Chapter 25 - Wonderland

535 24 1
                                    

Chapter 25 - Wonderland

Ano na kayang nangyari dun kay Martin? Ngumanga naman ako ng malala sa library. Dumating na si Mang Noli hindi pa rin siya nakabalik. Tinext ko and tinawagan ko hindi sinasagot yung cellphone. Imposible namang natambakan ng isang trak ng yellow paper yun.

Naimberna ako ha. Buti na lang yung Physics medyo na-gets ko na. Sige na nga forgiven. Siguro naman sasabihin nun sa akin ang nangyari. But I wonder. Half day na. Mukhang absent na siya. Ano bang nangyayari dun?

“Hey girl, what happened to Martin?” Si Ina na ata yung pang isandaang tao na nagtanong slash naghanap sa akin kay Martin.

“Girl I honestly don’t know.” Umiling iling ako then looked at her

“No. Im serious. What happened to Martin?” Ay. Ano tinago ko si Martin sa bahay? Kinulong ko? Ginapos ko? Tapos nilatigo ko?

“Yes. Im serious. I don’t know.” I nodded na parang jina-jackhammer yung ulo ko. Nakakainis hindi ko naman kasi talaga alam! Nakakaloka!

“Really now? Mabilis naman kasi mapansin na wala si Martin. Wala kasing makulit!” Ina said as she sat beside me.

Dumikwatro ang loka loka. “When was the last time you have seen him? I mean saan?”

I rolled my eyes. “Duh… Siyempre dito sa school. Kahapon kasi sabi niya mauna na ako sa library kasi bibili siya ng yellow paper sa bookstore. Ngumanga ako ng malalang isang oras at kalahati sa library!”

Yung itsura niya parang nagiisip din. Yung apat na daliri niya parang kinakatok yung baba nya.

“Hhhmmm... Something tells me, there had been an emergency.” Ina finished.

Ha? Emergency? Anong emergency? Bakasyon? Malapit na sem break hindi na naantay ang bakasyon? Hindi kaya si Josh? Imposible eh. Nasa ospital yun naisama pa nga ako ni Martin and he looked like he is in a pretty good shape. Out of town kaya? Or sa business nila? Pwede. Pero emergency eh.

Pero bakit naman hindi siya nagpaparamdam sa akin? Kahapon lang parang ang saya saya namin tapos biglang gone. Hmp!

Nago-over react lang ako. Parang akala mo isang taon na ang lumipas na walang paramdam. OA mo Anne ha. Ang OA OA mo.

“Ewan ko ba nakakamiss din pala yung kakulitan ng prince charming mo. At infairness Anne ha, you really looked sad. Hahahaha! Don’t worry papasok din yun baka something came up lang ikaw naman.” She smiled and tapped by shoulders.

“Salamat ha. Di ko alam kung inaasar mo ko or kinocomfort mo ko!” I just smiled back.

Oo nga ang OA ko baka bukas lang andito na ‘yun. Okay, tama na ang pagiging OA.

Nakita ko si Sir Valmonte. Hay. Physics. Lalo ko tuloy siyang nami-miss.

Anyway, I haven’t noticed Arvin’s presence this past few days. Well, whould I say weeks. Since that day, I haven’t got the chance to talk to him anymore. Sa school bus lagi na lang ganun ang ginagawa niya. Lagi na lang siya magkakabit ng earphones sa tenga niya. Magsa-sounds. Tapos maya maya tulog na.

Abnoy talaga. Gusto daw niya ako tapos mukhang iniiwasan namang makausap ako. Baliw.

------

“Okay class, we will be having our intramurals three weeks from now. Here is the list of the volleyball players who will be playing for your batch.” Sir Jojo announced. Teacher namin sa P.E.

Teka?! Bakit ako kasama?! Hindi naman ako tanga mag-volleyball. Marunong din naman ako kahit konti! Pero ano ‘to balyahan? Sapilitan? All my highschool life never akong naglaro ng volleyball dito sa school anu ba naman!

Wag Ka Na Kasing Maarte... Please?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon