Chapter 12

4.2K 111 5
                                    

SUMALAMPAK ng upo si Yoomi sa sofa pag-uwi niya ng bahay at binaba sa tabi niya ang mga shopping bag. Gaya ng pangako niya kay Jason, maaga siyang umuwi. Hindi siya kumain sa labas para magkasabay pa rin silang maghapunan ng binata.
Napagod siya sa maghapong pag-sha-shopping nila ni Issa, at mas lalo siyang napagod sa pangungumbinsi rito na wala pang nangyayari sa kanila ni Jason kahit magkatabi na sila sa pagtulog. Naalala pa niya ang sinabi ni Issa:
“Isang linggo na kayong natutulog sa iisang kama pero wala pa ring nangyayari sa inyo? Kawawa naman 'yong asawa mo. Siguradong gabi-gabi siyang naliligo ng malamig na tubig.”
Ang nakakagulat, napansin nga niya na minsan, sa kalagitnaan ng gabi, magigising si Jason at bigla na lang maliligo. Pagkatapos ay saka lang ito mahihimbing ng tulog. Iyon kaya ang paraan nito para mawala ang init ng katawan nito?
“Honey?” Boses iyon ni Jason na nanggagaling sa kusina.
“Nandito na ko,” malakas na sabi niya. “Kumakain ka na ba?”
Hindi na sumagot si Jason. Tatayo na sana siya at pupunta sa kusina nang lumabas na ang asawa niya. Nagulat siya dahil imbis na naglalakad ay nakasakay ito sa skateboard. Ang mas nakakagulat pa, nakasuot ito ng protective gear gaya ng helmet at arm and knee protector.
Naitakip niya ang kamay sa bibig niya, pero hindi rin niya napigilang matawa ng malakas lalo na nang magsimulang kumanta si Jason habang ginagawa nitong gitara ang isa pang skateboard na hawak nito habang umaandar ang skateboard.
“I lay my love on you. It’s all I wanna do. Everything I breathe I feel brand new. You open my heart. Show me all your love and walk right through. As I lay my love on you,” hindi seryosong pagkanta ni Jason.
Bokalista ito ng banda nito kaya imposibleng mawala ito sa tono. Ginagawa lang marahil katatawanan nito na ang sarili nito para patawanin siya. At epektibo nga iyon. Bago pa niya namalayan, nakasandal na siya sa sofa at nakahawak siya sa tiyan niya kakatawa.
Pero unti-unti ring naubos ang pagtawa niya nang huminto sa harap niya si Jason at naging mainit ang tingin nito sa kanya. Bigla ay naging seryoso ito sa pagkanta kaya napatunayan niyang may karapatan itong maging bokalista ng banda.
“Like a once in a lifetime, you changed my world…” pagkanta ni Jason na tila ba seryoso ito sa bawat salitang binitawan nito.
Bumalik din agad ang ngiti niya. Napapadalas na 'yon. “Para saan 'yan?”
Ginamit nito ang isang paa nito bilang preno para huminto sa pagdulas ang skateboard nito. “Nakita ko kasi 'yong mga bata na nag-i-skating kanina. Nainggit ako kaya nagpunta ako sa mall at bumili nitong skateboard habang wala ka. Since we decided to stay here, gumawa na lang tayo ng fun things together like skateboarding.”
May mainit na bagay na unti-unting tumutunaw sa puso niya. “Hindi ako marunong mag-skateboard.”
Binaba ni Jason ang hawak nitong skateboard sa sofa, pagkatapos ay nilahad nito ang mga kamay nito sa kanya. Tinanggap niya ang mga iyon at hinayaan niya itong hilahin siya patayo. Pagkatapos ay ipinalupot nito ang mga braso nito sa baywang niya.
“Tuturuan kita,” nakangiting sabi ni Jason. “Saka naalala ko, ito ang eksaktong araw kung kailan pumayag kang magpakasal sa’kin. Ngayon yata 'yong tinatawag nilang monthsary?”
