Chapter 3 – Get To Know The Two
Arvin’s POV
“Arvin! Get up now, first day for the last highschool year” narinig ko si mama tinatawag na’ko. I have been up for hours kung alam lang niya. Oo na excited na ko pumasok. Ayoko lang pa-obvious. Boring na kasi sa bahay.
Eto nanaman, same routine. Gigising nanaman ako. Pasukan nanaman. First day. I get to see her again and maybe piss her off. Yeah I might be cruel to her, alam ko yon. Pero ako lang ang pwedeng maging ganun sa kanya. Siya talaga unang inisip ko sa pag-gising. I don’t know ang sarap nya sobrang asarin.
Ang sarap niyang inisin. Ang sarap niya galitin. Ang sarap niya laitin. Ang sarap pagduldulan na ang pangit naman niya talaga.
It is a long summer though. Let’s just say I went to a beach to relax sana kasama yung mga pinsan ko pero pucha naging nightmare! I ended up being asked by a matrona to live with her. Argh! Nakakahiya! But in general, it was fun. Magandang sounds at night habang nakatambay sa bar o sa cottage, nice. Beaches and all.
Pero mas fun siguro kung matatapunan ko nanaman si Anne ng siomai na may matching chili garlic like when we were in our sophomore year. Don’t get me wrong pinagsisihan ko ‘yon ng konti kasi totally nadumihan yung uniform nya, even the socks. So para kunware I felt sorry, I bought her a new set pati socks at hinagis ko sa kanya.
Haha! That ugly face! Anlalaki na ng pimples, napaka-oily pa ng mukha. Hindi ata nun alam kung papano maghilamos.
May itsura naman sana siya eh, kaso madalas lang kasi nya ko sungitan tsaka anlalaki nga ng pimples parang hindi naghihilamos yung buhok din ang oily. Nakakadiri nga minsan. I wonder hindi kaya siya nahihiya makipagngitian dun sa ibang girls and boys sa school na kakilala nya? Hindi appealing ang mukha nya. Sana aware siya dun.
Pinapahiya ko na nga minsan pero parang timang na sasagutin lang ako. Istupida. Tonta. Diba dapat parang tinutulungan ko na nga sya? Its like me telling her magmumuka syang tao magipit man lang sya ng buhok or punasan nya ng sponge na may Joy yung mukha nya. Kaso wala puro sigaw, at hampas lang ang nakukuha ko.
Bakit naman si Martin kahit asarin sya nakakangiti parin siya paminsan? Mas magaling ba talaga siya manginis kesa sa’kin? Mas effective ba talaga yung mga pang-aasar niya?
Hey! Why am I even thinking about it? Ano naman ang pakelam ko? My mission is to eternally piss her off. Kapag boring ang sarap niyang past time eh. Papatulan ka talaga.
Nung dumating yung school service, I know it had to be her. Siya kasi ang nauunang sunduin parati at ako ang next. Pagpasok ko sa bus it was Mang Noli who greeted me with a “Good Morning Arvin!” tapos yung ngiti parang nakakalokong hindi ko maintindihan. Sarap upakan kung hindi lang ‘to matanda eh.
Nakita ko she is seated sa upuan sa harap na lagi naming pinagaagawan and nakakatawa ang itsura nya pucha! Her hair is covering her face and looks like para shang naghe-head bang. Is this how she sleeps? It gave me a smile on my face. It brightened up my day pero hindi ko makita yung mukha nya eh. I have to see it! Grrrr!!
All throughout ng time na nasa bus kame tulog sya. Damn, ang lupet! I was kinda waiting na makita ko siyang nakanganga. That would be funny as hell. Kung anu ano na naiimagine ko. Naiimagine ko habang naghe-head bang siya dun eh yung ulo nya humahampas sa dashboard or bigla lumabas sa bintana ng bus yung ulo nya tapos nakanganga sya hahahaha! Just thinking about it makes me laugh.
Tinititigan na’ko ng batang nasa harapan ko sa bus kasi tahimik akong tawa ng tawa magisa. The kid even said “Kuya Arvin ngayon lang kita nakita mag-smile ah.” I stopped laughing and tumingin nalang ako sa labas ng bintana.
BINABASA MO ANG
Wag Ka Na Kasing Maarte... Please?
Ficção Adolescente(Completed) Papano mo sasabihin sa taong gusto mo na mahal mo siya? Papano mo sasabihin sa taong mahal ka na hindi mo siya mahal? Anong gagawin mo kung you are in the middle ng taong mahal mo at nung taong nagmamahal sayo? At ano ang iisipin mo at m...