Chapter 8 - Martin’s Dilemma
“Kkkuuyyyaaaa!” shouted Josh
“Kuya! Mama! Buksan niyo ang ilaw! Please! Wala akong makita! Kuyaaa!” naririnig ko sumisigaw nanaman si Josh. Shit hindi ko na ata kaya ‘to. Umagang umaga. Pasakay na’ko dapat ng kotse nung narinig ko yung sigaw ni Josh. There he is again.
May tumor sa utak ang kapatid ko and it’s malignant. Wala nang cure. I hate to say this, pero nabigyan na ng taning ang kapatid ko. Kaya tuwing susumpungin siya, talagang nagkakagulo kami sa bahay.
Napatakbo kami pareho ni papa. Pagbukas ko ng pinto ng kwarto niya, nakita ko sa sahig si Josh na inuumpog ang ulo nya. Tumakbo ako papunta sa kanya at inakap ko siya. Dali-dali ko siyang binuhat papunta sa kotse. Si mama iyak na ng iyak. Si papa tumakbo na pababa papunta sa kotse. Umiyak na’ko ng sobra pero hindi ko pinarinig kay Josh.
“Kuya please buksan niyo ang ilaw. Nararamdaman ko tumatakbo ka pero wala akong makita. Bakit pinatay niyo ang ilaw. Please buksan niyo takot ako sa dilim alam mo naman yun diba?” he cried habang sinasabunutan na niya ang sarili niya sa sobrang sakit ng ulo niya.
Naiyak na’ko talaga. Now my little brother is blind. Wala siyang makita samantalang sikat na ang araw. Umaga na. Although expected na na mangyayari ‘to, ansakit pala talaga sa loob kapag andyan na.
“Okay Josh, I will turn the lights on pero pumikit ka muna ok? It will be alright. Pinatay talaga namin yung ilaw kasi we were thinking of giving you a surprise!” still trying not to sniff dahil nagagalit si Josh ‘pag alam niyang siya ang dahilan kapag umiiyak ako.
Damn.
“KUYAAAA!! PAPAAA!!! ANG SAKIT SAKIT!!” Josh in now crying like hell and para akong masisiraan ng ulo. Ayokong sumisigaw siya sa sakit. Ayokong nakikitang unti-unti siyang nilalamon ng sakit niya. Ayokong nakikita na araw araw pabagsak ng pabagsak ang katawan niya. Bakit yung kapatid ko pa? Bakit siya? Maraming masamang tao diyan na mas deserving pagdaanan to!
“Sssshhhhh.. Kuya is here don’t worry.”
-----
AT THE EMERGENCY ROOM
“We will take care of him. I’m sorry but you are not allowed inside the operating room. Kindly wait outside” said the nurse habang nakita ko na lang na pinasok na ang kapatid ko sa operating room na sumisigaw, na umiiyak sa sakit at nagmamakaawa on a stretcher.
Iyak na kami ng iyak ni papa.
“Ma, kung gusto mo pumunta pumunta ka na. I’m sorry naiwan kita kanina natataranta na kasi kami” Papa said while talking to mama on the phone.
I kept praying na sana ma-extend pa ang buhay ni Josh or totally mawala na ang sakit nya. I might sound selfish but I just love my brother so much. I can’t let go just yet. Hindi pa. Hindi pa sa ngayon.
Napabuntong hiniga ako ng pagkahaba haba. And I whispered. “Lord, please. Kahit ano gagawin ko. Please ‘wag mo po muna kunin si Josh. Sige na po. Even if I have to sacrifice whatever I have to sacrifice. Ibigay niyo na lang sakin yung sakit ng kapatid ko. I can handle pain much better than him. My body can handle that sickness. Ako na ang lalaban para sa kanya. Kahit po mga bagay o taong nagpapasaya sakin kunin niyo na. Wag lang po muna ang kapatid ko. Not this time. Please not my brother.”
Then a sudden picture of Anne came in my mind then again I whispered “Even if it means pag-iwas kay Anne gagawin ko. Ititigil ko na ‘tong kalokohan ko.”
Yes. Even Anne. I really wanted to be a part of her life. But if I have to forget what I feel about her for Josh, gagawin ko. He is still very young. He is barely 12 years old.
BINABASA MO ANG
Wag Ka Na Kasing Maarte... Please?
Teen Fiction(Completed) Papano mo sasabihin sa taong gusto mo na mahal mo siya? Papano mo sasabihin sa taong mahal ka na hindi mo siya mahal? Anong gagawin mo kung you are in the middle ng taong mahal mo at nung taong nagmamahal sayo? At ano ang iisipin mo at m...