Sumakit ang lalamunan niya sa pagpipigil umiyak. Nagiging emosyonal na siya. “Bakit ganyan ka? Bakit kailangan mo pang alalahanin 'yon ngayon? Baka umasa ako na maaalala mo 'yan buwan-buwan. At sigurado naman akong makakalimutan mo rin 'yon 'pag nagtagal.”
Nawala ang ngiti ni Jason. Naging seryoso ito, pero naroon pa rin ang sinseredad sa mga mata nito. “Siguro nga darating 'yong araw na makakalimutan ko ang monthsary o kahit pa 'yong mismong wedding anniversary natin. Tiyak naman na may araw na mainit ang ulo ko, o masyado akong pagod sa trabaho at puwede ring may iniinda akong sakit, kaya hindi ko maipapangakong parati ko silang maaalala. Ang hihilingin ko lang sa’yo, 'wag kang mananahimik na lang bigla. Ipaalala mo sa’kin.” Kinulong nito ang mukha niya sa mga kamay nito. “At ipinapangako ko sa’yo, babawi ako. Mag-se-celebrate tayo sa paraang hindi mo makakalimutan.”
Paano nagagawa ni Jason na pagsamahin ang realidad at ang panaginip? Masyado itong matapat at aminado sa hindi nito pagiging perpekto, pero nagagawa pa rin nitong mapaniwala siya na kahit may maging pagkukulang ito, makakabawi pa rin ito sa kanya nang higit pa sa inaasahan niya.
At iyon ang gusto niya – realidad sa gitna ng magandang panaginip. Dahil alam niya, bahagi ng totoong buhay ang sakit. Hindi nangako si Jason na hindi siya nito masasaktan, pero nangako ito na babawi ito at pasasayahin uli siya. Dahil do’n, hindi siya parang bulag na aasang parati silang masaya. Sa paraang iyon, maihahanda niya ang puso niya sa mga araw na iiyak siya.
Iyon ang matagal na niyang gustong marinig sa isang lalaki. Hindi niya kailangan ng matatamis na pangako. Ang kailangan niya, kasiguraduhan na kahit may maranasan siyang sakit, mas magiging matimbang pa rin ang sayang mararanasan niya sa pagsasamang iyon.
“Yoomi?”
Nang mag-angat siya ng tingin kay Jason, sinalubong siya nito ng mariing halik sa mga labi. Napakapit siya sa mga balikat niya habang tinutugon ang maiinit nitong halik. Napaungol siya habang sinasalakay ng dila nito ang dila niya. Habang magkahinang ang mga labi nila, naramdaman niya ang paggapang ng isang kamay ng binata sa pisngi ng puwitan niya para kabigin siya palapit dito. At ang isa namang kamay nito, lumusot sa ilalim ng blusa niya at pinisil ang dibdib niya habang pinaparaan nito ang daliri nito sa tumbok niyon.
Kakaibang init ang sensasyon ang gumapang sa buong katawan niya. Nang putulin niya ang pakikipaghalikan kay Jason para sumagap ng hangin, bumaba naman ang mga labi nito sa leeg niya. Mabigat ang hininga nito pero hindi ito tumigil sa pagdila at pagkagat-kagat sa leeg niya habang pinipisil-pisil nito ang dibdib niya. May matigas na bagay na tumusok sa tiyan niya.
“Jason…”
Umungol ito. “Hmm?”
“Hindi natin 'to puwedeng ituloy…”
Mabilis na humiwalay si Jason sa kanya at gulat na tiningnan siya. “Bakit?”
Nakagat niya ang ibabang labi. Ayaw din naman niyang sirain 'yon, pero hindi talaga puwede. “Unang araw kasi ng dalaw ko.”
Bumakas ang pang-unawa at pagkadismaya sa mukha ni Jason. “Oh. Okay.”
“Sorry,” nahihiyang sabi niya. Narinig niya na puwede namang makipagtalik kahit may dalaw ang isang babae, pero ayaw niya ng gano’n.
Niyakap siya ni Jason at hinalikan sa tuktok ng ulo niya. “Maghihintay ako.”
Tumango siya. “Salamat.”
“At mauna ka nang kumain. I think I need a cold shower.”

I Married The Wrong GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon