tumingin sakin yung prof ko at mga iba kong classmates. Di ko sila inintindi at tahimik na nagtungo sa upuan ko. Ramdam ko naman na nakatitig pa din sakin ang prof ko pero di ko nalang sya inintindi.

Our Love Story (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon