Chapter 11 - Arvin's Sudden Change of Mind

686 31 5
                                    

Chapter 11 - Arvin’s Sudden Change of Mind

Pagpasok ko sa Mcdo, I saw her standing right in the middle habang hawak yung tray. Para siyang istatwa. Tinignan ko siya. Hindi nga niya ata napansin na nilapitan ko siya. Para siyang tanga talaga. Anong hinihintay nito dito prince charming niya?

Hindi niya nga ata talaga napansin na nasa tabi niya na ako. Tinignan ko yung direskyon kung saan para siyang nakatitig and I saw Martin and Macey. When I looked back at her, naiiyak siya. Alam ko kaaway niya si Macey maliban sa akin pero bakit siya iiyak diba?

Bumigat yung dibdib ko nung maisip ko yung pangalawang posibleng dahilan kung bakit. Gusto niya si Martin. Now it was very clear. She likes Martin. Pero paano? Kailan pa kaya? Hindi ko man lang ata nahalata? Not that I care but you know… Kahit mabigat sa dibdib ko, I felt the need to get those two out of her sight. Questions later.

Humarang ako sa harap niya dahil yung tray mabibitawan na niya! Kinuha ko na agad sa kanya and nilapag ko sa mesa malapit sa kinatatayuan niya. Para siyang taong biglang nawalan ng malay tao na nakatayo at tumitingin sa isang direksyon lang. So I grabbed her hand. Hinatak ko siya sa medyo sulok na nakatalikod sa mga taong nagdadaan para if ever mapadaan si Martin hindi nalang niya makita.

I have never seen her this sad ang speechless. Hindi siya nagsasalita at all unlike what she had been doing to me all these years. Walang sigaw. Hindi nakataas ang kilay. Hindi masama ang tingin. Hindi man niya ako kaibigan, I can feel na hindi niya gusto yung nakita niya; unang una na kasi ang hindi naman ako manhid kahit naging sobrang kupal ko sa kanya. Parang yung bigat na naramdaman niya nararamdaman ko din.

Hindi niya nga ginagalaw yung pagkain nya eh. Binuksan ko yung burger niya at tinry ko siya subuan. Nung una ayaw pa. nung pinilit ko kumagat naman. Hindi ko din alam kung bakit ko nasabi sa kanya na “Kahit magpakamatay ka sa gutom, hindi niyan mababago ano man yang nararamdaman mo. You need food para makapag-isip ng maayos.”

Wala naman akong pakelam sa kanya. Basta na lang lumabas sa bibig ko ‘yon. Napalunok pa nga ako baka sa McDo pa yun mag-sisigaw sa akin nakakahiya. Kinabahan ako ng konti baka dun niya kasi ako awayin hindi ko alam ang gagawin ko.

Nung susubuan ko siya ng burger, nakita ko si Martin pumunta sa counter. Hindi ko naman sinadya na ipakita sa kanya na sinusubuan ko ng burger si Anne. Nagkataon lang talaga. Pero since maligalig siya at paikot-ikot ang ulo niya, nakita kong napalingon siya sa part namin.

I can see it on my peripheral view. I moved my glance away from him para hindi siya mag-feeling. Para kunwari hindi ko siya nakita. Deep inside natuwa ako. For some reason na hindi ko rin maipaliwanag. Effortless. Tapos nakita pa niya na magkasama kame na hindi nagaaway. Sinusubuan ko pa nga eh!

He quickly turned away and I am assuming that he cancelled his order. I think tinawag niya si Macey. Hinahatak niya at nagmamadali lumabas. I can even hear Macey talking na puno ang bibig at may sauce pa ng spaghetti yung bibig! Lumabas siya ng hindi man lang kami tinitignan.

Napangiti ako ng konti. That’s my boy. Ilang minuto nalang magba-basketball practice na rin pala kami. Maubos na nga ‘to. Ang drama naman ng foodtrip na ‘to.

Hindi rin ako makapagsalita. Kagat lang ako ng kagat sa burger ko ‘til mapatingin ako sa kanya. Bakit ako tinitignan ng babaeng to? Nakaka-conscious ah! I asked kung bakit nya ko tinitignan and I never expected such a response. She smiled and said “Thank You.”

I don’t understand. For what?  

-----

I was surprised that she obliged with my invitation na bumalik muna ng school pero ang hindi nakakatuwa, I cant find her anywhere! I called Iza after the practice and she said they were in the library but Anne wasn’t there with them.

Wag Ka Na Kasing Maarte... Please?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon