CHAPTER 54 - Serves you right

106 5 0
                                    

Nika's POV

After ng hang-out namin ni Ate Andry kahapon ay bumalik na din sya agad sa Puerto dahil pinatawag na agad sya dun dahil yung sub nya na nurse eh nagkasakit.

Andito ako ngayon sa isang bar matapos ang klase. Medyo gabi na din ngayon at unti-unti ng nadami ang tao. Ngayon lang din ako napadpad dito dahil sa isang bagay.

FLASHBACK

"Bakit kasama mo ang Ate ko kahapon?" seryoso na tanong sakin ni Mona habang papasok na ko sa unang subject ko, sana. Hinarang pa talaga ako eh. Duh di pa sila kasal ni Brayden kaya wag muna sya mag-feeling. -_-

Pansin ko din na medyo malaki na yung tyan nya. Tinignan ko na muna sya bago magsalita.

"None of your business." sabi ko tapos nilagpasan ko na sya kaso hinawakan nya naman agad ako tapos bigla na din akong hinatak.

"Wag mo kong babastusin lalo na't nasa teretoryo kita. Layuan mo na sya lalong lalo na ang Fiance ko." sabi nya ng may diin. Binawi ko naman na agad yung kamay ko sakanya and leaving her dumbfounded. I just don't give a damn. -_-

Kaso naramdaman ko namang may paparating na bagay sakin kaya naiwasan ko naman yun agad at marahan kong pinihit ang kamay nya tapos inilagay sa likod nya.

"WAHHHHH!!!--" Naputol ang pagsigaw nya nung marinig namin ang boses nya.

"Let go of her." sabi nya at unti unti namang lumuwag ang pagkakakapit ko kay Mona at matapos yun ay agad syang nagmadali papunta sa lalaking nakatayo may ilang pulgada lang ang layo sakin. Ibang-iba ang aura nya ngayon at ngayon ko lang naramdaman ang matakot sakanya.

"She said she's going to kill me *sniff*" the f! Baka totoohanin ko yun. -_- nagsalubong naman ang kilay nyang matagal ko ng di nahahawakan. LOL.

"She's already on my list tss." sagot ko nalang ng pabulong at lalagpasan na sana sila kasi bukod sa late na ko eh nakakaagaw na kami ng attention duhhh haler. Kaso bago pa ko tuluyang makapasok sa room ay narinig ko ang isang napakalamig na boses.

"Subukan mong malapitan ang mag-ina ko at hindi ako mangingiming unahan kita, Rare." sabi nya. Para kong nakarinig ng crack sa puso ko ng marinig ang salitang mag-ina. Natutunan nya na bang mahalin ang babaeng 'to?

Wala sa sarili akong pumasok sa mga klase ko para sa ngayong araw hanggang sa naisipan kong magpalipas ng oras sa lugar na di nila maiisip na pupuntahan ko.

END OF FLASHBACK

"Margarita Boss?" tanong sakin nung bartender matapos kong maubos yung beer na iniinom ko kanina. Tumango nalang ako at iniabot na nya sakin yung sinasabi nyang Margarita. Wala naman akong ideya kung anong lasa nito kaya dala na din ng curiosity kaya tumango nalang ako.

Tinignan ko muna yung bartender. Nakaramdam naman ako ng familiar na presensya sa paligid. Dahil iba ang kutob ko ay nagpatay malisya nalang ako, na kunwari di ko alam na nandito sya.

Kinuha ko yung baso at kunwari kong nalaglag yun. Napansin kong biglang nagbago ang kulay nung likidong natapon sa sahih nitong bar. Napa-smirk ako ng bahagya bago tuluyang tumayo sa kinauupuan ko. Maingay, mausok, amoy alak, may mga nagme-make-out, at mga nagpapalipas lang din ng oras ang iba. Yan ang makikita sa bar.

Pinakiramdaman ko ang paligid. Naglakad ako papunta sa isang lugar na kanina ko pang pinagmamasdan na nilalabasan ng mga nagtatrabaho dito. Agad akong pumasok at nakita ang mga mukang gulat na nagtatrabaho dito. Ang ilan naman ay nakabawi agad pero ang ilan hindi pa rin.

"Ma'am bawal po ang di staff na pumasok dito." pambabasag nung isang lalaki na nasa may parang kusina. Tinignan ko na muna ang bawat isang nandito sa loob bago magsalita.

Our Love Story (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon