Chapter 19 - Josh kasi eh!

594 25 7
                                    

Chapter 19 - Josh kasi eh!

“Oy pogi kamusta ka na?” nakahiga si Josh pero naka mp3

Tinanggal ko yung earphones sa kanya tapos inulit ko yung bati ko sa kanya

“Kuya? Kuyaaaa! Napadaan ka? Akala ko sa weekend ka pa dadaan?” tinanong nya ko habang inalalayan ko siya tumayo.

Pinakilala ko na si Anne kasi baka may masabi na kung ano hindi pa man naguumpisa pahiya na ko.

“Well surprise! And I got company.. Anne this is Josh my brother and Josh this is Anne my…”

“Ah yeah ate Anne! I heard so much about you!” ang laki ng ngiti ni Josh nahihiya na ako, ayoko na, uuwi nako. Nahihiya nako talaga nararamdaman ko namumula nako. Hindi ko matignan si Anne.

Alam kasi ni Josh lahat ng tungkol kay Anne. Siya lang naman ang madalas kong kwentuhan tungkol sa kanya eh. Baka bigla akong ilaglag nito.

“Hi Josh! Kamusta ka na?” Anne greeted him with a smile

“Well now that you and kuya are here, I am the happiest boy in the world!....” nakangiti parin si Josh.

“Inaasar ka parin ba ng kuya ko? sabihin mo lang sakin gugulpihin ko yan!” Josh finished

“Josh kumain ka na ba?” hindi niya ako pinansin. Parang hindi niya nga ako narinig eh. Si Anne ang kinakausap niya. Walangya ;to ah. Yuhoo! Andito ako!

Pinabayaan ko na muna sila magkwentuhan. Nakakatuwa silang tignan. Kung magkwentuhan parang ako yung bisita at si Anne yung ate. Walanghiya makakain na nga muna ng.. ano ba meron dito? Uy donuts sarap makakain nga muna.

“Ate pag niligawan ka ba ng kuya ko sasagutin mo siya?” lulunukin ko na dapat yung donut kaso nahirinan ako sa narinig ko. Nagulat ako sa tanong ni Josh. Aray ko, sumakit ang lalamunan ko. Kakatayin na kita ngayon din! Kung anu ano na lumalabas sa bibig kapag nae-excite. Shet tubiiigg!

“Hey Martin are you okay?” biglang tanong ni Anne

Hindi ko sinagot yung tanong niya. Hindi ba obvious na masama ang pagkakahirin ko? “Hoy Josh ikaw tantanan mo nga yung kakatanong mo ng ganyan ha. Sabihin pa ni ate Anne mo ang kulit kulit mo.” Sabay inom ulit ng tubig

“Actually it’s the other way around Martin, your brother seems like he really knows a lot about you. Proud na proud nga siya sa’yo eh.” Pagbubuhulin ko kayong dalawa eh. Binelat lang ako ni Josh at sabi wag daw ako sumabat sa usapan nila. Sorry nakaistorbo pala ako.

After two hours..

“Josh, I am sorry to cut you guys off but we have to go home na its late na rin, ihahatid ko pa si Ate Anne mo.” I said while kissing his forehead

Ngumiti lang ng pagkalaki laki si Josh and said, “Sige kuya ingatan mo si Ate Anne ha? And ate Anne dalaw ka ulet pag may time ka ulet. Ang sarap mo kakwentuhan.”

“Sure Josh! Dalawin kita ulet sa susunod.” Anne answered.

“Oh sige na, see you this weekend ha! Magpagaling ka.” I finally said good bye

“Bye kuya! Bye ate Pepsi!” nanlaki ang mata ko hindi ko na hinayaang lumingon si Anne, hinatak ko na siya palabas ng kwarto ni Josh. Siraulo talagang bata yon. Parang najejebs ako tuloy. Langya uunahan pa akong magsabi.

“Halika na Anne hatid na kita,” tinitignan lang ako ni Anne na malaki ang ngiti. Muntanga. Parang gago. Naobvious ata ako.

------

Isang linggo na rin ang nakaraan since nung huli kaming dumalaw kay Josh at mabilis na-fast forward ang mga araw. Sa sobrang bilis, bigla kaming nagmamadali mag-prepare sa play.

Wag Ka Na Kasing Maarte... Please?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon