Chapter 1 - Sakto Lang

4.3K 51 22
                                    

Chapter 1 - Sakto Lang

May biglang humatak sa kamay ko. Hinila ako sa isang alley at sinandal niya ako sa pader na may malapit sa isang classroom. Whooo! Buti walang tao.. Ay teka.. Anong "buti"?! Hindi ko nga makita tong taong to! Erase! Mali! Pero... Si ano to ah... Si....

"Bakit mukhang hindi ka ata pupunta sa reunion? Nagpunta nga ako dito para makita ka." sabi nitong kasalukuyang mumu na kaharap ko dahil hindi ko pa maaninagmasyado ang mukha.

Pero ngayon... Si... Martin! Si Martin ‘to! Bakit ba kasi andilim?! Bakit kailangan dito talaga sa medyo madilim? Tsaka ano ba pinagsasabi neto? Hindi ba pwedeng nagre-reminisce muna ako sa mga nadadaanan kong classrooms?

"Bakit wala ka sa reunion? Andun kami lahat. Kanina pa kita hinihintay dumating!" he said this habang hawak parin yung wrist ko. Ngayon mejo naaaninag ko na yung mukha nya because of the light coming from the party's lights but not clear enough. Pero i know for a fact siya nga ‘to!

Si Martin nga. Naalala ko pa ang boses nya. Mas seryoso at mas malalim lang ang boses nya this time. Pero anong ginagawa nya dito? At bakit alam nyang dito ako dadaan? Ang weird niya. Ano bang pinagsasabi nito? Anong hindi pupunta eh kaya nga andito ako eh.

"Ha? Eh kararating ko lang eh!" . Nagtaas ako ng kilay dahil i have seen him after i dont know how long and he is acting like this. Weird. 

Bakit kaya nakatitig lang sya saken? Ang ingay ingay nito dati sa class bakit ngayon tititigan lang ako? Shet bakit ambilis ng tibok ng puso ko? Ano to?! Mamamatay na ba ko? Papatayin ba nya ko kasi na late ako ng dating? Si kamatayan ba to na nagbabalat kayo na si Martin?

What’s the big deal?

"Akala ko kasi hindi ka dadating. Antagal na kitang gusto makita." This time binitawan na niya ‘ko. But now his hands suddenly landed on my cheeks and teka! Parang natatae ang pakiramdam ko? LBM agad? Hindi pa nga ako kumakain! Pwede ko ba sabihing time first? Kakain muna ako sa reunion party tapos tuloy nalang namin kung anuman ‘to? Kaso baka masukahan ko naman sya sa kaba. Kinakabahan ako yata na parang wala namang basehan.

"Huy ano ba yang inaarte mo diyan tara na nga nagugutom na kaya ako." Then I faked a smile para mabawasan naman ang tension and kaba na nararamdaman ko pero narinig ko ang sarili ko na nauutal. 

And i saw his eyes looking at my lips. Nakita ko na ang buong mukha niya. Martin ikaw nga. Jean Martin Zaragosa. Hindi ako magkakamali. Kabisadong kabisado ko ang mukha mo. Ikaw nga! Ikaw nga!

Little by little, slowly, he leaned his head down.

N-n-no. He is going to kiss me. He is going to kiss me! For whatever reason, I closed my eyes and biglang sumakit ang hita ko at napadilat ako para makita kung sino ang inggitero o inggiterang sumira nang moment na ‘to!

MAY HUMAMPAS SAKIN NG HANGER!

"Hoy Anne! Gumising ka na. Ala singko na mamaya andito na yung school service mo male-late ka nanaman! Mahiya ka naman sa bus driver! Kanina ka pa ginigising! Tulo na nga laway mo nakanguso ka pa!" sabi ng lola ko na galit na galit dahil 4:30 palang daw ginigising na niya ko.

"Aray naman lola… Eto na nga babangon na po!" sabi ko habang tinatanggal ko pa yung mga muta ko at hinihimas himas yung parte nang binti ko na nahataw ng hanger na mukhang na-enjoy ng lola ko.

Parang teleserye naman! Climax na saka pako hinampas ng hanger. And i am telling you malakas ang feeling ko na  may tinatagong sikreto ang lola ko. Para siyang naging baseball player nung kabataan pa nitong lola ko sa lakas ng hataw nya sa hita ko.

Wag Ka Na Kasing Maarte... Please?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon