Chapter 5 - The Softer Sides

795 30 11
                                    

Chapter 5 – The Softer Sides

“What the hell was that?” I shouted sabay hatak ng kamay ko away from Arvin’s not-so-tight grip

Ay gagong ‘to, hindi ako pinansin. Pumara siya ng taxi at sinabi na sa Maria Monte kami ihahatid. Lalo ko pang kinainis eh halos itulak niya ako papasok sa taxi na feeling ko nahampas sa upuan yung katawan ko dahil hindi naman talaga hamak na mas malaki siya saken.

Naiinis ako kapag hindi siya nagsasalita. Nabubwisit ako kapag hindi niya ako pinapansin. Nagtatanong ako sa kanya dedemahin ako. Nakakainis.

“Hindi mo ba ko naririnig?” I said pointing at myself and looking at him with such anger in my eyes pagkapasok sa taxi. Kung nakakamatay lang ang ganitong titig pwede na siya ilibing ngayon din! As in now na!

I was expecting an answer pero tinitigan lang nya ko na parang ang bait bait nya. At…

He immediately grabbed and hugged me. “Anne I’m sorry. I really am very sorry. Hindi ko yun sinadya. Maniwala ka hindi ko talaga yun sinasadya.”

Tinulak ko siya palayo. Kj na kung Kj but he is so disgusting. Every inch of him is so disgusting! Gustuhin ko man tanggapin ang pagsosorry niya, hindi ko magawa. Sa ilang taon na ginawa niyang impyerno ang nananahimik kong mundo, hindi ako naniniwala na nagsisisi siya. Hirap ako maniwala.

Hanggang ngayon tanong padin sa utak ko kung bakit niya ako ginaganon all throughout our highschool years. Kamukha ko man si Chucky noon, yung iba naman never ginawa yung mga ginawa niya sa akin. Though malaking tanong pa rin yun sa’kin, I prefer na hindi na lang tanungin.

Mas pipiliin ko na hindi siya makausap at magkaron ng force field na maglalayo sa kanya.

Pakiramdam ko parang sinadya niya talaga ‘tong gawin. Ni anino nga niya ayokong makita tapos aakapin pa niya ko! His acting is not convincing enough. Alam ko ginagawa niya lang ‘to kasi ayaw niya na magsumbong ako. Period.

“Nag-alala ako ng sobra kanina. Akala ko may hindi magandang mangyayari sa’yo.” at ano yung ibig sabihin nang ulupong na ‘to? Maganda pa yung nangyari? Ano, na-excite siya? nagka-adrenaline rush pa siya? Na-enjoy niya ganon?

Trying na hindi pansinin yung bago niyang ugali, kasi hindi ako sanay at nakaprogram na sa utak at kaluluwa ko na dapat pirmi kaming nagsasagutan at nagaaway, I said “Talagang dapat magalala ka! Ngayon uuwi ako sa amin mamaya na may gasa yung mukha ko! Ano nalang sasabihin ng lola ko ang tanga tanga ko nanaman! I had enough of the ‘tanga tanga’ statements from you tapos pati sa bahay sasabihan ako ng tanga dahil sayo! Alangan namang sabihn ko galling ako ng ospital malamang hinde dahil mangagalit ang lola ko diba?! Pati yung gamot ko ibabawas ko pa sa allowance kong bwisit ka! Ayaw kitang makit.. AAAAAWW!!”

Sinadya ko talagang bungangaan siya. Para hindi siya makapagsalita at wala na siyang masabi at masagot! Pero ako pa rin ang nagdudusa, sumasabay ang kirot sa inis ko eh. Pumipintig din siya sa inis.

Arvin moved closer and gently touched my wound. “Halika nga dito sandali. Naiiintindihan ko naman kung magalit ka saken ng sobra. Pero wag muna ngayon please? May sugat ka kasi. Don’t worry about your medicines, eto binili ko na, kumpleto lahat ‘yan. Inumin mo on time. Please.”

Inabot nya sa’kin yung isang plastic ng gamot. Kailangan ko gawing chichirya ‘tong mga gamot na ‘to sa dami. Pero Ito yatang taong ‘to ang totoong tanga eh. Porke anak mayaman lahat ng gamot binili sa pharmacy ng ospital. Usually kasi bumibili kami sa mercury na di naman hamak na mas mura! May mercury naman malapit samen! Hindi naman kami pulubi o mahirap pero praktikal lang kami sa pera. Ako yung nanghihinayang eh!

Wag Ka Na Kasing Maarte... Please?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon