Chapter 42 - Hello and Goodbye

739 23 6
                                    

Chapter 42 - Hello and Goodbye

Arvin’s POV             

Hindi naman talaga masakit ang tiyan ko at hindi ako talaga natatae. Ginawa ko lang na dahilan ‘yon. Nagsasayawan na silang lahat. And itong babaeng katabi ko kanina lang alam ko gusto makausap si Martin. Nagpaalam pa nga siya eh. Na-aawkwardan ako kaya sabi ko kunware lalabas na yung jebs ko. Kunwari pumunta ako ng CR pero nasa likod lang ako nung harang sa may table namin.

Dun lang ako nakatayo at nakita ko ang lahat. I made sure na nasa gitna na sila bago ako bumalik sa upuan namin. Tinignan ko mula nung niyaya niyang sumayaw si Martin na mukhang nagkaroon pa sila ng sagutan ni Macey hanggang sa tuluyang nag-sayaw na sila.

Since nakita ko ang lahat, nagkaron na ako ng pakiramdam na may iba kay Martin. Hindi ko ma-pin point pero naninibago ako sa mga inaarte niya.

Tinitignan ko lang silang dalawa when suddenly i felt Allen tapped my back and said “Pare bilib ako talaga sayo.”

“Bilib sa? Best dressed award?” patay-malisya kong sagot

“UIul. Best-dressed mo mukha mo. Basta ang tibay mo pare.” Allen answered

Hindi ko siya nilingon pero umupo siya sa tabi ko. After just a few minutes ng pag-uusap nila, I saw what happened. Kung paano niya hawakan si Anne at kung papano niya iniwan sa gitna ng dance floor or whatever. Tumayo ako bigla and went to where she is.

Dali dali akong naglakad papunta sa kanya. I grabbed her hand and waist to dance with her.

Nagalit ako. Nangigil ako at naiinis dahil hindi ko ginagawang magparaya ng ganun lang para pagmukaing tanga ‘tong babaeng gustong gusto ko.

Nung nakita niya ako, she even tried to joke pero binara ko siya and instead offered to take her home. Hindi na siya talaga mukhang okay. Sa sobrang inis ko, kung papalag siya sa akin, iniisip ko na siyang bitbitin kahit puro sapak ang aabutin ko sa kanya.

Ayoko na harapin si Martin kasi once and for all, I have this lady infront of me na alam kong pinipigilan lang na umiyak. Siya ang concern ko at hindi ang pu***inang Martin na ‘yon. Nakakainis talaga!

Kahit kay Anne naiinis ako. Ayaw pa kasing umuwi. When she said may kailangan pa siyang gawin pucha hindi ko alam anong trip nitong babaeng ‘to. Gusto ko na siya buhatin palabas ng hotel.

Pero nung kinuha niya yung maliit na bag niya, I was a bit surprised to see the Pepsi keychains. I suddenly remembered na yun dapat ang ibibigay ko sa kanya noon. Hindi ko na siya pinigilan and I just patiently waited.

After a few minutes, nakita ko na siyang pabalik at mabilis ang lakad. She grabbed her purse and hinila ako. Nung palabas kami ng hotel, nakikita ko yung emotionless na mukha niya pero konti na lang may luha ng babagsak sa mata niya. I get it. Ayaw niya na may ibang makakita sa kanya na ganito siya.

Binilisan ko rin ang lakad ko and covered her as much as I can para wala ng iba pang makakita. Now, tumatakbo na kami. I mean nauna siya tumakbo and I am just following her. Buti walang sasakyan baka masagasaan siya kasi wala siya sa sarili.

I opened the car. Pumasok siya at umupo. Tumakbo ako sa driver’s seat without even looking at her, parang natataranta ako na tawagan ang driver when I suddenly heard na parang she is already sniffing.

Shit. Ayan na. Ayoko siyang tignan pero pucha pwede ba ‘yun?

Pagtingin ko sa kanya, nakita kong iyak na siya ng iyak. Tears are flowing like waterfalls on her cheeks. Wala akong masabi.  Hindi ko alam ang gagawin ko so hinayaan ko lang siyang umiyak ng umiyak. I know how it feels. I wanted her to feel na at least there is someone na andito lang para sa kanya.

Wag Ka Na Kasing Maarte... Please?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon