Chapter 35 - Getting There
Anne’s POV
Days passed just like that and finally natapos na ang final exams. And I was soo soooo happy that I made it! I got 94 percent in Physics and I got a 98 in History! Mga subjects na nagpapahirap sa buhay ko! It all paid off! All those nights of cramming, reviewing and all.
Thanks to Arvin and his gang and my girls. Seryoso silang study buddies and we all made it! Akala ko ako lang talaga ang boba sa grupo namen hindi naman pala haha! Hindi din pala totoo na wala kaming matatapos kung kami ang mga naging study buddies kasi mas madali namin natatapos ang lahat kapag kami ang magkakasama.
We are a great team.
Pumasok si Ms. Ella with a smile and nagpost na malaking manila paper sa whiteboard.
List of batch 2014’s top ten
Automatically, nagtayuan lahat kami!
“Guys, hold on! Kayo talaga, hindi ko pa nga nakakabit eh! But I am sooo proud of you! Karamihan sa top ten are from my babies sa class ko!” Ms. Ella announced as she posted the manila paper sa whiteboard.
Hindi ako tumayo sa kinauupuan ko. Tinititigan ko yung listahan at umaasa ako na nakapasok man lang ako sa top 10.5 tapos alam niyo yun niround off na lang? Kahit sampu kaming share sa 10th slot keri na ‘yon! For the first time in forever naman sana makasama ako. Huling nakasama ako sa top ten kasi 2nd year pa kami at second quarter lang.
Nag-effort naman ako ng malala ‘no! Ang hirap mag-aral kaya nang walang tulog!
Then nung na post na yung manila paper, there was a moment of silence.
Kung curious kayo, ito ang list.
BATCH 2014’s TOP TEN
1 - Allen Marco Ceres
2- Ina Lorenz De Asis
3- Arvin Miguel Mirafuente / Jean Martin Zaragosa
4- Christopher Daniel Velayo
5- Iza Martina Prado
6- Reese Anne Pereira
7- Ian Laurence Mariano
8- Andrew Miguel Lee
9- Mark Michael Ramos
10 - Macey Jamila Vergara
Damn! Seryoso? Para akong kabayo na merong chapa sa mata. Wala akong pakialam sa mundo ngayon. Naririnig ko lang, maraming nagsisigawan. Titig na titig ako sa whiteboard. I covered my mouth dahil parang hindi ko parin maabsorb na nakasulat yung pangalan ko sa top ten.
6- Reese Anne Pereira
Inulit ulit kong basahin. Oo nga pangalan ko nga talaga! I got teary eyed habang titig na titig pa rin sa board. Nilapitan ako ni Ina and ni Arvin at naiyak ako ng sobra. Arvin bent down sa harap ko. Naglabas ng panyo at pinunasan yung mata ko and said while smiling “Sabi naman kasi sa’yo chill ka lang eh diba? You made it! At nasa pang anim ka! Naks Good job! Hindi ka talaga tanga!” he again laughed.
“Girl natutuwa ako super! Kasi it was like last week lang kinakabahan ka kasi lagi ka nag-woworry na babagsak ka sa Physics and look! You are at top six! Sobrang nakahabol ka!” Ina said na parang akala mo nanay ko at ang lakas ng yugyog niya sa akin. Yung konti na lang, ‘tong laki kong ‘to titilamsik na ako sa bintana.
BINABASA MO ANG
Wag Ka Na Kasing Maarte... Please?
Novela Juvenil(Completed) Papano mo sasabihin sa taong gusto mo na mahal mo siya? Papano mo sasabihin sa taong mahal ka na hindi mo siya mahal? Anong gagawin mo kung you are in the middle ng taong mahal mo at nung taong nagmamahal sayo? At ano ang iisipin mo at m...