Chapter 4

5.3K 146 9
                                    

NANG MAGISING si Yoomi ay ang guwapong mukha ni Jason ang sumalubong sa kanya. Nakatagilid ito ng higa at nakatukod ang siko nito sa kama, habang ang isa nitong kamay ay marahang humahaplos sa leeg niya. Titig na titig ito sa kanya na may kakaibang emosyon sa mga mata na hindi niya mapangalan.
Sa totoo lang, hindi niya gaanong maalala ang lahat ng nangyari kagabi dahil medyo lasing siya. Pero patunay ang kahubdan niya at ang pamamaga sa ibabang bahagi ng katawan niya para malaman na may nangyari nga sa kanila ni Jason. Pero naaalala niya kung gaano kasarap ang pakiramdam na nasa loob niya ang binata matapos nitong makuha ang pagkabirhen niya. Sa una lang talaga masakit.
Kinapa niya ang sariling damdamin matapos niyang ipagkaloob ang sarili niya kay Jason para sa maling dahilan. Nakapagtatakang wala siyang naramdamang pagsisisi o pandidiri sa sarili niya dahil sa ginawa niya.
Sa halip ay nakaramdam pa siya ng munting saya.
Marahang hinaplos ni Jason ang likod ng kamay nito sa pisngi niya. May pag-aalala sa mga mata nito. “Did I hurt you, Yoomi?”
Umiling siya.
Ngumiti si Jason na tila may naiisip ito na kaaliw-aliw. “Yoomi?”
“Hmm?”
“Magpakasal na tayo.”
Iyon ang gusto niyang mangyari, pero hindi niya inaasahang magiging gano’n kabilis 'yon kaya nagulat siya. Ang sabi ni Issa, magiging epektibo lang ang pamimikot kung mabubuntis siya, kaya hindi niya hinayaan si Jason kagabi na gumamit ng condom habang nagtatalik sila.
Hindi pa naman siya buntis. Kaya bakit inaya agad siya ni Jason na magpakasal?
“Jason, inaaya mo bang magpakasal sa’yo ang lahat ng babaeng sinisipingan mo?” nagtatakang tanong niya.
Natawa ito ng mahina. “Siyempre, hindi. Ikaw lang.”
Bumangon siya. Itinaas niya ang comforter hanggang sa dibdib niya. Nahihiya siyang ipakita kay Jason ang kahubdan niya kahit nakita na nito ang lahat sa kanya kagabi. “Bakit gusto mo kong pakasalan?”
Kinuha nito ang kamay niya at pinaglaruan ang mga daliri niya, saka dinala ang likod ng kamay niya sa mga labi nito. Tiningnan siya nito ng diretso sa mga mata niya. “I felt like I took advantage of you last night. Dapat lang kitang panagutan.”
“Ginusto ko rin naman 'yong nangyari kagabi,” katwiran niya. At totoo 'yon dahil kahit anuman ang dahilan niya, hindi niya maipagkakailang nagustuhan niya ang ginawa nila ni Jason. Duda nga siya kung makakalimutan pa niya ang sensasyon ng pagiging isa nila ng binata.
Gumuhit ang napakagandang ngiti sa mga labi ni Jason. “Ang totoo, gusto kitang pakasalan dahil gusto kita. Iba ka sa lahat ng babaeng nakilala at nakasama ko na, Yoomi. You’re the only woman I ache for. So stay with me, please.”
Masisilaw yata siya sa sobrang aliwalas ng mukha ni Jason. Hindi rin niya magawang tumingin ng diretso sa tapat at sinsero nitong mga mata. Nararamdaman niya sa bawat tingin ng binata na totoo ang nararamdaman nito para sa kanya.

I Married The Wrong GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon