Chapter 24 - Twisted

529 23 2
                                    

Chapter 24 - Twisted

“Oy pare mamaya hintayin mo ko sa library ha. Tapusin na natin yang assignment sa Physics para wala na problema. Ito nga pala yung reviewer mo, nakalimutan ko ibigay nung nakaraan.” Magpapasikat na ako. Ay mali, I mean magpapakatotoo na ako.

“Uy thank you ha! Hey I have something for you..”  she smiled and handed me a small plastic. Nung binuksan ko it’s a dark blue baller id. Wow. Sweet.

Inakbayan ko siya. I cant help it, I kissed her cheek. Pero kiss magkumpare lang yun. Wag masyadong malisyoso.

“Pare thank you! Ganito yung nawala kong baller id! Sinasabi ko na stalker ka talaga eh.” sinuot ko kaagad. Natuwa naman ako.

Nagsalumbaba siya and asked me “You liked it? For real?” then smiled

Ano ba namang tanong to! Kung hindi lang nakakabakla tignan titili ako eh.

“Of course! Ikaw ha bakit mo ako nireregaluhan?! NIliligawan mo ba ako?” I jokingly said

As expected inirapan niya ko. Para akong bata na hindi mapakali simula nung suotin ko yung baller id.  It made me love her even more. It felt really good. The least thing I expect from her. Actually wala naman ako talagang ine-expect.

Masaya lang ako talaga. Niregaluhan niya ako kahit wala namang dahilan! Hindi ko naman birthday. Hindi pa naman namin graduation.

Tumayo ako and tumabi sa upuan niya. She looked at me and I looked at her too.

“Hey.. really. I loved it. Thank you.” Hindi ko mapigilang ngumiti. Masarap talaga siya sa pakiramdam. Nginitian lang din nya ko.

“Excuse me, notebooks niyo sa Physics pinadidistribute ni Sir Valmonte.” Arvin said as he put our notebooks on our arm chairs. Madali naman pala siyang kausap eh. Good boy.

I took a quick glance kay Anne and no matter how hard she tries na itago nakikita kong gusto niya makausap si Arvin. Alam kong kating kati siya kausapin si Arvin. Pero para saan pa?

“Pare sabay tayo mag-lunch mamaya. Treat kita” yaya ko sa kanya

“Uh.. sige ba. Tayong dalawa lang?” she asked

“Ok lang ba?” I have to ask kung ok lang sa kanya mamaya patayin na lang ako nito at ako ang sigawan na niya ng sigawan.

“Sure sige.. treat mo ha?” she just smiled and looked at our notebooks

“Hey, you really are a good tutor. I got another perfect score.” she looked at me and again smiled

“Ganun talaga wala na tayong magagawa dyan.” I finished.

Naisip ko nga kung ngayon ko na kaya siya kausapin? Sabihin ko sa kanya ng diretso na gusto ko siya. Since dalawa lang kaming magla-lunch ngayon. Siguro magandang timing na ‘to.

Sana ito na ‘to.

-----

Lunch time na.

“Pare anong gusto mong pagkain diyan?” I asked while looking at the meals available for that day habang nasa pilahan kami.

“Hhhhmmm.. parang gusto ko yung chicken pastel nila ngayon. Ayos lang ba?” sus nahiya pa. Alam ko mahal yung pastel. Ang arte pa.

“Wag ka na kasing maarte… Please? Magtatanong ka pa treat ko nga. Mukha ba kong walang pambayad?” sagot ko

“Fine! Ikaw na maraming pera! Eh ikaw ano bang kakainin mo?” I really like the sound of our conversation now. Nakakagaan ng dibdib. Parang kami na wala lang title. Napangiti na lang ako and said “Pastel din ako.”

Wag Ka Na Kasing Maarte... Please?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon