Chapter 21 - A Very Sad Picture

621 25 7
                                    

Chapter 21 – A Very Sad Picture

Arvin’s POV

Hindi ko na alam kung saan ako pupunta ngayon. Iniwanan ko silang dalawa dun. Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. Naaalala ko lang ang lahat pati ang awa ko sa sarili ko. Nararamdaman ko umiiyak parin pala ako. Tumutulo ng dire diretso yung luha ko. Sumabog na talaga ako nung nakita ko sila na nag-kiss. Wala sa play ‘yon. Alam ko at sigurado ako don.

Sobrang nasaktan ako. Hindi kalayuan sa school ang auditorium kung saan ginawa ang play. Nadaanan ko ang Mcdo kung saan niya nakita sila Martin at Macey. Madadaanan ko ang Paranaque Med kung san sinamahan ko siya dahil nabato ko siya ng Pepsi in can. At madadaanan ko rin ang school.

Lahat siya ang naaalala ko. Gusto kong sumigaw. Gusto kong lumayo. Ayoko siyang makita. Wala naman siyang ginawang masama pero galit na galit ako sa kanya. Ayoko siya makita sa ngayon. Hindi ko pa kaya.

Hindi ko inasahang sasabihin ko sa kanya ang nararamdaman ko sa ganitong paraan. Hindi ko inasahang ganito ang kahihinatnan ng pagsasabi ko sa kanya ng totoo. Nagmukha akong kawawa. Akala ko kapag sinabi ko na sa kanya ang totoo, mababawasan o mawawala yung nararamdaman kong bigat ngayon.

Pero lalo lang akong nasaktan. Hindi makahinga ng maayos. Hindi ko gusto umiyak  ng ganito. Sa laki kong ‘to humahagulgol ako. Hindi ko ginustong magmukhang kawawa sa harap niya. Pero hindi ko na kayang magpanggap. Hindi ko na kaya.

Kahit alam kong si Martin ang gusto niya, sinubukan ko parin. Nasasaktan din ako, ayoko lang ipakita.

Habang tumatagal pasakit ng pasakit. Tang*** lang talaga, ito yung pinakamasakit sa lahat ng pakshet na masakit pero wala kang sugat.

Kung maibabalik ko lang ang panahon, sana hindi ko na lang sinubukan. Kung maibabalik ko lang ang mga oras, sana hindi na lang ako nagbigay sa kanya ng panahon. Kung maibabalik ko lang din ang panahon, sana hindi ko na lang inisip na maaring matanggap din niya ko at umasang maging espesyal din sa kanya.

Ano ba ang kulang? Nakakahiya ba akong kasama? Bakit lahat ng effort ko wala lang sa kanya? Hindi ba siya marunong makaramdam? Hindi man lang ba siya marunong mag-appreciate?

Dahil ba sa madalas ko siyang buskahin noon? Hindi ko naman ginagawa na ah? Hindi ba niya napansin ‘yon lahat? Yung kay Macey? Yung kay Martin? Sa Mcdo? Yung stuff toy? Lahat yon wala lang? Normal lang?

Hindi naman ako panget. Bakit kasi sa kanya pa ko nagkaganito. Maraming mas maganda sa kanya. Maraming higit sa kanya. Maraming hindi oily ang mukha. Bakit siya pa.

Nung nakita ko yung eksena nila ni Martin na ‘yon, nararamdaman kong para akong dinudurog. Alam kong pumayag din siya at alam kong pareho sila ng nararamdaman. Pinagpilitan ko lang talaga ang sarili ko.

Nakakapagod pala ang ganito. Hindi pa man ganun katagal pero napakasakit. Hindi ko maipaliwanag kung anong sakit ‘tong nararamdaman ko. Hindi ko alam kung saan ang masakit. Pero yung nararamdaman kong sakit lahat lumalabas sa mata ko.

Sinubukan kong lumapit kay Anne pero ano ang naging kapalit? Pinaramdam lang niya na malaki akong istorbo sa kanila. Kahit anong gawin ko hindi niya mapapansin. Ito naiiyak nanaman ako. Kailangan ko ‘to ilabas bago ako makauwi ng bahay baka andun si mama.

Akala ko pwede. Kasalanan ko din kasi hindi ko muna siniguro yung nararamdaman niya. Sa mga panahong dumistansya ako sa kanya akala ko kasi kahit papano maiisip niya na may halaga ako at kahit papano mapapansin din niya na kaya ko naman pala magbago.

But I was wrong. It just made her realize kung ano yung nararamdaman niya para kay Martin and wala ako sa plano niya. Isa lang akong tao na nakakasalamuha niya sa araw araw. Isa lang akong Arvin na kilala niya na panggulo sa buhay niya.

Wag Ka Na Kasing Maarte... Please?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon