Chapter 18 - Birthday ko ba?

639 24 7
                                    

Chapter 18 - Birthday ko ba?

Sa hindi malamang dahilan, wala yung teacher namin sa last subject na yun. Sabi ni Martin gawin nalang namin yung assignment sa Physics para mamaya diretso uwi nalang kami pagkatapos ng rehearsals. Haggardo Versoza na kami mamaya baka wala na makain na info utak ko. maliit lang storage nito para sa Physics.

Surprisingly, mukha nga siyang madali. Tatlong problem yun natapos ni Martin in 15minutes. Siguro kung ako lang ang mag-isang magaaral nito, tatagal ng isang linggo para lang ma-gets. I am so impressed. Tama yung napili kong study buddy.

“Oh nagets mo na?” Martin asked pointing the pen on the second problem.

“Oo medyo nagets ko na. Try ko gawin yung number three tignan mo kung tama na ha?” I grabbed the pen

Huminga ako ng malalim at nag-umpisang mag-solve at mag-compute. This time totoong nagcocompute ako ha!

“What do you think? Tama ba?” I said as I showed my notebook kay Martin na ngingiwi ngiwi dahil baka kasunod nun is tatawanan na niya ako or kakaltukan ako ng hawak niyang ballpen.

“Oh yan na, gets mo naman na pala eh. Madali lang diba? Gusto mo lang ako maka-buddy kunwari ka pa eh. Gets mo naman eh.” he joked as he checked my answers

“Oo madali lang naman pala, pero huy turu turuan mo parin ako ha may short term memory loss ako pero ‘wag ka naman masyadong feelingero!” baka kasi sa assignment lang na yun niya ako tuturuan tapos hindi na. mababaliw ako!

“Sus yun lang pala eh. Kaw pa ang lakas lakas mo saken. Teka meron akong ibibgay sayo since nakuha mo siya kagad!” he said as he grabbed the pockets of his backpack. Uy tuwing makakatama ako ng sagot may libreng candy ako!

“Oh ito.. itago mo yan ha! Wag na wag mo ipapamigay yan kundi gugulpihin kita!” inabot niya sakin yung kumakaluskos na something eh. SInilip ko yung loob ng maliit na plastic at… Wow keychains! Yung Pepsi collectors item keychains! Shet!

“WWWWWOOOOOOWWWWW!” para akong tanga kulang nalang halikan ko ng lips to lips yung keychains. I was wishing makakuha ako ng ganito dahil hindi to available dito! Wow! Sobrang wow!

“Nagustuhan mo? Pag sinabi mong hinde ngayon din tatapon ko ‘yan!” Martin said

“Woi tapon agad? Hindi ba pwedeng hintayin mo munang sabihin kong gusto ko to?” nilayo ko sa kanya yung keychains baka kasi itapon nga. Sayang naman! Sayang na sayang!

Inakbayan nanaman niya ko biglang sabi. “Pare wag mo ibibigay kahit kanino yan ha. Pag nalaman ko papatayin kita.” Kahit takutin mo ko ng takutin akin lang to. Possessive ako eh!

Nilagay ko na sa bag ko. Dun sa pinakailalim para sureball na hindi mahulog! Pero nung buksan ko yung bag ko nakita ko yung stuff toy na maliit na bigay ni Arvin. Napaisip ako kung kelan ang birthday ko. Kasi binigyan nila ako ng regalo.

Pinagdudahan ako ang sarili kong birthday. Kasi kung birthday ko, howcome yung dalawang bruha kong kaibigan, ni hindi man lang ako binati.

Hindi naman eh. Matagal pa birthday ko… Pero deep inside, sobra akong kinilig.

Arvin’s POV

I was skeptical to give her that stuffed toy. Kasi keychains dapat yung ibibigay ko sa kanya eh. Kaso wala na daw talaga. So nung nag-mall ako kahit parang nagtatampo ako sa kanya na ewan eh binili ko na siya kagad nung nakita ko.

Siya ang unang taong pumasok sa isip ko. Mukhang binarang ako talaga ng oil na yun. Palagi ko nalang siya naiisip. Masisiraan nako yata talaga ng ulo.

Wag Ka Na Kasing Maarte... Please?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon