Chapter 7 - Linawin mo nga!

857 32 5
                                    

Chapter 7 - Linawin mo nga!

“Ano yan Anne? Ano yan?!” hala yung lola ko pinandidilatan nanaman ako ng mata.

“Nadulas kasi ako kanina lola kaya nagkasugat ako” sinabi ko habang hawak yung sugat ko baka biglang hatawin ng hanger ng lola ko magmumukha nako lalong panda!

“Nadulas kamo? Eh tatanga tanga ka naman anlaki mong babae ang lampa lampa mo” nakapamewang pa ang lola ko habang hawak yung abaniko nya “Hala sige umakyat ka na at papalitan ko na yung gasa nyang sugat mo at nang makakain ka na baka sabihin naman ng mommy mo nangangayayat ka dito sa akin baka kunin ka nila, sigurado kang hindi ka napaaway ha!”

“Hindi lola nadulas lang talaga ako”. Hindi po ako napaaway lola nabato lang ako ng Pepsi in can nung kaschool bus kong walang kasing demonyo. Sabi ko na nga ba sasabihan nanaman ako neto ng tanga. Parang feeling ko yung kaluluwa ni Arvin sumunod sa bahay.

Pagakyat ko napangiti ako. Naupo ako sa kama, binuksan ang aircon. Ang sweet naman ng lola ko. Marami mang hanger ang naubos nya sa akin at madalas man nya kong pagalitan dahil sa katangahan ko nalulungkot siya pag naiisip na kukunin ako ng mommy. Lalo tuloy ako nahirapang magdecide. Antagal ko na silang hindi nakakasama . Mommy at daddy pati yung kapatid ko, si Rina. Sinabi nila sakin na after highschool sa Japan nako magaaral. Gusto ko yon. Gusting gusto. Aba sino ba naming hinde? Hindi man kami mahirap hindi rin naman kami talagang mayaman. Sabi ko nga, sakto lang. Kaya kung magaaral ako dun mas makakapaghanap ako ng magandang trabaho.

Kaya nga lang yung lola ko kasama nalang yung maliliit nyang apo na hindi pa nakakapagsalita at wala na sya katulong ditto sa bahay.May mga katulong naman kami pero ako yung madalas na gusto nya kasama magluto lalo na kapag magbe-bake ng spaghetti. Ultimo kasi hiwa ng mga rekado dapat pantay kulang nalang lagyan ng ruler habang hinihiwa ngunguyain at ijejebs lang dn naman. Ay nako yun ang pinakamasarap na spaghetti na natikman ko. Isa yun sa mga mamimiss ko if ever matuloy ako.

Ang hirap din kasi magisip eh. Gusto ko magaral dun pero mahal na mahal ko ang lola ko. Gusto ko makapagtapos sa Japan kasi para pagbalik ko at nakapagtrabaho nako maparanas ko sa lola ko magbuhay donya. All her life inalagaan nya ko. Mas close pa nga ako sa lola ko kesa sa mommy ko. At siya lang ang aking ultimate na tagapagtanggol. Siya lang ang pwedeng humambalos saken.

Naalala ko nung minsan na nasabunutan ako ng mommy nung maliit pako kasi yung mga film sa camera nya pinaghahatak ko, mga anim siguro yun na pang 36 shots,  sinabunutan din ng lola at sabi ibibili nalang daw nya ng bagong films ang mommy at hindi nya nako kelangan pa sabunutan. Nakakatawa lang kasi actually ang sutil ko rin noon. Nung lumaki nako saka ko lang naintindihan na ang mamahal pala nun noong araw pinaghahatak ko lang at parang naisipan ko pa ata na gagawin kong jumping rope kasi nakyutan ako papano malapad.

Nung nawala ang lolo ko, pakiramdam ko naman nawalan ako ng human diary. Namatay ang lolo ko nung 2nd year highschool ako. Halos parang kelan lang.  Lolo knows na crush ko si Martin. And how I hated Arvin kasi he’s been really mean eversince. Lolo ko ang dahilan kung bakit ako nakikipagaway sa lalake eh. Sabi ng lolo saken pag may ginawa daw si Arvin na hindi maganda gumanti ako. Pero pag bunganga lang dapat mas magaling ako.

And yung kay Martin sabi ng lolo gusto nya ma-meet. Nakita nya once nung minsang may kuhaan ng report card sa school. Binulungan nya ko pogi daw kaso mukhang tingting. Haha! Hinanap din nya si Arvin. Sabi ng lolo sakin, mabuti nalang daw may taste ako. He will vote for Martin daw. Lolo kung nakikita mo lang sila ngayon. Hindi naman ako kinukunsinte ng lolo ko. sabi lang nya saken bawal ang boyfriend hanggang sa makatapos ng college. Gusto ko umapila na baka sa college pwede na. Haha!

Hay lolo miss na miss na kita. Hindi naman kasi ako makapagkwento sa lola. Pakiramdam ko lagi siyang takot na mawawala ako anytime. Its only been two years nung mawala ang lolo. Tapos ngayon gagraduate nako malaki ang possibility na maiwan ko ang lola kasi sa Japan ako magaaral.

Wag Ka Na Kasing Maarte... Please?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon