Chapter 18

3.8K 97 1
                                    

DAHAN-DAHANG bumaba ng hagdan si Yoomi. Nang masiguro niyang nakaalis na ang mga bata at ang sundo ng mga ito, saka siya lumapit kay Jason na nakatayo sa pintuan habang pinapanood ang pag-alis ng kotseng sumundo sa mga paslit.
Niyakap niya si Jason mula sa likuran. “Sino 'yong sumundo sa mga bata?”
Nilingon siya nito. Nakangiti ito, kahit halatang pagod mula sa maghapong pakikipaglaro sa mga bata. “'Yong lola nila. Okay na 'yong mommy nila. May bago silang kapatid na babae.”
“Mukhang nag-enjoy kang kalaro sila, ha? Muntik mo na kong hindi pansinin.”
Gumuhit ang guilt sa mukha nito. “Sorry, honey. Ako na ang magluluto ng dinner para mabakawi sa’yo. Ano’ng gusto mong kainin?”
“Ikaw.”
“No, you choose. Ikaw ang pagsisilbihin ko ngayon.”
Natawa siya. Hindi nito nakuha ang ibig niyang sabihin. Tumingkayad siya at marahang kinagat ang tainga nito. “Ikaw ang gusto kong hapunan. Ako naman ang baby-hin mo, please?”
Narinig niyang napasinghap si Jason. Pumihit ito paharap sa kanya. Mabilis bumaba ang tingin nito sa suot niya. Nakita niyang napalunok ito, lalo na nang mapako ang tingin nito sa dibdib niya kung saan siguradong bakat ang umbok ng mga iyon.
T-shirt na maluwag lang ang suot niya. At oo, wala siyang panloob.
Sinalubong ni Jason ang mga mata niya na para bang tinatanong siya kung handa na ba talaga siya. Isang determinadong tango ang isinagot niya rito.
Umungol si Jason nang damhin nito ang dibdib niya, kasabay ng pagguhit ng pagnanasa sa mga mata nito. “Hintayin mo ko sa kuwarto. Isasara ko lang ang mga pinto.”
Tumango siya at patakbong umakyat ng hagdan. Nalingunan pa niya si Jason na sinasara ang pinto bago siya pumasok sa kuwarto nila.
Umupo siya sa kama nila at humugot ng malalim na hininga. Iyon na ang gabing ipagkakaloob niyang muli ang sarili niya kay Jason, pero sa pagkakataong iyon, sa ngalan na ng pag-ibig at hindi ng pera.
Ang gaang sa pakiramdam ngayong inamin na niya sa sarili niyang mahal niya si Jason, at nagdesisyon na siyang hindi ito iiwan kahit na hindi ito ang tagapagmana ng mga Javier. Nawala na rin ang takot niya kay Xaver dahil alam niyang hindi papayag ang asawa niya na masaktan siya ng kahit sino. Kung puwede lang, hihilingin niya kay Jason na magpakalayo-layo na sila.
Pero sa ngayon, mamahalin niya na lang muna si Jason ng buong puso, gaya ng pagmamahal nito sa kanya. Magiging mabuting asawa siya rito.
Bumukas ang pinto ng kuwarto nila. Sinundan niya ng tingin si Jason mula sa pagpasok nito sa silid hanggang sa pagtayo nito sa harap niya. Tumingala siya rito. Nakatingin lang ito sa kanya na parang pinapakiramdaman siya.
Inalis na niya ang lahat ng hiya niya sa katawan. Hinawakan niya sa baywang si Jason at hinila ito palapit sa kanya. Dahan-dahan niyang tinanggal ang sinturon nito nang hindi inaalis ang tingin niya rito. Binuksan niya rin ang zipper at butones nito, dahilan para maglaglag ang pantalon nito. Kusa na nitong hinubad ang T-shirt nito.
Dahil nakaupo siya, nakaharap sa kanya ang buhay na buhay na pagkalalaki ni Jason na natatakpan lang ng boxers nito. Napalunok niya. Napaungol ang asawa niya nang hawakan niya ang elastic ng boxers nito at unti-unti niyang ibinaba iyon.
Napasinghap siya nang sumalubong sa kanya ang pagkalalaki ni Jason. Dinilaan niya ang ibabang labi niya habang hindi inaalis ang tingin do’n. Ang laki… Hindi na siya nakatiis. Kinulong niya sa mga kamay niya ang pagkalalaki ni Jason. Ang tigas… Narinig niya itong umungol. Nag-init ang pakiramdam niya nang dahil sa ungol ni Jason na para bang in-e-engganyo siya na ipagpatuloy lang ang ginagawa niya.
Binigyan niya ng kaunting diin ang pagkakahawak niya sa pagkalalaki ni Jason.
“Yoomi…” anas ni Jason sa tila nahihirapang boses.
Nasaktan ba niya si Jason? Tumingala siya sa asawa niya para humingi ng tawad, pero nakapikit ito. Mukhang nasaktan nga niya ito. Yumuko siya at binigyan ng magaang na halik ang pagkalalaki ni Jason.

I Married The Wrong GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon