Chapter 6 - The 2nd POV of the boys

921 35 6
                                    

Chapter 6 – The 2nd POV of the Boys

Arvin’s POV

I found out that her favorite soda is Pepsi. Nakikita ko kasi na madalas yun ang hawak niyang soda. Now, ito Pepsi in can. Mas magandang inuman hindi naka-straw, mas astig sa kagaya nya. Naalala ko yung OIL na yun nung makita ko yun sa fridge. Kinuha ko, binalutan ko ng tissue at nilagay sa bag ko.

Dumating si Mang Noli and andun si Anne sa usual na upuan nya. Sa harap. Yung upuan na hindi niya maiwanan kahit saglit dahil siguradong aagawin ko. Nung una tinatawag ko siya. Aba hindi ako pinansin ng langis na yon! So nilakasan ko.

“Hoy OIL ano ba bingi ka ba? Tinatawag kita.” and I guess I caught her attention.

I was really excited to hand her over the Pepsi and just tossed it. And--

SHIT! SHIT! SHIT! SHIT! SHIT! Sobrang shit!!! Natamaan ko yung mata ni Anne! Natamaan ko and she is screaming in pain!!

“SSSHHHEEEETTTT!!! AAHHHHHHH!!!!!!!!!” she screamed in pain.

Damn hindi ko alam ang gagawin ko!! Mang Noli stopped the bus and I just heard this words from him:

“Pag hindi mo maidilat ng maayos sasabihin mo ha para maidaaan kita sa ospital tutal eh maaga pa naman”.

Gusto ko ng himatayin! It is unintentional! Hindi ko na matiis! Hinila ko si Anne and dali daling binuhat sa bandang gitna ng bus. I don’t know how it happened. Pero basta binuhat ko sya. She doesn’t seem to care anyway. Tapos nakita ko yung mukha nya. Namumutla sya at sobrang pula nung mata na tinamaan nung Pepsi na hinagis ko!

I just managed to say “Manong, pakidaan nalang po kami sa ospital na madadaanan natin ibaba nyo napo kami ako na ho ang bahala sa kanya patitignan ko lang ho.”

Bahala na. Shit kasalanan ko ‘to. Pero kahit ilibing nya ‘ko ng buhay ngayon din, okay lang basta wag lang may mangyayaring masama sa kanya! Hindi pwede! Hindi pwede! Para akong naiiyak?! Malamang! Pag may nangyari dito yaring yari ako!

Yari ako sa mama ko at lalong yari ako sa lola nito!

Pero ang korni! Hinde! Yung lang iiyak ako? Ano ako bakla?! Tumingin ako sa malayo para hindi tumulo yung namumuong luha sa mata ko. Ang baduy neto hindi ako iiyak pero shit kinakabahan ako for her. Kung kailangan ko ipalit ang mata ko ibibigay ko sa kanya. This is my fault.

Lalong parang gusto kong mamatay nalang sa kaba when I heard the doctor asked her if she can see just fine with her left eye at ang sagot nya is “Hindi po doc, medyo malabo po”.

Sumilip ako and I can see her fear. Alam ko ayaw niya mabulag. Aba sino ba may gusto?

Habang andun sya sa loob, the nurse asked me kung kaano ano ko ang patient. I said “friend”. Parang nangiti yung nurse. Tinignan nya ko tapos ngumiti feeling ginugudtym ko. Pero papansinin ko pa ba ‘to ngayon? Kapag ito nag-umpisang magsumbong sa adviser namin katapusan ko na. Babuy na ang grade ko sa Conduct. Patay talaga ako!

Inumpisahan na akong tanungin ng nurse. As far as I am concerned alam ko wala siyang allergies sa gamot. Kasi nung nagaaway kami dati naalala ko sabi nya saken “Kung gamot ka lang siguro sa’yo lang ako magiging allergic! Kahit mamamatay na’ko hinding hindi kita iinumin!”.

So dahil sa flashback na ‘yun, mukhang tama naman yung sinagot ko sa nurse na wala siyang allergies. Kasi parang tinanong din ng doctor si Anne. Nakatulong din pala yung pagsasagutan namin noon.

After a few minutes sumilip ako ulet and nakita ko nakatulog siya. And malinis na yung sugat niya. Sabi ng doctor let her sleep in a bit. No problem.

Wag Ka Na Kasing Maarte... Please?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon