Nika's POV
Andito na ko sa school ngayon, kasabay si Kenken. Bali dala ko ngayon ang baby ko at si Kenken naman naka-kotse. Sa totoo nyan mayaman kami, dati. Pero simula ng mawala si Mama. Nawala lahat ng mga naipundar nya dahil sa traydor nyang partner sa business. I can't remember her name even her features. Kaya ako napunta kay Nanay. Wala na din ang lolo ko tapos wala din akong kapatid. Kaya kami nalang ni Nanay ang magkasama ngayon sa buhay. Ang mga Tita at Tito ko kasi may kanya kanya na ding pamilya. Oo nasuporta sila para sa pag-aaral ko pero di sapat eh.
Nang araw na namatay si Mama sa mismong harap ko. Wala akong nagawa. Naulan pa nun, iniwan ko ang bangkay ni Mama at para kong wala sa sariling naglakad papunta sa may kalsada. I think I was 10 or 11 back then. I was thinking to commit suicide at that time for the fact that my life is useless anyway. Ulila na akong lubos. Di ko alam ang gagawin. Hanggang sa may padating na kotse na nun at konti nalang mababangga na ko. Pero hindi, huminto yung kotse at may bumaba na lalaki na tingin ko ka-age ko lang din. May hawak hawak syang payong na lumapit sakin. Mabait sya at sakanya ko natutunan lahat ng skills ko sa martial arts, pagbaril, taekwondo at iba pa. Ilang buwan din nya akong tinuruan hanggang sa mamaster ko lahat ng mga tinuro nya. Dahil sa desperada na nga siguro ako na mahanap ang pumatay kay Mama kaya lahat ng ituro nya madali kong nakuha. Sya din ang nagbigay ng way sakin para makita na may pag-asa pa naman ang buhay ko. Na di naidadaan sa pagpapakamatay ang lahat ng challenges na nadating sa buhay ko. Nagulat nga ko nung una kasi kala ko ka-age ko lang sya pero matanda pala sya sakin nun ng 6 years. Alam nya lahat ng nangyari ng gabi na yon dahil ikinuwento ko sakanya yun lahat lahat ng about sakin. Bali parang nung time na yun sya lang masasandalan ko.
Lumipas ang buwan at sya ang tumulong sakin para mahanap ang pumatay kay Mama. Di ko alam ang dahilan kung bat sya pinatay. Wala naman akong matandaan na may nakaaway sya or kung ano. Hanggang sa nalaman kong isang Mafia ang pumatay sakanya. At dun ko mas lalong nakilala ang dark side ko. Si Klein. Sya ang tumulong sakin. Kaya ang laki ng utang na loob ko sa lalaking yun eh.
Osya tama na nga ang drama. Pinakilala ko lang sya sa inyo para may clue na kayo kung sino sya sa buhay ko. Para di na lalo madagdagan ang malisya dyan sa isip nyo hahahaha.
Ipinarada ko ang baby ko sa loob ng school. Syempre baka masagi pa yun sa may parking lot at baka dun pa ko mismo makapatay haha de joke lang. Mabait na ko eh. Kasi lahat naman tayo eh may lugar para sa pagbabago.
As usual. Ayun na nga Championship na at ang mahigpit na kalaban namin ngayon sa sepak at volleyball at pati pala sa basketball ay ang mga Juniors or ang mga 3rd year. Medyo di maganda ang naging past namin ng mga yan. Kaya ngayong championship damang dama ko yung kuryente kapag nagkakatama yung mga paningin namin. The hell I care?
Mauunang game ko ngayon ay sepak. Pumunta na ko sa may court nun at syempre dahil mainit ang laban yung talagang mga best players talaga ang inilagay ko para panapat sa mga Juniors na yan. Isa ako sa lalaban tapos yung si Dannica at Glaiza. Ang galing din kasi talaga ng dalawang 'to yung iba kasi namin na ka-team parang wala trip trip lang ang pagsali kaya ayun.
Mag-start na ang game at madaming nanunuod na galing sa iba ibang year level. Cheer sila ng cheer para sa trip lang nila na i-cheer.
Nag-start ang laban at ang Juniors ang unang nag-serve. Nasalo ko yung bola at binigyan sila ng pamatay kong sipa. At swerte namin at naka-points kami kasi sa muka nung isang Junior napunta yung bola haha sakit nun. Tinignan tuloy nila ko ng masama. Pwes di nila ko masisindak sa tingin na yun. The hell I care? haha Nag-smirk lang ako and it's our turn. Ako ang nag-serve at ayun medyo nagtagal bago nagka-points and pag sinuswerte talaga kami nanaman ng naka-points.
Maya maya lang sa lakas ata ng pwersa ng pagtira ko ayun nag-outside si bola. Bali ang score namin ngayon ay 10-6 syempre kami yung lamang. Di ako papayag no hahaha. Ayun sila na nga ang titira at feel ko na ako ang pinupuntirya nila. Kasi sakin ng sakin napunta yng bola and take note may pwersa ah. Malas nila kasi nasasalo ko at ayun naka-points ulit kami. Kakaganon natapos yung game namin na syempre!!!
BINABASA MO ANG
Our Love Story (UNDER REVISION)
RomanceHi All, This story in under revision. Thanks for your patience. Regards, Author