Chapter 28 - For Better or for Worse?

591 26 2
                                    

Chapter 28 - For better or for worse?

Arvin’s POV

Since that day na nagkausap kami ni Anne, gumaan ng konti yung pakiramdam ko. Okay na kami ngayon at minsan magkasabay na kami maglunch. Natutuwa lang ako kasi hindi man niya ako gusto tulad ng pagkagusto niya kay Martin, at least okay na kami. Nagaasaran na kami ulit pero hindi na tulad ng dati na parang pareho kaming galit sa mundo.

Minsan nakikita ko siya na para siyang nalulungkot. Alam ko naman kung bakit. Nung sinabi ko sa kanya na kung iniwan na siya ni Martin nagulat din ako sa sarili ko. Para naman kasi siyang tanga na nakatitig dun sa cellphone niya. Pero nung sinabi ko yon shit talaga.

Gusto ko sabihin na nagbibiro lang ako. Gusto ko lumipad ng mabilis away from her. Pero hindi ko nagawa dahil hindi ko din siya natiis.

Nagtaka din ako kasi hindi siya tumanggi nung sinabi kong gusto ko siya makausap; yung mga tingin niya kasi para akong iitakin. Nung mukhang tatanggi na siya eh siyempre inunahan ko na. Pinilit ko na.

Once and for all kailangan na namin mag-usap. I wanted everything to be smooth from now on. Sa ngayon masaya na ako ng ganito. Pag nakikita ko siyang nalulungkot sisimulan ko na siyang asarin. Pero ang hirap magpanggap ha.

Nung kausap ko siya sa park, alam ko lahat ng sinasabi ko nagegets niya at alam kong alam niya na totoo. Napatunayan ko nung araw na yun na hindi naman pala talaga siya tanga katulad nung lagi kong pinagduduldulan sa kanya noon. Dinaan ko na lang sa biro para matapos na rin yung tension sa aming dalawa.

Kailangan ko na rin sigurong tanggapin na magkaibigan lang kami. Feelingerong Martin kinausap pa ako nung may game kami hindi naman pala sila. Wala pala siya, bakla naman pala siya eh. Takot! Supot!

Pero napansin ko nga din na hanggang ngayon, hindi pa rin pumapasok si Martin at pakiramdam ko, hanggang ngayon hindi parin sila nagkakausap ni Anne. Ayoko naman magtanong baka isipin pa ni Anne and ng ibang tao interesado ako sa Martin na ‘yon.

Given na tinulungan niya ko dun sa mga gagong taga-Montauk, hindi pa rin yun enough. Mayabang na ako kung mayabang pero siya na rin mismo ang nagsabi na hindi naman niya ako talaga intensiyon na tulungan. Mas mayabang siya.

Madalas sumagi sa isip ko, papaano na lang kapag bumalik na siya? Sigurado ako mangangati si Anne sa matagal na niyang hinihintay na explanation. Explanation na hindi niya makuha kay Martin. The why’s, how’s and when’s.

Papano ako kapag dumating na yung araw na yun? Are we still going to be friends pagdating ni Martin? Or pumayag lang ba kaya si Anne kasi nalulungkot siya sa ngayon? Sana hindi naman. Hindi ko sila papakailaman ni Martin. Wala akong balak. Masaya na ako sa ganito. Kailangan kong tanggapin na hanggang dito lang ako.

Nakakapagod na rin kasi makipagaway. Hindi sa sinusuko ko na si Anne. Ayoko lang ipagpilitan ang sarili ko. so I just reminded her na andito lang ako para sa kanya. Hindi magbabago yon. Nilito lang ako ni Martin noon. Siguro nga I got attracted to that girl ngayon lang pero that doesn’t mean magbabago ang nararamdaman ko sa kanya kung pumangit man siya ulit.

Again, hindi na magbabago ‘yon. Kaya sige patunayan niya yung sarili niya kay Anne. Maswerte siya dahil siya ang gusto. Kung ako lang ang nagustuhan nun, leche siya, yari siya dahil sisiguruhin kong maglalaway siya.

Anyway, back to Anne. Kanina nagkasabay kami ng lunch. Kasama namin sila Ina and si Iza. Ina is obviously a fan of Anne and Martin. For some reason, I have to show these girls na wala naman akong ibang intention sa kaibigan nila but to also be a friend.

Wag Ka Na Kasing Maarte... Please?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon