Chapter 9 - Malabo. Sobrang Malabo.

743 28 8
                                    

Chapter 9 – Malabo. Sobrang Malabo.

“You should have been the luckiest girl in the world! Lead role! Hmmmm. I am thinking na gawin kaya kitang palaka then kelangan ka i-kiss ng prince?” inaasar nanaman ako ni Ina. Tatampalin ko na tong tisay na to eh

“Pwede! Kaso anlaki naman atang palaka ni Arvin? Or gawin mo siyang beast! Tapos maghihntay siya ng matagal sa prince na mafo-fall sa aswang na itsura nya! Haha!” ginatungan pa nitong ni Iza. Ito kayang babaeng to ang una kong tampalin? Nagtawanan sila hanggang nanagpupulahan na ang mga mukha nila.

“I know apat kayong gagawa ng script gandahan nyo naman. Pero hindi ko ‘to gusto. Alam niyo naman yun eh! Hindi ba pwedeng support nalang ako? Ayoko ng lead. Hindi ko nga gagalingan sa practices para magalit si Sir at palitan ako. Tapos si Arvin pa kapartner ko. Mabuti sana kung friends kami no!”

Ayoko naman talaga eh. Not because si Arvin ang kapartner ko. I don’t care at all. I am trying na ‘wag nalang siyang pansinin. Ilang araw na din naman kami halos hindi nagpapansinan eh. Masaya na ako dun na kahit papano nawawala na ang bwisit sa buhay ko. Pero infairness kanina natuwa ako nung sinagot niya si Macey. Nakakairita naman talaga ang boses niya.

“You are one crazy ass. Ako nga gusto ko eh kaso sabi din samin ni Sir it is final. Sa story lang pwedeng may baguhin or kung may kailangan na cast or what not.” Segunda ni Iza

“Hay I don’t know mga bruha kayo. Anyway para naman ‘to sa finals so not bad. Sana kasi kahit sino na lang ang partner ko hindi na lang si Arvin. Para naman kasing may nananadya eh.” Matamlay kong sagot sa kanila.

“Hey Iza! See you after school!” Chris winked at Iza and smiled with matching turo pa ng kamay and hurried downstairs.

Me and Ina looked at her in excitement. Napanganga pa kame! Tissue please! Yung laway ko!

Iza is smiling from ear to ear. Mahahati na yung mukha nya sa laki ng ngiti nya. Mamamtay na sa kilig si gaga! Pulang pula na! Konti na lang mangangasul na siya! Hahaha!

“AAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!” nauna pa talaga kaming sumigaw diba?

“Hoy ‘wag nga kayo sumigaw! Magkapartner lang kami dun sa script sa English ano ba kayo! Though oo crush ko sya matagal na. Alam niyo naman yun ah! Kasi naman eh!” sigaw ni Iza na kinikilig parin ang pwet at papadyak padyak pa.

“Bruha ka kaya nga kinikiig kami eh! Kasi alam naming crush mo yon ano ba! Yesss! Magkasama tayo sa paggawa ng script! Apat tayo nila Chris and Laurence! Magkakamoment na kayoooo!” sigaw ni Ina and wow dumiretso tagalog ni gaga sa sobrang kilig at bonus pang hampas sa braso ni Iza.

Pansamantala kong nakalimutan yung lungkot ko. Pansamantala kong nakalimutan na magkasama si Macey and si Martin. I mean partner sila sa English project namin. That girl. Sana siya na lang yung naging lead since maarte at attention-seeker naman siya eh. Kami nalang ni Martin yung gagawa ng costume.

Napansin ko lang, parang iba yung pagkasweet niya nung sinaway niya si Macey kanina. Macey even called him ‘baby’. Well lahat naman ata ng boys sa school tinatawag niyang ‘baby’ pero iba lang siguro ang dating sa akin nung kay Martin niya sinabi.

Buti pa si Arvin kahit nairita lang sa boses ni Macey he managed to shove her attitude off. Aba kung labanan lang ng attitude mananalo ba sya kay Arvin. I don’t  think so. Lahat ng hangin at hindi magandang attitude na kay Arvin kaya hindi siya mananalo dun.

“Huy nakikinig ka ba?” tinapik ako ni Iza

“Oh, we are going to talk about something nga pala. Come on Anne, let’s grab something to eat and let’s talk about it. Bleachers okay? See you in a few minutes!” as Ina said running to the pizza stand.

Wag Ka Na Kasing Maarte... Please?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon