Chapter 20

4K 102 2
                                    

“SIR CHESTER!”
Napangisi si Chess nang namutla bigla ang assistant niyang si Lucelle nang makita siya nitong bumaba mula sa sinakyan niyang jeep. “Hello, Lucelle. I told you to just call me ‘Chess’. Masyadong mahaba ang ‘Sir Chester’.”
Lalo yata itong namutla habang tinitingnan ang suot niyang damit. “Hindi ko ho kayo puwedeng tawagin sa pangalan niyo lang. At Sir, saan niyo nakuha ang damit na mukhang basahan na 'yan?”
Natawa lang siya saka siya naglakad papasok sa Javier Building. Pag-aari ng pamilya niya ang dalawampung-palapag na gusali na iyon. Sumaludo sa kanya ang guwardiya pagpasok niya, at tinapik niya ito sa balikat. The guard looked surprised and embarrassed by his warm gesture, but he just laughed it off.
“Good day, Earthlings!” masiglang bati niya sa mga empleyado niyang bumabati sa kanya.
“Sir Chester!” saway sa kanya ng sekretarya niya na patakbong sumusunod sa kanya.
Naawa naman siya kay Lucelle kaya binagalan niya ang lakad niya para makasabay ito sa kanya. “Ano ba’ng problema at ang aga-aga ay tensiyonado ka, Lucelle?”
She looked stressed even more now. “Sir Chester, mahigit isang linggo kayong hindi pumasok sa opisina. Nag-aalala na ho ang mga magulang niyo. Ako ho ang nasisisi dahil ako ang sekretarya niyo pero hindi ko alam kung nasaan kayo.”
Aw, he felt guilty now. Marahang tinapik-tapik niya ang likod ni Lucelle na parang maiiyak na. “Hey, don’t worry. Ako’ng bahala sa’yo. I’ll give you an increase as compensation from the emotional stress my parents have probably given you.”
Umaliwalas ang mukha nito. “Really, Sir?”
“Really,” sagot niya nang lumulan sila sa elevator.
“Sir, saan ho ba kayo nagsususuot nitong nakalipas na mga araw?” tanong ni Lucelle.
“D’yan lang,” kaswal na sagot niya. Pero nang tapunan siya ng naiiyak na tingin ni Lucelle ay natawa siya, saka niya sineryoso ang pagsagot. “Naglibot-libot ako sa iba’t ibang mall. Specifically, I went to Divisoria. Gusto kong personal na ma-obserbahan ang dahilan kung bakit patok sila sa mga tao maliban sa mababa ang presyo ng mga paninda nila.”
“With all due respect, why do you have to do that, Sir? We have people to do that job for you,” nagtatakang sabi ni Lucelle.
Bumaba siya sa palapag kung nasaan ang opisina niya. The whole ninth floor was his office. Dumiretso siya sa salaming dingding at tumayo ro’n habang pinagmamasdan ang kabuuan ng Maynila. He missed the view from here. Noong nasa Divisoria siya, natutulak-tulak siya ng mga tao. He felt like a normal person there. But here in his office, he was the king, the law, and the most powerful man.
“Sir?” untag ni Lucelle sa kanya.
“Gusto kong baguhin ang imahe ng Hanson Mall,” sabi niya. Sa nakikita niya sa repleksyon niya sa salamin, nakangiti siya. “Gusto kong gawin pang-masa ang Hanson Mall at hindi lang para sa mayayamang tao. I’m going to change the company’s image under my control.”
Napasinghap si Lucelle. Alam niya kung ano ang iniisip nito dahil iyon din ang inaasahan niya. He would be wrestling with the board members soon. But he knew he would win.
Whatever Chester Javier wants, Chester Javier gets.
Hinubad niya suot niyang cap at binulsa iyon. Pero may nabunggo na kung ano ang kamay niya sa loob ng bulsa niya. He digged for his pocket and he found the thing that made him smile.
Ponkan.
Naalala niya si Yoomi, ang babaeng nagbigay sa kanya ng ponkan na iyon nang unang araw na tumakas siya sa bodyguard niya para pumunta sa Divisoria. Natawa siya ng malakas nang maalala ang una nilang pagkikita ng dalaga, at kung paano siya nito himabalos ng laruang baseball bat sa ulo.
Sayang nga lang at hindi na niya uli nakita si Ponkan Girl kahit ilang beses pa siyang bumalik sa tindahan nito, na bigla na lang nagsara matapos ng huli nilang pagkikita.
“Sir?” nag-aalalang untag ni Lucelle. Iniisip na siguro nitong nababaliw na siya dahil tumatawa siya mag-isa.
Pumihit siya paharap sa sekretarya niya. He gave her his most seductive smile. “Lucelle, do you feel privileged when I give you attention?”
Namula ang mukha nito. She couldn’t hide the excitement in her eyes. “Of course, Sir.”
“Okay, you may leave.”
Halatang nabigla ito sa sinabi niya. “S-sir?”
Ngumisi siya at hinubad ang checkered polo niya na nabili niya sa pag-iikot niya sa Divisoria no’ng mga nakaraang araw. “I’m going to get changed. Mag-break ka muna.”
Lucelle muttered an apology before she disappeared in the elevator. Napapangiti na lang siya sa kung paano madaling naaakit sa kanya ang mga babae.
“Hindi lahat ng babae, interesadong makasama ka kaya kung puwede lang, 'wag kang umasta na para bang utang-na-loob namin sa’yo na kausapin mo kami.”
Well, except for one.
Lalo siyang napangiti nang maalala si Yoomi. Ang lakas ng loob nitong sabihing nakakabuwisit siya. Pero imbis na magalit ay natuwa pa siya. Alam niyang dahil isa siyang Javier, walang nagkakamaling bumastos sa kanya.
Until he met her. Marahil ay dahil hindi nito kilala kung sino siya. Pero kahit na. Hindi pa rin ito nadala sa kaguwapuhan niya. At iyon ang pinaka-interesanteng bagay kay Yoomi. Kahit alam niyang kasal na ito, hindi pa rin niya mapigilan ang sarili niyang humanga rito. Isa pa, naniniwala siyang hindi ito masaya sa asawa nito. But he could make her happy.
Hinalikan niya ang ponkan na hawak niya. “I’m going to find you again, my Ponkan Girl.”
Because what Chester Javier wants, Chester Javier gets.
Naputol lang ang pagmumuni-muni niya nang tumunog ang cell phone niya. His little brother Jason was calling. Although Jason was his father’s mistress’ son, he still had a soft spot for him. Sinagot niya ang tawag nito. “Hey, baby brother.”
He heard him snorted “I’m not a ‘baby’.”
Tumawa lang siya. “So, bakit napatawag ka? Do you miss your kuya?”
Narinig niya itong tumawa. “Kind of. And I want you to meet my wife, Kuya Chess.”

I Married The Wrong GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon