CHAPTER 24 - Masunget na Pikon pa

175 5 0
                                    

Nika's POV

Matapos ang gabing yon na shift ko sa MorNoEve eh masayang masaya si Aiden nun kasi sobrang sarap daw ng gawa ko. Lagi na daw sya dun tatambay para naman daw matikman nya lagi yung specialty ko. Natuwa naman ako sakanya dahil dun. Di nya ko nasundo kanina pati na din sa mga susunod na araw kasi pinapunta sya ng lolo nya sa Virginia para daw dun sa business nila, di na daw sya nakapunta sakin kasi agad agad syang pinapunta dun. So eto na nga ako ngayon sa school. Aga ko nga din eh. 10am pa klase ko pero 8am palang andito na ko. 

Dahil nga maaga pa at mamaya pa klase ko eh syempre pupunta ako dun sa tambayan ko. My paradise hahaha. Habang naglalakad ako at nakasalpak sa tenga ko yung earphones ko at sinabayan ko pa ng pagbabasa sa wattpad, yung story ni Ms.PanpanDakdak na "Hanggang Love Story na lang ba AKO?" kakatuwang basahin kasi naman nakaka-relate ako. Lalo na yung personality nung babaeng bida. Hahha kaso hindi ko na napansin na may kasalubong ako kaya nabangga ako sa isang matigas na bagay. Dahil may pagka-clumsy ako eh tumalsik si cellphone ko. Huhuhu pinag-ipunan ko pa yun para mabili. Dinampot ko agad yun at nakita kong basag na yung screen at kalas kalas pa. Huhuhu ang daming mem'ries na ng cellphone ko na 'to kasama ako. Nalaglag na nga dati 'to sa inidoro eh pero nag-survive buti nalang nga walang lamang chocolate na yung bowl hehehe, kaso mukang dito na nagtatapos ang journey ng cellphone ko na 'to huhuhu. Pagdampot ko eh pinag-ari ko pa yun, kaso wala na, ayaw ng mag-sindi kaya lumapit ako dun sa nakabangga sakin na matigas ang dibdib at amoy nya ng bangoooooo. Pshhhhh delete! delete! sinira nya cellphone ko kaya dapat nyang palitan 'to. Huhuhu di man lang nag-sorry. Kasi naman nakita ko syang naglakad agad palayo nung mabangga nya ko eh kaya eto ako at hinabol sya.

Hinawakan ko yung kanang braso nya para mapatigil sya sa paglalakad. Di ko sya titigilan hanggang di nya papalitan ang cellphone ko. Naninigkit naman ang mga mata ko nang tumingin ako sakanya

"Teka nga Mister! Di mo na nga nagawang mag-sorry tapos nasira mo pa ang cellphone ko?!!! Alam mo bang pinag-ipunan ko pa yan tapos ganun lang?!!!! Palitan no yan!!!!" sabi ko naman sakanya. Pero di pa din sya nakaharap sakin. Inferness ang ganda ng likod nya. I mean yung pagkaka built ng maskels nya sa likod. Phhhh delete! delete! Sya nga pala yung sumira sa cellphone ko. Di ko sya mapapatawad. +_+

" Why am I going to apologize if it is your fault that you're stupid ha? At di ko tinatanong kung pinag-ipunan mo yan or hindi. Tatanga tanga ka kasi eh. Excuse pero late na ko, ang bago bago ko dito may tatanga tanga na nga pangit pang naninira ng araw ko. At hindi ko yan papalitan kasi ikaw naman ang may kasalanan!" sabi nya sakin tapos humarap na sya. Nganga ako eh. As in literally ha! Kung si baby Aiden gwapo na, aba parang more than 10 times yung kagwapuhan nya kay Aiden. Pero teka tinanga at sinabihan nya nga ako ng pangit eh tapos sinisi pa ko na ako daw may kasalanan. Kaya binabawi ko na ang nasabi kong gwapo sya kahit na totoo yun.

"Palitan mo 'tong g*go ka!!! At hindi ako tanga okay?!!! at mas lalong di ako pangit!! Di tulad mong galis aso!! Ikaw ata yun kasi kung alam mo na ngang mababangga mo ko edi sana tanga ka eh umiwas kana!!! Bwisit aga aga!! Palitaaaaannnnn mo 'tooooooo!!!!" sigaw ko naman sakanya. Nag-smirk lang sya sakin at inalis na ng tuluyan yung kamay ko na nakakapit sakanya tapos lumakad na sya palayo. Aba!!! Di ko palalagpasin 'to! G*go pala sya eh!!!

*BOOOOOGGGSHHHHHHH!!!*

Sinuntok ko sya. Bali hinabol ko na muna sya tapos hinawakan ko sya sa balikat at mabilis na iniharap sakin tapos suntok. Kung di nya mapapalitan 'to atleast nakaganti ako. Napaupo sya sa sahig at ang mga usisera at usisero kong mga schoolmate eh nakatingin na samin. Tapos nagbubulong bulungan pa.

"Di ba nya kilala si Papa Brayden? Ang tanga talaga nyang girl na yan."

"True. Nako nagpapansin lang ata yan sa mga gwapo dito sa MSU. Slut. Tsk tsk tsk"

Our Love Story (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon