Chapter 22 - Hayaan na lang muna

651 25 2
                                    

Chapter 22 - Hayaan na lang muna

Arvin’s POV

Nagising ako sa alarm clock ko ng ganun lang kabilis. Halos hindi ako nakatulog dahil yung diwa ko gising na gising. Yung mata ko mahapdi. Hanggang ngayon naaalala ko pa rin ang nangyari in full detail. Mula sa mga bangayan namin hanggang nung iniwan ko sila dun. Sa tuwing maaalala ko, laging may aakyat na luha sa mata ko.

Kaya this whole weekend, puro tulog ang ginawa ko para hindi ko maalala.

Parang ayokong pumasok. Matapos ko sabihin kay Anne ang lahat, ngayon ayoko na siyang makita. Andun pa rin yung bigat and yung sakit.

I have never felt so down. Well, I did but not like this. I have never imagined na ganito ang mararamdaman ko. Ang hirap pala. Kailangan ko umiwas at lumayo. Kunware wala nanamang pakelam. Magpapanggap nanaman ako. Hindi ko naman ginusto na maging ganito. At hindi ko rin naman ginustong masaktan ako. Nangyari lang na naramdaman ko na siya.

Pababayaan ko na sila ni Martin since hindi naman niya ako gusto. Wala akong pinanghahawakan at wala akong karapatang masaktan.

Instead na isipin ko kasi ng isipin, we have a game na kailangan naming mag-prepare. May laban kami with Montauk High and we have to win. Malakas na team ‘yun kaya kailangan naming talagang paghandaan. Maganda na rin ‘yon para maging busy at maging pre-occupied yung utak ko kesa manlumo ako kakaisip. Walang mangyayari sa buhay ko.

Tama, mas maganda na nga yung ganun. Ibubuhos ko na lang lahat ng oras ko muna sa ngayon sa pagba-bastketball. Practice I mean. Hindi ko maipapangako sa sarili ko kung hanggang kelan ako magkakaganito. Ayoko lokohin ang sarili ko na magbibigay ako ng timeframe na hindi ko din masusunod.

Hindi ko nga sinasagot lahat ng text at tawag niya nitong weekend. Wala naman kami kasing pagu-usapan eh. Magsosorry lang siya tapos ano na? Kelangan ko rin mag-sorry kasi sinigaw sigawan ko siya kaso hindi sa ngayon. Hindi pa ko handang makipagusap sa kanya.

Yung makakalaban namin na school is the school kung saan ako nanggaling bago ako lumipat dito sa Maria Monte. The school kung san ako na-bully, na-trauma and the school that made me like this.

The school that made me this stubborn and sometimes an asshole. I heard those guys are going to play for their school too. Hindi ko sila makakalimutan. Their names, their faces and their voices tuwing pagtatawanan nila ako. Just being reminded of that childhood horror makes me so angry and mad.

I have to show them na hindi na nila pwede gawin sa akin yung mga ginagawa nila dati. Kung kupal pa rin sila hanggang ngayon better not with me. I don’t know if this is fear but something tells me that I have to face them so I have to practice hard. I meant harder. Kahit sa basketball makaganti ako sa mga hayup na ‘yon.

Ngayon naga-antay ako sa bus service. It is going to be so awkward. Hindi na rin ako sanay ng hindi kami naga-away. Namiss ko ‘yon. Sobra. Makikita ko siya ngayong umaga pagkapasok na apgkapasok ko sa bus. Gugulo ang umaga ko. Gugulo nanaman ang isip ko.

BEEEPPP BEEEPPP

Napahinga ako ng malalim, grabbed my bag, looked at myself in the mirror and reminded myself “OK lang yan”. Kinuha ko ang earphones ko, sinaksak sa cellphone ko at nagpatugtog ng malakas.

I better get going.

Martin’s POV

Hindi ko sinadyang marinig yun. Narinig ko lang kasi ang pangalan ko. Ngayon maraming bagay yung nabigyang linaw sa utak ko. Yung mga tanong na may “bakit” nasagot lahat. Up until this moment naiisip ko pa rin si Arvin. Naisip ko na baka hindi kaya nagkaron ng sudden confusion si Anne?

Wag Ka Na Kasing Maarte... Please?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon