DUMERETSO si Jason sa opisina ng Kuya Chess niya ng umagang iyon. Marami siyang gustong sabihin sa kapatid niya bago siya tuluyang bumawi kay Yoomi dahil sa pagpapaiyak niya sa asawa niya kagabi.
Dahil sa pagseselos niya, marami siyang nalaman tungkol sa sarili niyang damdamin. Pero dahil din do’n, hindi sinasadyang masaktan niya si Yoomi. He hated himself so much for that. He promised himself he would properly apologize to her after his talk with his brother.
“Oh. What brought you here, my baby brother?” bati sa kanya ni Chess pagpasok pa lang niya sa opisina nito.
Naikuyom niya ang mga kamay niya bago pa dumako ang mga iyon sa mukha nito. “Kuya Chess, Yoomi is off-limits. Asawa ko na siya kaya hindi mo siya puwedeng paglaruan.”
Halatang nagulat si Chess sa sinabi niya, pagkatapos ay tumayo ito at umupo sa gilid ng mesa nito habang nakapamulsa. “Jason, I owe you an apology. Hindi ko sinasadyang bastusin ka kahapon. Naaaliw lang talaga ako sa asawa mo –”
“You’re too comfortable with my wife.”
“Right,” sang-ayon nito. “I met Yoomi in a very outrageous way. You know, if she didn’t meet you first, siguro kami ang ikinasal.”
“Fuck you,” he said through gritted teeth. “Yoomi is already my wife.”
Ngumiti ito ng malungkot. “Yes, yes. Unfortunately, I’m infatuated with my little brother’s wife. You can’t blame me, Jason. Yoomi’s special. Iba siya sa lahat ng babaeng kinamumuhian ko sa lahat.”
“She’s not Israela, Kuya,” galit na paalala niya rito na ang tinutukoy niya ay ang una at nag-iisang tunay na pag-ibig ng kapatid niya.
Gumuhit ang galit sa mga mata ni Chess. Nagtagis ang bagang nito. “I know. Because Yoomi is a better woman than Israela is.”
“Kuya!”
“She’s not Kiana either, Jason,” paalala naman nito sa kanya. “Kung kilala mo ko pagdating sa babae, gano’n din ako sa’yo. Nakikita kong hindi mo naman mahal si Yoomi. Gusto mo lang gampanan ang papel ng mabuting lalaki para mabura mo ang naging pagkukulang mo kay Kiana noon. Huhulahan ko. Yoomi was a damstel-in-distress when you met her, right? That was probably the reason why you are attacted to her. Iyon din sigurado ang dahilan kung bakit mo siya pinakasalan.”
“Shut the fuck up, Kuya.”
Bumuga ng hangin si Chess. “Hindi ko gustong sirain ang pagsasama niyo ni Yoomi, Jason. Pero sa nakikita ko kasi, hindi ka pa rin makawala sa nakaraan niyo ni Kiana. Ayokong masaktan mo ang asawa mo. I care for her, kahit alam kong mali. I’m sorry, little brother.”
Matigas na umiling siya para pabulaan ang sinasabi ni Chess at para mabura iyon sa isipan niya. And with all the hate he could muster at the moment, he glared at his brother. “Layuan mo si Yoomi, Kuya. Bago ko makalimutang magkapatid tayo,” banta niya rito bago niya ito tinalikuran.
BINABASA MO ANG
I Married The Wrong Guy
RomanceYoomi married Jason for his money. But it turns out he isn't the rich heir she thought he is. Ang kuya pala nitong si Chess ang totoong tagapagmana. At si Chess din ang kailangan niya para mabayaran ang mga utang niya. Dang, she married the wrong gu...