Chapter 2 - This.. Isnt. It?

1.7K 33 16
                                    

Chapter 2 – This Isn’t It

“Bruha!” bati ni Ina habang papalapit ako ni Iza sa kanila

Inakap ko sila sabay sabi, “Maka bruha naman proud na proud! Kamusta na kayo?! Sobrang namiss ko kayo ah!” sabay beso sa kanila. Akala mo naman hindi kami nagkita ng ilang beses nung summer.

Napatalon pa si Ina when she said “Oh I am sooo excited! Classmates tayo ngayon! Kaso si Iza sa kabilang section nga lang. So, magsawa ka sa mukha ko!” at biglang nagpout at puppy eyes na parang sakin nagmamakaawa na ilipat sa section namin si Iza.

When I brushed my hair off my face they both said “Wooowwww. Overhaul!”

Ngumiti lang ako. Nahihiya ako. Naninibago siguro sila kasi malaki laki ang nabawas na langis sa pagmumukha ko at nawala ang pimples ko.

“Sooo… Hiyang ka pala sa summer! Ganda na nang balat mo ah! Hindi mo pinaghandaan ang school year na ‘to no? Halatang hindi ka prepared!” Iza teased

As I fixed the strap of my backpack, I answered “Bawal ba mangarap na mabawasan ang malangis na fez? Kayo naman maliit na bagay eh!” at nagtawanan na lang kami.

“Ah basta ang blooming blooming mo ngayon. Wag ka na sumagot basta blooming ka baka bawiin ko pa ang sinabi ko masaktan ko lang damdamin mo!” Iza laughed as she finished her sentence

Since tinakot niya ‘ko na babawiin ang koronang lately ko lang nakuha bilang isang “Now Oil-Free” Girl, iniba ko na ang topic.

“Pero teka. No way. Anu ba naman yun, kung kelang last year na naten sa highschool. Bakit ngayon pa tayo naghiwa-hiwalay?” sinabi ko nalang yon para wala ng follow up questions.

“Kasi yung mga tunay na magaganda dapat hindi daw tinatabi sa inyo.” sabi ni Iza habang tumatawa na may matching slightly patalon talon pa at palakpak. Yan si Iza, siya ang baby namin kahit siya ang pinakamatanda sa amin. Buwan lang naman ang tinanda niya pero basta siya ang pinakamatanda sa amin!

Yung kakulitan niya ang nagbibigay nang madalas na positive vibes sa amin. It comes handy lalo na kapag maiinit ang ulo namin. She never fails. Matatawa at matatawa ka sa kanya.

At nagumpisa na ang signature hampas ni Ina na naging bwena mano sa braso ni Iza “Bwisit ka! At least mas may boobs ako sayo!” sabi ni Ina while pulling Iza’s hair. Ang payat payat kala mo kung sinong malaki ang katawan. Yan naman si Ina. Ang totoong pinakabata pero parang pinanganak noong 60’s.

She is full of wisdom. Siya yung neutralizer namin. Pero pag napikon, kahit payat, kaya mambali ng buto.

Ayan na nagtalo na kung sino ang mas may malaking boobs ako na ang susunod nito. Pinapanood ko lang sila mag-away kapag boobs na ang usapan. Pinagtatalunan nila ‘yon pero pareho naman silang wala nun. Hahahaha! Ssshhh. ‘Wag maingay please? Hihihi!

Lagi nalang silang nagtatalo kung sino ang may mas malaking boobs sa kanila which is aminado naman sila pareho na gamunggo lang daw yung sa kanila. I love these two. Kasi pagkatapos nila magaway sa boobs ako na ang aawayin nila kasi kapag about boobs, hindi ako nagcocomment.

“Leche ka oo na ikaw na malaki ang boobs bwisit ka!” Iza and Ina shouted that in chorus. Partida na ‘yan, hindi na nga ako kumibo. Pinanood ko na lang sila magtalo.

Nakakahiya ‘tong mga walangyang ‘to kung makasigaw. Yung mga katabi namin sa line sa gym tinignan ako. Buti sana kung ako talaga ang tinignan eh yung “ano” ko yung tinignan eh. Tumalikod nalang ako. Sabi sa inyo ako na ang susunod eh.

We just laughed and when I turned around and saw our adviser, natuwa ako ng malala! “Oh dear Lord thank you!! Gusto ko talaga maging adviser si Ms. Ella. Finally!” The kindest and the best adviser in Maria Monte. Oh how everyone wants her to be the adviser!

Wag Ka Na Kasing Maarte... Please?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon