BONUS CHAPTER - Sidestory

173 6 0
                                    

Chase' POV

Grabe hanggang ngayon ang cold pa din ni Master. Kanina pa kasing umaga ganun yun. Ni hindi nga kami pinansin eh kahit si Aiden nya dinedma nya lang. Ngayon lang namin sya nakitang ganyan. Na super cold? Nakakatakot talaga sya kanina. Kahit yung tingin nya lang.

"What do you think happened to her?" tanong sakin ni Farrah, isa sa kaibigan namin. Andito na kasi kami sa Cafeteria kasama yung iba excluding Master. Nagkibit balikat nalang ako kasi di ko din naman alam ang nangyari dun. Kahit kasi siguro kulitin ko yun nako di magsasabi yun. Malihim masyado yang si Master.

"Grabe she's so cold. I'm so scared when she's like that."maarte naman na sabi ni Mona. Oo totoo girl nakakatakot yan si Master lalo na pag nagalit.

"So it's better for you to shut up your f*cking mouth before she could hear you. Tss" masungit naman na sabi ng twinny ko. Ewan ko ba bakit ganyan yan sa mga bago namin kasama. Wala naman akong makitang nakakainis na bagay pwera nalang kapag nasasapawan ako sa pag-iinarte ko. Hahaha

"Oh oh girls tama na yan. A.J. cool down." sabi naman na kakadating lang na si Sevi. At syempre kasama nya ang aking magiting na suitor. Hihihi kinikilig ako. Umirap lang ang twinny ko kay Sevi. Habang ako eto hihihi kinikilig. Hihihihi

Umupo na din naman yung mga boys sa mga bakanteng upuan sa harap namin. Pero itong si Sevi, ayun sa twinny ko. Kinukulit nanaman maigi. Ang cute nilang tignan. Hihihihi back to my own love story.

"Wifey kumain kana ba? Alam mo naman na ayaw kong magpapagutom ka." sabi nitong katabi ko. Hihihi sa konting sabi nya palang kinikilig na ko. Wag nga kayo!! Kyahhhhhh!!! kinikiliglig talaga ako. Hahaha kasi ngayon lang ako nakaranas ng ganito. Di pa kami pero super sweet na nya. (o///////o)

Nung nagsabi nga sya sakin na manliligaw sya eh di na ko nagdalawang isip. Nakita ko kasi sa mata nya ang sincerity. Hihihi kaya di na ko nagpakipot nun. Atsaka boy bestfriend naman sya ni Master kaya tiwala ako sakanya. Yang kasing si Master di agad nagtitiwala sa tao hangga't di nya nakikilatis ang isang tao.

"Hihihi tapos na kami Hubby. Ikaw ba kumain kana? Alam mo naman na gusto ko eh mataba ka para walang ibang titingin tingin sa'yo at baka tusukin ko ng tinidor mga mata nun pshh." sabi ko naman. Aba't ang loko ngumisi sabay pingot sa ilong ko. Halata naman nanggigigil eh. Hahaha

"Hmmmppp ang wifey ko selosa. Hahaha ang cute mo talaga. Teka wifey ha punta ang ako ng C.R." sabi nya naman at tumayo na. Oo hubby selosa talaga ako lalo na pag dating sa'yo. Hahaha nang makaalis ang hubby ko, tinignan ko naman ang mga taong nakaupo din dito sa table. Nakakatuwa talaga si twinny at Sevi. Di pa rin sya tinitigilan eh. Kasi ang ginagawa ni Sevi ngayon, pag magbabasa na ulit si twinny eh haharangan nya yun. Paulit ulit lang na ganun si twinny kaso tingin ko nainis na sya ngayon kaya ayun nag-walk out na. Hahaha di ko na sya tinawag nako di naman papapigil yun. Sinundan nanaman sya ni Sevi. Magkatuluyan kaya yung dalawang yun? Hahaha bagay kasi talaga sila promise! Parang may spark pag nakikita ko sila hahaha.

Ibinaling ko naman ang tingin sa ibang natira dito sa table. Aba't ayun yung boys nagkekwentuhan about sa High School memories nila. Habang yung girls eh obvious naman na pinagpapantasyahan sila. Nako wag lang nilang pagpantasyahan ang hubby ko, malalagot talaga sila sakin. Alam nyo ba kasi na ang aarte ng boys na 'to pag kasama namin sila Mona. Pero pag kami kausap nila eh di naman. Minsan nga laugh trip pa ko sa mga kung san na napupunta yung kwentuhan namin. Ewan ko ba sa mga boys na 'to. Pati si twinny ko ganun din sakanila. I mean masunget, nasaksihan nyo naman kanina yung ginawa nya kay Mona diba? Hahaha daldal ko 'no? Masanay na kayo. Ako lang kasi ang masipag magsalita samin ng twinny ko.

Nang matapos ang pag-oobserve ko sa mga tao dito sa table eh napansin kong parang ang tagal naman ng hubby kong mag-C.R? Nako baka naman nakain na yun ng bowl. Hahha ang korni mo Jarickah. Pshhh dahil sa di ako mapakali eh pupuntahan ko na sya sa may C.R ng boys.

Our Love Story (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon