Chapter 13 - The hate day? Heat day?

571 28 2
                                    

Chapter 13 - The hate day? Heat day?

“Hoy ikaw! Bakit hindi mo man lang ako tinext na nagaway kayo ni Macey ha?” galit na sabi ni Arvin

Hindi ko siya sinagot kasi bakit ko naman siya itetext? Tsaka importante pa ba ‘yon eh hindi naman kami close? Lunes na lunes inaartehan ako nitong dambuhalang ‘to porke muntik na kami mag.. ano… nung… basta!

“Hoy tinatanong kita kaya sumagot ka!” sinisigawan ba niya ko o naalimpungatan lang ako?

“Ano ba Arvin ang aga aga eh! Bakit ba kita itetext kachikahan ba kita? Tsaka ok lang yun wala naman kasi nasaktan. Si Ina tsaka si Macey ang nagsagutan pumigil lang ako!” bakit ba kelangan ko magexplain hindi ko naman boyfriend ‘to ?

“Ikaw ang pumigil o si Martin?” his voice became serious. Parang napalunok ako ng konti kasi para niya kong sinasabihan na ‘wag kang magsisinungaling’.

“Ako talaga sasalo ng sampal ni Macey hinarangan lang ako ni Martin kasi pag may sinaktan na iba si Macey baka magkasanction ‘yon. Edi syempre diba girlfriend nya yon. Malamang gigitna ‘yon. Istorbo ka natutulog yung tao eh. Aga aga ang ingay ingay mo.” I can hear my brain cells shouting ‘SINUNGALING! SINUNGALING!’ Well wala pa naman akong proof kung sila nga talagang dalawa. Inassume ko nalang.

Tumingin siya sakin at mukhang nakumbinsi ko naman siya. “Whatever. Eh si Ina tsaka si Iza kamusta naman? Gago yung babaeng yun ah. Kung babae man siya talaga.”

“Oo ok naman sila. Tinulungan naman siya ni Allen. Siya pa nga nagbayad ng bagong set ng uniform ni Ina. Mamaya ka na nga natutulog yung tao eh.”

“Masama bang magtanong? Sige matulog ka na diyan baka maging utang na loob ko pa na nakipagusap ka saken.” Masungit niyang sinabi sabay taliod sakin. Napangiti siya nung binanggit ko si Allen and Ina. Hmmm… Could it be? Meron ba akong hindi nakikita? Napangiti din ako tuloy.

Pero infairness namiss ko tong gagong ‘to ah.

------

“Shit what the hell is this?! Bakit basa ang bag ko ng… Royal ba this?! Who the hell poured this on my bag! Damn all of you!”

Macey was shouting on top of her lungs nung pagkapasok ko ng classroom.

“You! You bitch!” teka nag cr lang ako bitch ako kagad? Ano ba nangyayare? Lumingon lingon pa ako sa likod ko kasi akala ko may ibang kaaway nanaman siya.

“I am talking to you stupid ugly girl!”

Tinuro ko sarili ko and said. “Huh? Inaano kita? Nag cr lang ako ah? Kakapasok ko nga lang eh diba?”

“You and that stinking Ina poured Royal on my bag! Don’t you know kung magkano this?! Galing pa ‘to ng England! Palibhasa sanay ka sa Jansport! This is freaking Prada!” Macey shouted

Pakelam ko naman kung Prada ‘yon! Tsaka bakit? What is wrong with Jansport?

“Alam mo Macey, if you can’t find anyone to blame sa pagkakatapon ng Royal with that stinking bag of yours, itapon mo nalang. Napaka-attention seeker mo talaga. Pakelam ko naman sa bag mo!” sinagot ko siya. Ang yabang eh.

Our classmates said in chorus, “Oooohhhhhh..”

Papunta na sana ako sa upuan ko. Pero nakita kong ihahagis niya sakin yung bag niyang dripping wet. Pagkabato niya, lumitaw at sinalo ni Arvin with his one hand ang basang bag bago tuluyang mag-landing saken. Yung isang kamay niya may hawak na Royal na nasa plastic cup.

Nagulat si Macey and parang nauutal when she said: “Oh Arvin I-I’im sorry I-I didn’t mean na ikaw ang tamaan…”

Bigla siyang tumakbo kay Arvin and held his arm and said na may paglalandi,  “Arvin that girl is just constantly bullying me. Make tanggol naman to me.” with matching batting of eyelashes.

Wag Ka Na Kasing Maarte... Please?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon