Chapter 23 - The game day

584 24 3
                                    

Chapter 23 - The game day

Ito na at maglalaro na kami. Ambilis naman ng oras. Last week lang nagpa-practice kami.

I saw the three familiar, disgusting faces pagbaba ko ng coaster namin. Nakasuot na sila ng mga uniform nila. Ang panget, ang baduy kulay brown. Napakapangit pa ng print. I can see students of Maria Monte na pumapasok na sa gym.

At dahil magkasunod lang dumating ang coasters namins, nakita ko si Anne na kasama si Ina, si Iza, si Allen, si Chris and that stinking Martin. Okay na sana kaso palaging may epal na nakabuntot.

Nilayo ko yung tingin ko sa kanila at baka hindi pa man ako nagu-umpisang maglaro mapagod ako kakasapak kay Martin. Focus na lang muna ako sa game. Kailangan namin manalo. I will just keep reminding myself that wala na akong pakialam. Wala na dapat.

Isang linggo kong kinaya at kayang kaya ko ‘to ipagpatuloy. Again, I don’t know for how long.

Someone tapped my back na pagkalakas-lakas na pwede ko na sabihin na tinulak ako pagpasok namin ng gym.

 “Hey, its been a while boy siomai” said Andrew. The bully who cant last a day na hindi nabubuhusan ng siomai na may toyo at kalamansi ang buong uniform ko. I answered with a grin and turned my back on him.

Hindi natapos yun kay Andrew. Someone tried to trip me off. Josue. Yung isang kabarkada niyang nagmana sa kakupalan niya. Ganun parin talaga sila. Mga tarantado pa rin.

“Ano iiyak ka na?” Bati sa akin nung dumating yung isa. Si Denver. He said “Kayo naman, be kind to animals guys okay?” tinignan niya ko mula ulo hanggang paa. “Ayos ah. Hindi ka na mukhang tanga at lampa ngayon. Patunayan mo mamaya ha?” He smiled and they all went to their bench.

Hindi ako pwedeng madistract. But I have this gut feeling na hindi magiging maganda ang araw at yung laro na ‘to. Something not good is about to happen. These guys obviously never changed a bit. I have to show them that I can now smack their faces and asses.

------

The game started. Jump ball. Me and Denver. He was looking at me with a devilish smile on his face.

Napunta sa kanila ang bola. The game went on and on. Nararamdaman kong naguumpisa na sumakit yung tagiliran ko sa kakasiko sa akin ni Josue. Pinilit kong hindi pansinin at daanin na lang sa laki ng katawan. Pero &*%^$*(% habang nagdi-driblle ako tinisod ako ni Andrew. Pumito ang referee. Natisod ako na literal na mukha akong tanga. I can hear the boos.

“Akala ko ba MVP ka sa Monte? Bakit ang lampa lampa mo? Hanggang ngayon tanga ka parin pala?” And I can hear the way they laughed at me. Nakakapikon. Nakakalalaki.

Dahan dahan akong tumayo. Tinignan ko sila at nginitian ko. Na-distract ako sa kanila pero hindi ko pwedeng ipahalata. Nararamdaman kong pinagtutulungan nila ako. Oo MVP ako at wala kayong karapatang ganituhin ako.

Pagkatayo ko, napalingon ako sa bench kung nasaan nakaupo ang mga taga-Maria Monte. I saw Anne. Nakatingin siya sa akin. She smiled and gave me a two thumbs up. Kunwari hindi ko siya nakita or hindi ko siya napansin. Tumalikod ako pero napangiti ako. Pumunta ako sa upuan ng team, uminom ng tubig and bumalik sa court. Laro na ulet.

Parang nasa pelikula ako na bigla ako nagkaron ng adrenaline rush. Napaisip ako na siguro kelangan ko na kausapin si Anne. Walang mangyayari kung pirmi ko siyang iiwasan. Alam ko gusto din niya akong kausapin. Sige mag-uusap na kami. Hindi ko naman aasahan na gustuhin niya ako. Gusto ko lang siya makausap para mag-sorry na din sa pagsigaw ko sa kanya nung nakaraan.

But we have to win this game first.

Nakabawi kami. And yung mga boo na nariring ko kanina puro sigawan na ngayon. Some cheerleaders are even shouting my name. May karapatan akong mag-feeling kasi ampapanget naman ng mga kalaban namin.

Wag Ka Na Kasing Maarte... Please?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon