NAG-INAT si Jason. Sa wakas ay malaya na niyang naigagalaw ang kanang braso niya na isang linggong mahigit din naka-cast. Pinatanggal na niya iyon sa doktor niya sa ospital kanina. His arm was now fully-recorved.
“Honey?”
Hinanap niya sa buong bahay si Yoomi. Nakita niya ito sa kusina habang nagluluto. Pero dahil may nakapasak na earphones sa mga tainga nito habang may kung ano’ng pinapanood sa iPad niya, hindi nito namalayang kumukulo na ang niluluto nito. Dali-dali niyang hininaan ang apoy ng stove.
Gulat na nilingon siya ni Yoomi. Nanlaki ang mga mata nito nang makitang nakalimutan na nito ang niluluto nito. Tinanggal nito ang earphones nito at pinatong sa mesa ang iPad. “Sorry. Sorry. Nakalimutan kong nagluluto ako.”
Tumayo siya sa likod nito habang hinahalo nito ng sandok ang niluluto nito, saka niya ito niyakap mula sa likuran. “Ano ba 'yong pinapanood mo at masyado kang absorbed?”
“Nanonood ako ng mga amateur music videos ng iba’t ibang indie bands para makakuha ako ng ideya sa gagawing music video ng Violet Rage,” masayang kuwento nito. “Ang dami na ngang pumapasok sa isip ko.”
Pinakinggan niya ang mga ideya nito. Lahat iyon ay magaganda at akma sa sinulat na kanta ni Alekasander. Hindi niya mapigilang mapangiti.
“Yoomi?”
Nilingon siya nito. “Hmm?”
“Thank you for supporting me,” malambing na sabi niya rito.
Her eyes softened as she placed a soft kiss on his lips. “Walang anuman.”
Hindi na siya nakapagpigil. Pinatay niya ang kalan at marahang pinihit paharap sa kanya si Yoomi. Siniil niya agad ito ng malalim na halik sa mga labi. Umatras ito ng umatras hanggang sa mapasandal ito sa pader.
Bumaba ang halik niya sa mga leeg nito habang kinakawit niya ang binti nito sa baywang niya, habang ang isang kamay niya ay pumailalim sa blusa nito. He squeezed her breast hard. Then, he pressed his swollen erection on her womanhood which made her moan deliciously in his mouth.
Gah, he missed being this intimate to his wife because of his stupid injury.
“Jason, paano 'yong hapunan natin?” Yoomi asked in her sexy, ragged voice, while her hands were wandering on his chest.
“I’ll have you for dinner,” he whispered seductively in her ear.
Iyon na talaga ang balak niyang gawin kung wala lang istorbo na nag-doorbell. Mabilis silang naghiwalay ni Yoomi.
“Who the hell is that?” iritadong tanong niya.
“Ah! Tumawag nga pala siya kanina,” sabi ni Yoomi habang binabalik nito sa pagkakabutones ang damit nito. “Si Kuya Chess 'yan.”
Mabibigat ang paa niya nang lumabas siya ng kusina para buksan ang pinto.
Sumimangot siya. “Hi, Kuya.”
Ngumiti si Chess. “Hello, little brother.”
“Napadalaw ka yata?”
Inangat nito ang bitbit nitong fruits basket. “I heard full-recovered ka na raw kaya bumisita ako. Bakit mukhang hindi ka masayang makita ako? Wrong timing ba ko?” biro nito.
“Buti alam mo,” iiling-iling na sabi niya, saka niya niluwagan ang bukas ng pinto at pinatuloy niya ang kapatid niya.
Naabutan nila si Yoomi na naghahanda na ng hapag-kainan sa kusina. Mayamaya lang ay sabay-sabay na silang naghahapunan.
“Bakit ang tigas pa ng karne?” reklamo ni Chess. Tiningnan nito si Yoomi. “Hey, Ponkan Girl. Mag-aral ka ngang magluto.”
“Ikaw na nga 'tong nakikikain, nagrereklamo ka pa...” pabalang na sagot ni Yoomi, pero mukhang naalala nito bigla kung sino ang kausap nito. “Kuya Chess.”
Natawa si Chess. “You haven’t changed a bit since the first time we met, Yooms. Kung hindi ka kumportableng tawagin akong ‘Kuya’, puwede namang tawagin mo na lang sa pangalan ko, o kaya ‘Gameboard’ gaya ng pang-asar mo sa’kin.”
“Hindi puwede,” kontra naman ni Yoomi. “Kapatid ka kaya ng asawa ko.”
Masaya si Jason na mabilis nagkasundo ang kapatid at ang asawa niya. Naikuwento na sa kanya ni Yoomi na nakilala nito si Chess sa Divisoria nang minsang nagliwaliw do’n ang kuya niya. Pero hindi niya akalaing magiging ganito kalapit agad sa isa’t isa ang mga ito.
Wala naman siyang dapat ipag-alala, 'di ba?
BINABASA MO ANG
I Married The Wrong Guy
RomansaYoomi married Jason for his money. But it turns out he isn't the rich heir she thought he is. Ang kuya pala nitong si Chess ang totoong tagapagmana. At si Chess din ang kailangan niya para mabayaran ang mga utang niya. Dang, she married the wrong gu...