Chapter 31 - Misunderstood
Arvin’s POV
Nagmadali akong tawagin si Ina at si Iza. All of a sudden, pagbalik ko ng clinic, meron akong hindi inaasahang taong makakasalubong. Muntik na nga matamaan ng pintuan ang mukha ko. I saw Martin and he is angrily staring at me.
Sabi ko na nga ba bading ‘to. Tinitignan niya ako na parang poging pogi siya sa akin. Yung tingin niya na alam mong inggit na inggit siya sa sobrang kagwapuhan ko. De joke lang. Nung nakita ko siya nagulat ako. Seryoso ‘yon. Nagulat ako talaga.
Sa ilang Segundo na nagtitigan kame, ramdam ko ang inis niya at yung mata niya para akong tinatanong ng ‘bakit’ although he gave me a blank expression.
Kinabahan ako. Ito na yung araw na pirmi kong tinatanong sa sarili ko. Na papaano na ako kapag bumalik ‘tong baklang ‘to, na ano na ang mangyayari sa amin ni Anne kapag bumalik ‘tong hinayupak na ‘to. Although matagal ko nang tinanggap na hanggang ganito lang kami ni Anne, magkaibigan, eh alam ko sa sarili ko na kahit maging kaibigan lang ako ni Anne eh hindi niya hahayaan.
Kahit si Iza at si Ina nagulat din. Hindi ko man sila tignan pero this is not the usual ‘them’ ‘pag kausap nila ‘tong taong ‘to bago pa man siya biglaang umalis.
Umalis na lang bigla si Martin and naiwan kaming tatlo dun ng nakatayo.
Pumasok ako sa clinic and yung sigaw ni Anne kanina sa sakit parang biglang nawala. Yung mukha niya kita mong nasasaktan pa rin pero hindi na siya sumisigaw. Ni hindi niya nga ata napansin na dumating kami. Nakatulala lang siya, nakatingin sa kawalan.
“Iza, kunin mo na muna ‘tong bag ni Anne. Kayo na lang muna ang magbantay sa kanya. Maya maya din naman dadating na dito si Sir Jojo.” I said handing them Anne’s bag.
“Oh bakit? Saan ka naman pupunta? For sure hahanapin ka ni Anne sa amin.” Iza said
“Babalik lang ako sandali sa gym I remembered tinawag ako ni coach kanina baka may huddle.” It was a total lie.
Iza gave this ‘Naintindihan ko’ look and grabbed the bag. I quickly turned away na hindi ko alam kung saan ako pupunta. Wala naman kasi talagang huddle. Hindi ako dapat ganito. Kasi tinanggap ko na sa sarili ko na si Martin talaga ang gusto ni Anne and andito lang ako kapag kailangan niya ako.
Pinangako ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat ng pwede at kaya kong gawin maging masaya lang siya. Even if that means kailangan ko masaktan. Eto nanaman ako. Nakakaramdam nanaman ng awa sa sarili. Naalala ko nanaman yung mga sinabi sakin ni Martin na wala akong panama sa kanya dahil siya ang gusto ni Anne.
Kung tutuusin hindi ko na dapat pa tong iniinda eh. Hindi ko na ‘to dapat iniisip pa. Ginawa ko na ring dasal na ‘magkaibigan lang kami’ sa araw araw na nakikita ko siya. I hate this feeling. Uulitin ko, ang hirap magpanggap. Ang hirap i-set sa isip na magkaibigan lang kami at hindi ko kailangan pang makaramdam ng ganito dahil sa tuwing kasama ko siya, sobrang ipokrito ko kung sasabihin kong hindi siya ang nagpapasaya sa akin at kumukumpleto ng bawat araw ko.
Alam ko din na nung magkita sila sa clinic, they both know that they have something to talk about. Something na wala na ako dapat pakialam kasi magkaibigan lang kami and dapat suportahan ko pa siya. Kasi alam ko hanggang dun lang ang kaya niyang ibigay at hindi ko mababago ‘yon.
Pero sa kabilang banda, punyeta nagagalit ako. Umalis siya ng ganun lang ng hindi man lang nagsasabi dun sa tao. Tapos ngayon babalik siya na parang wala lang? Parang kunware nagbakasyon siya at naiwan niya ang cellphone niya sa kung saang impyerno man siya andun? Tapos ano? Yung pinuntahan niyang lugar walang signal at internet? Good grief Martin.
BINABASA MO ANG
Wag Ka Na Kasing Maarte... Please?
Fiksi Remaja(Completed) Papano mo sasabihin sa taong gusto mo na mahal mo siya? Papano mo sasabihin sa taong mahal ka na hindi mo siya mahal? Anong gagawin mo kung you are in the middle ng taong mahal mo at nung taong nagmamahal sayo? At ano ang iisipin mo at m...